13. Left Behind

31 2 0
                                    

Location: Moon Light Academy

Time: 3 days after Andrea and Khreena got kidnaped

River's POV:

Tatlong araw na mula nung nangyari, mas pinili ko ang taong sinaktan ako, kaysa taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako.

Hindi ko alam kung totoo ang balita, pero ngayon daw babalik si Khreena sa Academy, gustong-gusto kong humingi ng tawad sa kanya sa nangyari, I am left with no choice.

Nakita ko si Khreena na pumasok sa gate, inabangan ko siya sa hallway.

"Good Morning Khreena, kamusta ka-"

"Good Morning"

Naputol ang pagsasalita ko ng bigla siyang sumagot agad, nakakapanibago.

Sinundan ko siya sa office.

"Khreena, gusto ko lang sanang malaman kung-"

Naputol ulit ang pagsasalita ko nung kinuha niya ang telepono sa desk niya at tumawag. Nanahimik ako sandali.

Nung nakita kong hindi niya parin ako gustong kausapin, kusa nalang akong lumabas ng office, at nanghihina ang buong katawan ko pabalik sa klase ko, na skip ko na ang 1st and 2nd subject kaka antay kay Khreena, but she made me feel Left Behind.

3rd subject na namin to, with our Math Prof, Mr. Jade LnCollins.

"Good Morning Sir!"

"What's with that face River? And you're already 15 minutes late"

"I'm sorry sir"

Naupo ako sa bakanteng upuan sa likod banda, tumingin ako kay Andrea pero parang hindi niya manlang ako kakilala, parang isa lang akong hangin sa paningin nila.

-

"That's all for now, class dismiss!"

Nagsilabasan na ang lahat, pero nagpaiwan ako, huli din kasing lumalabas si Andrea everytime sa lahat ng subject, kaya minabuti kong magpahuli rin.

"Andrea, hmm-"

Natigilan din ako nung bigla siyang umalis, halos tumulo ang luha ko sa ginawa niya, parahg gusto kong lamunin na ako ng lupa sa nangyayari, hindi dahil sa hiya, kundi dahil para nalang rin akong patay sa kanila.

Lumabas ako ng Math room namin at nagtungo sa likod, free time na din kasi namin after ng Math.

Dumating ako sa likod ng Campus, halos walang nagpupunta dito, siguro meron lang yung mga lovers na gusto ng free time na alam mo na.

Nanatili ako dito sa loob ng free time namin which is 30minutes, I feel the gentle breeze, nakasandal ako sa malaking puno ng Akasya lahat ng damo na makikita ay puro green, kaya naman nakaka-refresh yalaga ito tingnan. Maraming mga puno na puro berde ang dahon at malulusog.

Nakatulog ako habang nakaupo sa ilalim ng malaking puno, ano bang nagawa ko? Kaylangan ba ganto ka-harsh ang maging consequence? Yan ang mga tanong ko bago makatulog.

-

"River? Gumising ka! It's already 5:30, ba't ka dito natulog?"

"Sky? I mean Ms. Collins? Buti naman at may pumapansin pa sa akin, bukod sa ibang Instructor"

"Anong pinagsasabi mo River?"

"Ahh, hehe wala po, anong oras na ba?"

Nagulat ako nung sinabi niya ang oras, dali-dali akong tumayo at tinanung kung naka-alis naba si Andrea at Khreena.

"Hindi ko napansin, busy kasi ako kakahanp sayo ee, di naman kasi kita nakitang lumabas kanina, at bat sa likod ng campus ka nagpunta?"

"Feeling ko lang kasi na I just belong in the place like that, dahil yung mga taong pinahahalagahan ko tingin sa akin isang hangin na hindi manlang nila nakikita"

"Ito lang masasabi ko sayo River, wag kong pag-aksayahn ng panahon ang mga bagay na di ka magawang mapansin, alam mo kung anong ibig kong sabihin."

May point siya sa sinabi niya, pumunta kami sa Principal's office, pagpasok namin sa pintuan ay nakita ko si Andrea at Khreena na nag-uusap at nagtatawanan.

Naisip ko na pinagti-yripan lang nila ako, pero nung lumapit ako sa kanila, tumayo sila at umalis.

"Ms. Collins, paki sara nalang ng office, thanks"

Pati si Sky Collins ay hindi makapaniwala sa nasaksihan, natulala din siya at halos hindi makagalaw sa kinatatayuan.

Ginawa ko nang lahat, pero still I'm left behind.

The Mad Scientist (COMPLETED)Where stories live. Discover now