6. First Human Mutation Subject

78 3 0
                                    

TIME: 5:20PM , 2 DAYS AFTER THE ARGUEMENT

This is the 2nd day mula nung nag away-away kami ng mga taong naging parte na ng buhay ko, mga taong itinuring kong kapamilya, feeling ko pati ang Academy na itinuring kong bahay ay galit sakin.

5:20Pm, unusual sakin to , dahil dati nasa principal's office sa mga ganitong oras, pero ngayon nandito ako palabas na ng gate, kung dati sabay kaming umuuwi ni Andrea, ngayon nauuna na ang isa saamin.

"Hey! Mr. President!"

Nagulat ako ng tawagin ako ni Jowen, siguro dahil yun ang first time na tinawag niya ako sa titulo ko.

"Siguro naman ramdam mo na ang sakit na nararamdaman ko ngayon? Alam ko namang ikaw ang pasipsip na nag insist na ipataw ang order na yun sakin, tapos magdadrama kapa na kunyare concerned ka?"

"Pwedi ba Jowen! Wala ako sa mood makipag talo sayo ngayon! At wala na akong paki-alam kung maniwala ka man o hindi, dahil alam ko sa sarili ko na totoo ang lahat ng sinabi ko!"

"Pssh! Di mo ako maloloko! Ngayon wala na akong ibang magagawa kung di ang mag bulakbol! Ito ang gusto kong tandaan mo! Babalikan kita River!"

"Wala akong paki-alam sayo Jowen! At wala akong tatandaan sa mga sinabi mo!"

Umalis siya at nagtungo sa taong naghihintay sa kanya, si Leon Rage!

Habang naglalakad ako pauwi sa amin, actually 6miles ang layo ng Academy mula sa bahay ko, pero mas pinili kong maglakad dalawang araw mula nung arguement namin.

"Ito ang kagandahan sa pagdadalhan ko sayo Jowen, dahil sinisiguro ko sayo, na kapag binalikan mo na si Ms. Principal at ang mayabang na President ng Academey wala silang takas sayo!"

Siguro sinadyang iparinig ni Leon sakin ang sinabi niya, para ano? Para sindakin ako? Tss!

Bigla silang nawala sa paningin ko, habang tuloy-tuloy ako sa paglalakad, napalingon ako sa Mad Lab at nakita ko silang pumasok, sinundan ko sila dahil biglang nag iba ang kutob ko nung pumasok na sila, ang nasa isip ko'y, baka mag iskandalo sila sa loob.

Pero nung pagpasok ko sa Lab, para na din kasing isang museyo ang lab nato dahil sa iba't-ibang experiments na naka display, kaya feel free ang lahat pumasok. Pero hindi ko nakita ang bakas ni Jowen at Leon.

Namalik-mata lang siguro ako or gutom lang to, umalis na ako agad ng Lab at nagtungo sa isang fast food chain at umorder ng pagkain. Pero wala parin akong kinain dahil sa wala talagang akong gana.

-

LOCATION: MAD LAB; MUTATION LAB
TIME: 6:30PM

Third Person's POV

Sinilip nila Leon at Jowen si River na nagtataka dahil wala siyang makitang anino ng dalawa nung pumasok siya sa Lab.

Nung pagkalabas ni River sa Lab ay lumabas nadin sila sa pinagtaguan nila.

"Sa tingin mo, hindi siya maghihinala?"

"Hindi naman siguro pare, buti nalang ay napansin natin na sinundan niya pala tayo"

"Pano mo nalaman ang mga pasikot-sikot dito Leon?"

"Mula nung Tour pare, basta mahabang storya"

Nagpatuloy sa paglalakad si Leon at sinusundan lang siya ni Jowen.

"Teka nga pala Leon, bat tayo dito pumunta?"

Nagpatuloy parin siya sa paglalakad at di sumasagot, maya-maya'y humarap ito kay Jowen at may inispray ito sa mukha nito na siyang ikinahimatay nito.

-

"Look what I've got Dr!"

"Oh, oh you brought me a subject! But wait i know him!"

"Wait! WHAT?!"

Nagulat si Leon ng sabihin ni Dr. Damon sa kanya na ang taong dinala ay sobra niyang kilala, kesa sa pagkakilala sa kanya ni Leon.

"But! Wala na tayong magagawa, kundi ang ituloy na ang experiment! Nandito na din siya! Hihihi! Gugustuhin niya pag nagtagumpay to! Hihihi!"

"E pano pag hindi?"

"Anong Sinasabi mong hindi Mr. Rage! Hindi magtatagumpay to? Edi problema mo na yun! Hihihi! Problema mu yun, problema mo yun"

Paulit-ulit niyang sinabi yun at nilagyan niya pa ito ng tono na tila kumakanta siya.

"Mr. Rage! Kunin mo sakin ang Injection na may laman dun sa table. Lalalalala !"

-

Sinimulan na ni Dr. Rage ang experiments at sobrang saya niya nung umabot agad ng 88% ang accomplishment ng experiment.

Habang tuwang-tuwa nitong tingnan ang computer ay biglang nagwala si Jowen sa loob ng malaking tube na parang gusto niyang kumawala doon. 98% .

99.9%

Biglang nag alarm ang buong Lab at nag aalert ang computer.

"Failed. Failed. Experiment failed!"

"No... no.. no. no! Hindi ito maari! Anong pagkakamali? Anong pagkakamali!"

"Dr. Damon baka po pweding i shutdown na ang computer?"

"Shutdown! COMPUTER SHUTDOWN!"

"Shutting down. Shutting down!" Sagot ng computer

Sobrang nadismaya si Dr. Damon sa pagkabigo ng inakala niyang perfect human mutation nya. 

Kasabay ng pagka-Shutdown ng computer ang pagtigil ni Jowen na kumawala sa loob, para bang pati siya ay na shutdown ng computer.

Maya-maya'y biglang nag crack ang tube! Biglang gumising si Jowen at sinuntok ang tube na gawa sa matibay na glass.

"Roooooaaaarre!"

Pagkalabas niya sa tube, hindi na siya ang taong si Jowen, kundi nagmukha na siyang Ogre na may malalaking pangil na parang baboy damo.

The Mad Scientist (COMPLETED)Where stories live. Discover now