25. The Formula is Done

47 2 0
                                    

River's POV

Lumipas ang Isang buong linggo, nanatili ako sa Hospital, kahit di pa pumayag ang doctor ay nag pumilit akong lumabas. Tinanggal ko ang nakasaksak na dextrose saka tumakbo paalis.

Pumara ako ng Taxi na naka suot pa ng hospital dress, sumakay ako sa loob. Akala ko'y hahabulin ako ng mga nurses or guard pero hindi, tiningnan lang nila na makaalis ang taxing pinara ko at nagsibalikan sa loob.

"Manong paki bilisam ho ang pagpapatakbo" ang sabi ko sa driver, pero suminangot ito.

"Hijo! May pambayad kaba? Pano kapag nadisgrasya tayo sa sinasabi mo? Tingnan mo nga ang kasuotan mo, imposibling may pambayad ka niyan, dahil wala ni isang bulsa ang suot mo"

Tama siya, wala nga akong pambayad, pero hindi ko ito pweding pagtiyagaan. Ni-Scan ko ang buo kong katawan at bumagsak ang tingin ko sa wrist watch ko. Tinanggal ko ito at ini-alok sa Driver.

"Pano po kung ito nalang? Pwedi po ba?"

Tiningnan niya ito ng mabuti. Mamahaling relo, purong ginto at sobra-sobra na ito para sa bayad lang sa taxi.

"Sigurado kaba hijo? Gaano ba ka importante ang lalakarin mo't isasakripisyo mo itong mamahalin mong relo?" Pagtatanong niya na may duda.

"Sa akon po talaga ang relong yan, tingnan mo sa belt niya, may naka paskil na pangalan ko. At napaka importante ng lalakarin ko manong, it's the matter between life and death"

Agad siyang sumang-ayun ng makita nga ang nakapangalan sa ilalim ng wrsit watch ko. Binilisan agad nito ang takbo, mula 40mph hanggang sa 90mph, at mas binilisan niya pa ito hanggang 120mph.

Dumating kami eksaktong alas dos ng hapon, malayo ang hospital dito. Kaya naman narating namin to 20 minutes kahit na ganun na kabilis ang takbo ng taxi. Nagpaalam ang taxi driver at dali-dali akong pumasok sa loob ng Mad Lab.

Pagpasok ko sa loob, ay hinanap ko na agad ang hidden switch para sa hidden elevator ng lab. Inabot ako ng 15 minutes bago makita iyon. Ginulo ko muna ang buong lab. Lahat ng project ni Dr. Damon binasag ko lahat.

Tumigil ako sandali para habulin ang hininga ko ng makita ko na ang switch. Tapos pinindot ko ito at may bumakas na wall, at sa likod nito ang elevator. Agad akong pumasok sa loob at pinindot ang ground floor.

One storey building lang ang Mad lab, pero meron itong underground building. At dito naka locate ang Mutation lab, kung saan niya ginagawa ang mga krimen.

Pagkalabas ko ng elevator, bumungad sakin ang malaking tube na meron kulay berden likido sa loob. At si Andrea! Nasa loob siya ng tube!

Tumakbo ako papalapit pero biglang may sumalubong saking hampas ng malaking tubong bakal sa mismong mukha ko. Nagdugo ang ang pisngi ko at nasugatan, dahil dito mas tumama ang tubong hinampas saakin.

Nanghihina ako pero pilit parin akong tumayo. Nilapitan ako ni Leon at sinapak sa mukha saka ako kinuha at tinali sa paa ni Jowen na ngayon ay nag anyong Ogre na.

Nagulat ako sa nakita dahil si Jowen, hindi gumagalaw sa kinatatayuan at nakatingin lang ito sa mga higanteng tube na nasa harapang namin. Si Andrea nasa pinaka malaking tube, si Sky at Khreena naman ay nasa magkabilang tube na medyo maliliit.

Pinagmasdan ko ang buong paligid, nakita ko si Dr. Damon na may hawak na gadget. Nakangiting paranh baliw. At may nakita akong isang bagay, isang 1ft tall na tube ang bilog ito. Merong kulay pulang likido na nasa loob, binasa ko ang nakapaskil sa desk na kinalalagyan nito. The Perfect Formula.

Napansin kong merong isang wire hose na nakatutok sa bunganga ng tube ng formula. Sinundan ko ito ng tingin, at nakakonekta ito sa mga braso ni Andrea! Hindii! Gusto kong kumawala pero di ako makagalaw.

Naramdaman kong gusto din kumawal ni Jowen pero di siya makagalaw kahit na wala siyang tali. Ni activate ni Dr. Damon ang process. Si Khreena at Sky may nakasaksak din ng wire hose sa kanilang mga braso, at naka konekta ito sa likod ni Andrea.

Nagsimula na ang proseso, nagsimulang masaktan silang tatlo. At nakita ko ang formula na nag iba ang kulay sa tuwing papatakan ito ng dugo ni Andrea. Kulay pula na ang formula at kulay pula ang dugo, imbis na mas tuminkad ang kulay, ay nag-iba pa ito.

"Hindii! Dr. Damon! Pakawalan mo sila!" Ang sinigaw ko, dahil wala din ako magawa dahil isang kadena ang nakatali sa akin.

Lumapit siya saakin at tumawa na parang isang witch. Pumunta ito sa harapang ko at naglaro pa ito.

"Bulaga! Hihihi! Wala ka nang magagawa River! Hihihi!"

Mas lalong bumilis ang pagtulo ng dugo sa tube ng formula. Kanina ay kalahati lang ito, pero ngayon mas lalo pa itong dumami. Parang gripo na ang tulo ng dugo mula sa wire hose na naka saksak sa braso ni Andrea.

Si Khreena at Sky ay wala ng malay, nag pale ang mga balat nito. Nawalan na sila ng buhay! Hindi! Kailangan kong makawala, hindi ako papayag na pati si Andrea mamatay!

"Walang hiya ka Dr! Pagnakawala ako dito! Malalagot ka saakin! Papatayin kita!"

Tila isang biro lang para sa kanya ang sinabi ko at humalakhak ito. Nakita kong sumisigaw si Andrea sa sakit, hindi katulad nila Sky at Khreena buhay parin si Andrea at dumadaloy parin ang dugo sa katawan nito.

Gustong kumawala ni Andrea sa loob ng tube, sa kagustuhan niyang iyon, nakita ko ang mata niya, ang itim nito ay naging puti. Kinabahan ako dahil akala ko'y katapusan na niya. Pero hindi.

"Here it comes, hihihi!" Ang sabi ni Dr. Damon ng makita rin ang nangyayari kay Andrea.

Bumalik ito sa upuan niya at may pinindot sa iPad niyang hawak. Nakita kong may tumubo na isang crystal barrier sa Formula Jar, at pati narin sa kinauupuan ni Dr. Damon. Nagulat din si Leon sa nakita at pinilit nitong makapasok.

Medyo malayo saiya sa upuan ni Dr. Damon, mga 5 meters away. Nung malapot ng mabuo ang barrier at malapit ng makapasok si Leon, may pinindot ulit si Dr na siyang dahilan kung bakit natigilan si Leon.

Ngayon alam ko na kung bakit hindi makagalaw si Jowen. Kumaway kaway sa akin si Dr. Damon, at tinuro si Andrea. Unti-unting nag-crack ang higanteng tube na kinalalagyan niya. Kumukurap-kurap ang ilaw sa loob ng Lab.

Lumindol ng malakas, at nagsi-angatang lahat ng bagay, pati si Leon. Pwera sa Formula at kay Dr. Damon na may barrier, at kay Jowen na abot na ng ulo ang atip ng Lab. Dun ko nakita, ang formula bago pa man magwala si Andrea, napuno na ito at naging kulay asul.

Mas lumakas ang lindol at mas lumaki ang crack ng makapal ng higanteng glass tube na kinalalagyan ni Andrea! Sumigaw ito ng malakas sa loob, kita sa bula ng likido.

Maya-maya lang ay unti-unti ng gumuho ang Lab. Tumawa si Dr. Damon sa loob ng crystal barrier at kumaway ulit. May pinindot ulit siya sa iPad na hawak at nakagalaw na si Jowen. Pati si Leon ay nagpanik na din.

Matapos pindutin ni Dr. Damon ang gadget niya. Sumigaw ng malakas si Jowen. At kasabay nito ang pagkatanggal ng mga wire tube na naka saksak sa katawan ni Andrea. Duon ko lang napagtanto na si Andrea! Isa siyang tunay na mutant!

"ROOAAARRR!" Sumigaw si Jowen, kasabay nito sumigaw din si Andrea sa loon at nabasag na nga ng tuluyan ang glass tube, at unti-unting gumuho ang building.

Nung mga oras na yun, imbis na pabayaan, ay pinrotektahan ako ni Jowen sa pabagsak na mga malalaking semento. Tinabon niya ang katawan niya sa akin na anyong Ogre pa. Bago pa man niya ako tabunan, nakita ko si Andrea na nakalutang sa ere, maputi ang buong mata at may kuryenteng dumadaloy sa katawan nito at lumilipad ang buhok.

Hindi manlang naka punta sa kanya ang mga bagsak na particles ng building, dahil kinokontrol niya ito. Gusto lang niyang basagin ang kinalalagyan ni Dr. Damon pero masyadong matibay ang pagkakagawa nito. Nag crack lang ng konti .

Di nagtagal ay gumuho na nga ang buong building.

-

Nagising ako sa pag groan ng Ogre, tinanggal niya ang lahat ng mga nakabagsak sa katawan niya, naghukay ng iba pa. At hindi ko na nakita pa si Dr. Damon pati ang Formula. Tumingin lang saakin si Jowen na nasa anyong Ogre parin saka tumalon ng malakas.

Nakita ko ang katawan ni Andrea sa ibabaw ng mga nakbagsak na semento. Yun na ang huling araw na nakita ko ang Ogre. Dahil pati ako nanghina nadin. Naupo ako sa tabi ni Andrea. Unti-unti akong nawalang malay.

****

The Mad Scientist (COMPLETED)Where stories live. Discover now