Location: Mad Lab's basementTime: 5:00 pm after the Moon Light Academy Lab tour a week ago
Third Person's POV
Nagising si Leon na nakakulong sa isang malaking tube, pinagmasdan niya ang paligid at marami siyang nakitang malalaking tube na may malaking hose sa luob at may mga hayop na kakaiba, meron din itong tubig na kulay berde na parang kumukulo.
"Nasaan ako! Palabasin niyo ako ditong mga hayop kayo!"
Narinig ni Dr. Damon ang nagsisisigaw sa Mutation Lab nya kaya naman agad itong nagtungo duon
"Oh ! Hihi, gising kana pala Mr? Ano nga ulit ang pangalan mo? Nakalimutan ko , Pangalan, pangalan , pangalan"
Naglilibot ito at paulit-ulit na binabanggit ang pangalan, takang taka si Leon sa nakikita at hindi makapaniwala, at dun na siya inabot ng kaba dahil sa nalaman niyang Baliw si Dr. Damon, nag-aalala ito na baka anong gawin sa kanya nito.
"Pangalan! Li... hmmm , li, tama ! LEON ! Haha ! Leon ! Ikaw nga Leon Rage, bagay na bagay , Leon Rage!"
"Ano bang kelangan mo sakin?! Palabasin mo ako ditong hayop ka ! Wala akong oras para sa birong itong!"
"Biro? Biro! Hindi-hindi-hindi ! Hindi ako nagbibiro , nakikita mo hindi ba ? Hindi ako nagbibiro, pagmasdan mo ang paligid, nakikita mo? Hihihi!"
Muling pinagmasdan ni Leon ang paligid at duon lang nag sink in sa kanya lahat, Mga Mutant! Sabi nito sa sarili at lubos na siyang kinabahan sa mga oras na yun.
"Paki-usap Dr. Damon, pakawalan mo po ako, baka hinahanap na ako ng mga magulang ko."
"Ahh Hindi, akala mo ba'y hindi ko alam? Hihihi, kahit isang buwan kang hindi umuwi, hindi ka nila hahanapin, at mabuti lang ay ikaw ang nahulog sa bitag, hihihi"
Tama siya, kahit ilang buwan pa akong hindi umuwi, hindi nila ako hahanapin. Yan ang tumatakbo sa isip ni Leon, pero ayaw din naman niyang maging Mutant kagaya ng mga nasa ibang malalaking Tube, yung iba'y kalahating tigre at palaka, yung ibay buwaya at Cheeta at kung ano-ano pa.
"Patayin mo nalang ako Dr. Damon! Tama ka nung sinabi mong walang pakialam sakin ang mga magulang ko, kaya mas mabuting patayin mo nalang ako!"
"Hihihi! Darating din tayo jan Mr. Rage, wag kang mainip! Tsaka sinabi ko bang wala silang pakialam sa'yo? Hindi ko matandaan kung may sinabi ako, diba?"
Nagtatanong ito sa paligid niya na tila may nakikita siyang hindi nakikita ni Leon.
"Hindi! Hindi ko sinabi ang bagay na yun, ang sinabi ko lang, hindi ka nila hahanapin! Hihihi, darating tayo sa kahilingan mo , teka kahilingan nga ba yun? Hindi inutusan niya ako! Hihihi! Inutusan niya akong patayin siya, diba Leon? Wag kang mag-alala, if my experiment failed again, mamamatay ka din! But not this time hihihi, mananatili kang preso hanggang sa magawa ko ang formula!"
"Pakiusap! Ayokong maging Mutant, I will do anything for you, I will work for you! Basta wag mo akong gawing Mutant!"
"Anything?"
"ANYTHING!"
"Hihihihi!"
Tumawa ito nang tumawa papasok sa office nya at paulit -ulit na tinatanong sa sarili kung papayag siya o hindi.
-
Time: 12:00 nn 5th day after the tour
Pumunta si Dr. Damon sa Mutation Lab niya at pinupukpok ang malaking tube kung saan nakakulong si Leon.
"Anything!?"
Tanong nito ulit, pero di agad nakasagot si Leon dahil sa nakalimutan nito ang sinabi limang araw ang makalipas.
"ANSWER ME! ANYTHING? AYOKONG PINAGHIHINTAY AKO!"
Nasindak si Leon sa biglang pagsigaw ni Dr. Damon
"Oops! Hihihi ! Napasigaw ako , hihihi! C'mon, anything? C'mon!"Tinakpan nito ang bibig nung napansing napasigaw siya at paulit-ulit na tinanong si Leon ng anything?.
Naalala ni Leon ang sinabi 5 days ago.
"Anything?" Tanong din niya kay Dr. Damon at nang matauhan ay sinabi nya din na iaalay niya ang natitirang buhay niya para magtrabaho kay Dr. Damon
"Hihihi! Good , good ! Tama ang disisyon mo ! Kung hindi ba naman kasi malikot ang kamay mo, bakit mo ginalaw ang experiments ko, hihihi, may nakalagay na dun na Touch-me-not pero ginalaw mo parin, hihihi! Which is good! Good ! Very very good! Hihihi!"
"E sa nako-curios ako!"
"curiosity! Curiosity! Isa dahilan kung bakit gusto kong gumawa ng mutant, hihihi , gusto kita dahil may curiosity ka!"
"Kaylan mo ba ako ipapalabas dito? Tao mo na ako."
"Wait a minute! Hihihi ! Di pa ako nakakasiguro na tao talaga kita, kaya naman!"
May pinindot ito sa gilid ng tube, at nag usok sa loob na siyang ikinahimatay ni Leon
-"Oh gising kana Leon! Hihihi!"
Nasa labas na ng tube si Leon pagkagising nito, tinanka niyang lapitan si Dr. Damon pero hindi niya magawa dahil unang attemp palang ay parang naparalisa na siya at hindi makagalaw.
"Ah, ah ,ah! Not so fast, hihihi, sinabi ko na sayo na hindi pa ako sure kung tao nga ba kita"
"Sorry na, alisin mo na saakin tong paralyze na to"
"Okay, okay , okay! Hiiihihi!"
Natanggal nga sa pagkaparalisa si Leon at tinanong nito kung anong una niyang gagawin
"I want a Subject for Human Mutation!"
"Okay but please give me enouh time"
"Enough time? Oh of course! I'm giving you enough time! Hindi ko pa naman nakukompleto ang Human Mutation formula ko ! Hihihihi!"
"Copy! Pwedi na ba akong lumabas? "
"Wait for two days yet."
"Okay!"-
Location: Moon Light Academy
Time: 3:30 pm a week and a half after the incident and 3 days after the rumors.
"Kumusta ang investigation nyo tunkol sa nagpakalat ng rumors?"
"Ayun po sa itinalaga kung team na mag-investigate sa pangyayare, nahanap na po nila ang suspek at may proof na po sila na siya talaga"
Tumingin si Khreena kay River with a questioning look.
"Ahh , ehem! Ang suspek po ay si-"
Nagtigil ang pag uusap nila nung biglang may bumukas ng pinto at bumungad muli ang hinihingal na si Andrea.
"I'm sorry for interrupting again, River and Ms. Khreena."
Tumingin silang dalawa kay Andrea with the same facial reaction of 'it's your 2nd time na mag interrupt sa discussion namin, sabihin mo na ang gusto mong sabihin' look
Nakuha agad ni Andrea ang facial reaction nila kaya naman she felt embarass of herself. She even blushed.
"Continue Ms. Andrea" ang sabi ni Khreena
Huminga muna ito ng malalim saka nag salita "Okay! Hmm , Mr. President, Ms. Principal, Leon Rage's Back!"
YOU ARE READING
The Mad Scientist (COMPLETED)
Ciencia FicciónDr. Damon, a scientist who was obsessed in doing some kind of Mutation experiments, until he came to the point that he wanted to create a Human Mutant, and one man used his obsession to rule the entire city. Who's the man behind this mess? Read t...