10. The Ogre strikes again

44 2 0
                                    

Location: At the City

Third Person's POV:

Isang normal na araw na ito para sa ibang nakatira sa Spring City, pero sa iba, kahit ito na ang ikalawang linggo ng trahedya hindi parin mawala sa mukha nila ang takot.

May ibang nanatili sa kani-kanilang bahay, merong ibang lumalabas pero lubos ang pag-iingat at ang iba nama'y careless halatang naka-recover na sila sa trahedya.

Sa isang park naman, maraming taong nagsisipag tawanan, biruan at kung ano pa.

Pero sa kabila ng ingay na nagmumula sa park, mapapansin parin ang sobrang tahimik na paligid, isang katahimikan na hindi maipaliwanag.

-

After how many hours of unexplainable silence, masaya na sana ang lahat, pero....

"ROOOOOOOAAAAAAAAARRRRR!"

Nagbalik ang Ogre! Nagkagulo ang lahat nagsipagtakbuhan ang lahat ng taong nasa parke, ang mga taong nasa kani-kanilang bahay ay lubos ang pasasalamat dahil da hindi nila naisipang gumala.

'AHHHHHHHH! TAKBO! NANDITO NA ULIT ANG HALIMAW!'

Yan ang sinisigaw ng mga taong pabalik-balik, hindi alam kung saang dereksyon pupunta, dahil sa sobrang kaba, nagbanggaan ang mga nagpa-panoc na mga tao, hindi na nila napansin na may isang sanggol na nasa strawler ang naiwan sa gitna ng field ng park.

Dumating ang mga news reporter sa mismong pinangyarihan ng trahedya sa park, hindi ko lang alam kung ba't pumunta pa sila, e alam naman nilang delikado. Hayysst, mga medya talaga.

"Narito ngayon ang mga balitang dapat niyong abangan sa RawCN, The Ogre Strikes Again, nasabi ng mayor ng city na si Mayor Armstrong last time na siya na ang bahala dito, ngunit tumagal lang ito ng 2 weeks, at ngayon ang halimaw ay nagbalik naman!"

Habang nag sisipagtakbuhan ang mga tao, biglang may hinila ang news reportor para interview-hin.

"Sir, salamat po sa pagpapaunlak ninyo sa ating programa, gusto lang po naming malaman kung anong oras muling umatake ang halimaw!"

Tiningnan nito ang relo at sumagot, "Mga 3:45, pwede na po ba akong umalis?"

"Ahh, salamat po, makakaalis na kayo"

Tumingin muna ito sa kamera at nag Dab, saka sumigaw, "Andiyan na ang Ogre!"

Itinapat ng camera man sa ogre ang camera at kinuha ito ng Ogre, saka sumigaw na nakadikit ang hitsura sa lense ng camera.

"KHRRRRRREEEEEENNNNAAAAA! ROOOOAAAAARRR!"

"Yan po ang mga balita natin ngayon araw, maraming salamat sa pagtankilik"

Sinabi muna ng reporter yun saka tumakbo at nagsisigaw.

-

Time: 6:30 Pm

Location: Mayor's House

Lumbas si Khreena ng kwarto niya at pumunta sa terrace, meron lumitaw na pamilyar na hitsura sa harap niya. Nakasakay ito sa ulo ng malaking halimaw.

"Mr. Rage? Panong-"

"Hello Ms. Principal! *smirked*"

-

Time: 6:55

Location: McColl's Recidence

Habang naglalakad si Andrea para magpahangin, dahil iniisip parin niya ang sinabi ni River sa kanya, at hindi rin siya makapaniwala kung bakit ni-Reject niya si River.

May malaking anino na lumitaw sa harapan niya, masyadong malaki ang buwan ng mga oras na yun, Ang Ogre! Binaba ang kamay nito sa harapan ni Andrea, laking gulat ni Andrea sa nakita.

"Hello Ms. Secretary! *smirked*"

"Hindi! Leon?!"

-

Nagising nalang si Khreena at Andrea na naka-kulong sa isang malaking cage pero magkahiwalay, at naksabit ito malayo 20ft mula sa ground.

"Buti naman at gising na kayo, this is getting more interesting! Hihihihi!"

"DR. DAMON?!"

The Mad Scientist (COMPLETED)Where stories live. Discover now