River's POV:
Maaga pa akong umalis ng bahay and its friday, usually hindi ako lumalabas pag friday, it's my free day, wala akong pasok every friday, pero as a school President, I need to go back to School kahit weekend pa.
Pumunta ako sa Academy, gusto kong makibalita kung totoo yung nangyari kay Mayor, inatake daw siya nung Ogre. Di ako makapaniwala nung una, ang dami-dami nadin kasing kumakalat na na mga fake news sa social media ngayon.
Pagpasok ko sa Campus, palabas na ang ibang students, nagpaiwan lang yung mga officers at mga may date, ginawa ba namang dating place ang field? Nagtanong-tanong ako kung ba't sila palabas na.
"Di mo ba nabalitaan ang nangyare sa Mayor? Inatake siya 2 days ago na Mr. President, ang Ogre daw ang umatake sa kanya, kaya naman ni-cancel ang pasok ngayon."
Kahit alam ko na ang kumakalat na balita, nagulat parin ako sa narinig ko mula sa isang studyante.
Dali-dali akong lumabas at nagtungo agad sa Mayor's house, madaming tao at mga ilaw, yung front door ng bahay wasak, at yunh espada ng statwa meron dugo.
Nandoon na lahat ng mga staff, at magkasunod lang kami ng ibang Officers, pero si Andrea kino-comfort na si Khreena, pati nadin si Sky. Lumapit ako sa kabaong ng Mayor at sinilip ang mukha nito, hindi ko nakita si Jowen sa lamay, pero sigurado naman akong siya ang nakita ko nung nakaraan sa Mad Lab.
Matapos kong sumilip sa kabaong, nilakasan ko ang loob ko at lumapit kay Khreena.
"Nakikiramay ako Khreena"
"What are you doing here? You're not welcome here!"
Napahiya ako sa sinabi niya, lalo't napakaraming tao ang nakarinig. Lumabas nalang kaagad ako sa compound ng Armstrong na nakayuko dahil sa sobrang kahihiyan.
Nakita ko si Jowen sa isa sa mga sasakyan na nakaparada sa labas.
"Ba't andito ka? Anong ginagawa mo dito?"
"Bahay ko to River, hindi ba't ako dapat ang magtanong sayo niyan?"
Niluwagan ko lang ang tie ng toxedo ko, hindi na ako nagsalita at umalis nalang ako, sumakay ako sa dala ko kong Black BMW saka humarorot palayo.
-
Dumating ako sa bahay, 7:30Pm madilim na ang paligid nakapatay lahat ng ilaw, siguro dahil nakatulog nanamang ng maaga si manang.
Ang bahay ko ay hindi naman masyadong malaki, meron lang din akong fountain sa field at 3 storey building yung bahay ko. Pagpasok mo sa loob, merong chandelier at ang normal na makikita mo sa magagarang bahay, medyo maganda lang ng konti ang bahay ni Mayor.
Binuksan ko ang ilaw at nakita si manang na nakatulog sa Sofa. Umakyak ako sa taas, pag-bukas ko ng pinto.
"Sky? What are you doin' here? I mean, diba dapat nasa lamay ka ngayon? Tsaka bat andito ka sa kwarto ko?"
"Pag-alis mo sa bahay ni Mayor kanina, after 10mins. Sumunod kaagad ako, pero ang kasambahay mo lang ang nadatnan ko"
"Di lang siya basta kasambahay Sky, siya na ang nagpalaki sakin, kaya gusto kong manang ang itawag mo sa kanya"
"Sorry for that, pero kung di mo mamasamain, asan ba ang mga magulang mo? Wala ata akong nakikitang family picture nyo sa wall?"
Tumingin ako sa kanya, inalis ko na muna ang toxido ko at sinabit sa kabinet, saka naupo sa kama sa tabi niya.
"Since I was a child, di ko na sila nakita, kahit sulat manlang mula sa kanila, wala akong natanggap, ito rin ang dahilan kung bakit di ko na ini-explain ang sarili ko kay Khreena kapag nagagalit siya, kasi siya dapat ang unang nakakaalam ng sitwasyon ko, since kilala niya na ako bata palang kami"
"Oh, I'm sorry for hearing that, dapat di na ako nagtanong-"
"Okay lang, thank you din at natanong mo yan, atleast nabawasan na din ang burden ko dahil may nasabihan narin ako tunkol sa sitwasyon ko"
Niyakap niya ako ng mahigpit na para bang naintindihan agad niya ako. Tinitigan niya ako sa mata at bumaba sa labi ko. Lumapit ang mga labi namin sa isa't-isa.
Naghalikan kami na parang wala ng bukas, hinubad niya ang suot kong sleeve-less at dahan-dahan na binuksan ang zipper ko. Habang hinahalikan ko sa sa leeg, tinaas ko sa tenga nya at nagbulong.
"Bad timing ka Sky, kung sa ibang araw siguro tayo nagkaroon ng oras na ganito, mag-eenjoy ka, but I'm really on My hard time right now"
Natigilan siya sa ginagawa niya habang bumubulong ako sa kanya.
"I'm sorry River, hindi ko sinasadya-"
"It's actually okay, but I'm just very tired out all that happened this past few days"
Hinalikan niya nalang ulit ako sa labi at inayos ang strap ng dress niya at bra niya malapit ng matanggal.
"I hope we'll have our time like this, next time. But for now, I'll just pretend, I mean let's just pretend that nothing happened to us yet"
Tumango lang ako at ako na mismo ang naghatid sa kanya papunta sa bahay niya, hinalikan ko siya sa labi at sa noo.
"I'm sorry Sky"
-
Pumasok ako paglipas ng weekend at gaya ng napag-usapan namin, parang wala lang nangyari. Tuluyan na nga akong di pinapansin ni Andrea, dahil siguro nahalata narin niya ang mga tinginan namin ni Sky nitong nakaraan.
Gaya ng inaasahan, hanggang ngayon wala parin ang Principal, at binigyan ako ng note ng ibang staff's na ako muna ang acting Principal. Ganon kalaki ang tiwala nila saakin, dahil narin siguro sa progress ko.
Pero umaasa parin ako na darating din ang araw na babalik sa dati ang lahat.
O possible ring hinde na..
YOU ARE READING
The Mad Scientist (COMPLETED)
Science FictionDr. Damon, a scientist who was obsessed in doing some kind of Mutation experiments, until he came to the point that he wanted to create a Human Mutant, and one man used his obsession to rule the entire city. Who's the man behind this mess? Read t...