9. Rejected

53 2 0
                                    

River's POV

-

5 days na mula nung nalagay sa alanganin ang buong city dahil sa biglaang pagsalakay ng halimaw, o ancient Ogre at hanggang ngayonnay wala pang nakakaalam kung saan talaga nagmula ang halimaw na yun, at ang sabi-sabi ng iba'y, isa daw yung Mutant.

Pagpasok na pagpasok ko sa gate ng Academy, umalingaengaw sa akin ang katahaimikan, merong iba na nag uusapmat yung iba naman ay bakas parin sa pagmumukha nila ang takot dahil sa nangyaring trahedya 5 araw na ang nakaraan.

Nakita ko ang isang studyante na tumatakbo papunta sa akin.

"Mr. President, may biglaang meeting po, pinapatawag na po kayo dun ng Principal"

"Ahh sige thank y-"

Natigilan ako ng maalala ko na bumitaw na pala ako sa posisyon, umalis nalang ako sa kinatatayuan ko sa gitna ng field. Parang na insulto ako nung pinatawag ako ni Khreena, dahil alam niya 6 days ago na nagbitiw na ako sa posisyun.

"Good morning Mr. President"

Ang bati sakin ng mga students habang dumadaan ako sa hallway, may bumati ulit sakin at sinabi-

"Mr. President, pinatawag kayo ng Principal sa meeting hall"

"Sa tingin ko nagkakamali ka, hindi ako ang tinutukoy ni Khr- I mean Principal"

"Wala na naman pong ibang President ang student's council sir, kaya I'm sure na-"

"I'M NOT THE PRESIDENT ANYMORE OKAY!"

Natulala ang lahat ng bigla akong sumigaw, unusual sa kanila ang makita akong ganito, usually kasi lagi akong kalmado at nagbibiro, pero ngayon pati ako naninibago sa sarili ko.

"I'm sorry kung nasigawan kita"

Yumuko ako habang naglalagad sa hallway, ramdam kong tinititigan ako ng lahat ng studyante na may pagtataka. Pumunta ako sa 1st subject ko which is Science with Ms. Collins.

"Good Morning Ms. Collins"

Hindi niya ako pinansin na para bang isa nalang akong multo dahil sa hindi niya ako nakikita, may mga tinatanong siya at gusto kong sumagot pero hindi niya parin ako pinapansin.

Lumipas ang 1 and a half hour, natapos na ang klase niya, but it feels like forever kasi I felt so rejected at halos gusto kong lamunin na ako ng lupa o kainin nalang ng Ogre dahil sa sobrang kahihiyan.

Paglabas ko ng room, wala akong makitang studyante sa hallway, ano bang nangyayare? Ganun naba ako kasama para lahay sila iwasan ako?

Pumunta ako sa Meeting hall, kumatok pero walang nagbukas, nung kusa kong binuksan ang pinto, sobrang dilim naman at walang tao ni isa. Lalabas na sana ako ng biglang nagsara ang pinto at biglang may sumigaw.

"WELCOME BACK MR. PRESIDENT!"

"Ahh , hehe, pasensya na nagkamali siguro kayo"

Lahat ata nandun sila Ms. Collins, Andrea, Khreena at iba pang mga staff ng Academy.

"No River, hindi kami nagkakamali, napag botohan naming lahat na ikaw parin ang gawing President ng Student's council"

Pinagmasdan ko silang lahat at natulala ako ng makita ko si Andrea, her smile makes me weak, hindi ko alam kung bakit, pero sa lahat ng trahedyang nagyare, mas iniisip ko ang kaligtasan niya kesa sakin.

"Hi Mr. President!" Halos manghina ang tuhod ko nung kinausap niya ako, Goshh! Inlove na ata ako sa kanya.

"Ahh, H-Hi m-m-Ms. Andrea, ahhh k-kumusta kana?"

The Mad Scientist (COMPLETED)Where stories live. Discover now