It's been a week mula nung nawala si Leon Rage, inisa-isa na namin ang bawat lugar na palagi niyang pinupuntahan pero wala kaming makitang kahit bakas manlang ng anino niya.
Nagtanong-tanong kami sa mga kaibigan niya sa labas ng campus, nagpunta na kami sa lahat ng computer shop sa buong city, at sinuyod na namin lahat ng campo ng mga nakaaway niya, pero hindi parin namin siya makita.
Nagbalik kami sa Laboratory ni Dr. Damon, para mag tanong pero ang sinagot niya lang samin ayy:
"Hihihi, Mukha ba akong hanapan ng nawawala?"
Wala kaming magawa kundi bumalik nalang sa campus, Inireport na namin ito sa mga pulis 2 days after ng incident pero hanggang ngayon wala pa rin kaming balita.
"Ms. Principal, wala pa rin po kaming balita kay Leon"
ang tanging nasabi ko lang sa principal namin, di ko na alam kung ano pa bang dapat kong sabihin sa kanya dahil sa kapabayaan ko
"E sa mga pulis, may nahanap na ba daw sila?"
"Wala rin po Ms. Principal"
"Alam na ba ito ng lahat ng student ng Academy?"
"Hindi pa po, hindi namin ipinaalam hanggat di pa namin nasisigurong nakidnap po siya oh talagang umalis lang siya ng walang paalam"
"Mabuti kung gan-"
Bigla kaming binulabog ng isang babaeng hingal na hingal ng buksan ang pinto, si Ms. Andrea.
"I'm really sorry for interrupting Ms. Principal and Mr. President, pero may nagpakalat po ng balita na si Leon Rage daw ay naging subject sa Human Mutation experiment sa Mad Lab, na siyang gumimbala sa katahimikan ng Campus"
Biglang hinampas ni Ms. Principal ng malakas ang desk nya at sinabi,
"Alamin mo kung sino ang nagpakalat ng chismis na yan River! At kapag nalaman mo kung sino ! Bigyan mo na agad ng order for dismissal !"
Galit na galit na si Ms. Principal sa mga oras na yun, pero di ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at kinontra ko pa siya.
"Maging ako man ay nagulat at napuno ng galit sa balitang yun Ms. Principal, pero di naman po ata tama na dismissal agad ang ipapataw nyo sa kanya."
"Anong gusto mong gawin ko Mr. President?! Alam mo na ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung taong mahilig mag chismis! Kaya gawin mo ang inuutos ko !"
"But! Ms. Principal-"
"Just do it Mr. President! It's either him or you ! Ayaw mo naman sigurong ikaw ang ma dismiss hindi ba?"
"Yes Ma'am!"
Lumabas na ako ng Principals office at inutusan ko si Andrea na magpatawg ng student's council board meeting.
-
"Narinig nyo naman siguro ang bali-balita na ipinakalat ngayon sa campus hindi ba?"
Tumango lang ang lahat sa sinabi ko, pero may isang mayabang na lalaki ang tumaas ng kamay, di paman ako nag bigay ng permit para magsalita siya ay nagsalita na nga ito agad ng napakabastos na tono
"So what Mr. President ! Pinatawag mo lang ba kami para jan ? Alam mong alam namin ang balitang yan , and I guess ikaw ang huling nakarinig ng balita together with the principal, as always!"
"Hanggang ngayon ba naman Jowen, pinag iinitan mo parin ang posisyun kong to ? Dahil sa naging Vice-President kalang ?"
"Oh, guys, guys, ibang problema ang topic natin ngayon , wala ako sa posisyon para sabihin to pero, can you please calm down? Wag nyo nang dagdagan ang problema"
Napatingin kaming dalawa sa babaeng nagsasalita, si Ms. Secretary
"Tama nga naman, wag nyo nang dagdagan pa ang problema"
dugtong ng iba pa, tumahimik bigla si Jowen at nagpatuloy ako sa dapat kong sabihin
"Ehem! Uhh, thank you for reminding us Ms. Secretary-"
Nag bow sya saakin biglang pag agree
"Okay , I called you all here dahil ang nangyaring to ay isang crisis sa campus, hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ito ang unang beses na nabulabog ng ganito ang buong campus dahil sa maling balitang kumalat, Ms. Secretary?"
Tumayo si Andrea at bago pa man siya magsalita ayy may binulong si Jowen at parang walang interes na makinig sa dicussion
"Puro nalang secretary ang tinatawag, hindi ata kayang mabuhay ng wala ang secretary"
"Excuse me? Okay Ms. Secretary, continue, hayaan mo na kung ayaw makinig ng Vice President, in fact, he has nothing to do with this!"
I say it with sarcasm, tumango siya in agreement at tumayo si Jowen at lumabas ng Meeting hall, sinenyasan ko si Andrea na magpatuloy nalang.
"We have to investigate this incident, kung sino man ang nagpakalat ng balita ay bibigyan ng order-for-dismissal, it's the principlas order!"
Meron sanang nag taas ng kamay pero binaba din ito agad ng makitang wala akong reaksyon sa sinabi ni Andrea. Naupo si Andrea at ako naman ang tumayo
"Thank you Ms. Secretary, and thank you for coming , we have to finish this investigation A-S-A-P! dismiss!"
YOU ARE READING
The Mad Scientist (COMPLETED)
Ciencia FicciónDr. Damon, a scientist who was obsessed in doing some kind of Mutation experiments, until he came to the point that he wanted to create a Human Mutant, and one man used his obsession to rule the entire city. Who's the man behind this mess? Read t...