chapter 22

6 2 0
                                    

Sa ngayon ay kay arken muna o sa ibang characters ang pov...

After rachelle left..

Arken pov
Nagulat ako nang biglang i announced nang aking magulang kung sino ang magiging fiancee ko.  Lalo na at matagal na kaming nagusap na di nila pakikialaman ang aking buhay.
Kaya naman nang makababa kami ay agad akong lumapit kila ayesha para hanapin si rachelle sakanila dahil alam kong nandito si rachelle.
"ayesha nakita nyo ba si chelle" pero masasamang tingin lang ang natanggap nya sa mga ito lalong lalo na sa mga babae kaya napabuntonghininga nalang ako at bigla nalang nagsalita si allen.
"guys wag tayo dito mag usap maraming tao." sabi nito saamin. "mabuti pa ay maghanap muna tayo nang isang lugar na tahimik. " dagdag pa nito pero kahit isa sa mga kasama namin ay walang nagsalita pero sumunod sila kay allen at nang makahanap na kami nang isang silid at pag sara ko nang pinto ay isang malakas na sampal agad ang natanggap ko kay yesha at nakita ko ang galit sakanyang mga mata habang umiiyak.
"bullsh*t arken!  Ito ba ang dahilan kung bakit di ka nagpapakita sakanya!  Di mo ba alam na ilang araw nyang sinisisi ang sarili nya dahil sa mga sinabi nya sayo. Tapos kaya pala di ka nagpapakita ay dahil busy ka dito sa engagement party mo!!" sumbat nito saakin at hinila na sya ni caspian.
Tinignan lang ako nang mga ito at ilang saglit pa ang nagdaan nang mag salita na si lenard .
"ano ang balak mong gawin, arken" tanong saakin ni lenard.
"kailangan ko syang makausap dahil di ko alam lahat nang nangyari ngayon. " sabi ko sakanila.  Halata sa mga mukha nang mga ito ang pagtataka sa sinabi ko. Nang biglang may tumunog na cp saamin.
"hector bakit? " dinig namin na tanong ni seren sa kausap nito. Ilang saglit itong di nagsalita at kaming lahat ay nagulat nang bigla nalang itong umiyak at nagtatakbo kaya naman agad kaming nagsunuran dito. Di ko alam kung bakit pero kinakabahan ako ngayon. Sana naman ay mali ang iniisip ko.  Ilang saglit pa ay nakita namin si seren na tumigil ang sinasakyan nito sa harap nang hospital naman dun din kami tumigil at nakita namin na sinalubong ito nang butler nya na si hector. Pagkatapos magusap nila seren at hector ay nabigla kaming lahat nang muntikan nang magtumba si seren at buti nalang ay nasalo agad ito ni hector kaya nagmadali kaming lumapit sakanila.
"hector anong nangyari?  Bakit natumba si seren? "tanong dito ni allie.
"sino ang nasa hospital? May nangyari ba sa mga magulang ni seren? " tanong naman ni caspian.
"wala pong nangyari sa mga magulang ni lady seren." sagot ni hector.
"then sino ang nasa hospital ngayon?"tanong ko at hanggang ngayon ay nagdadasal ako na wag naman sanang sya ang nandito.
"royals si lady rachelle po ang nasa hospital at malala po ang kanyang kalagayan. " sabi nito saamin. Nang marinig ko yun ay parang nag blanko ang aking isipan.
"asaan si chelle ngayon hector? " tanong dito ni yesha.
"she's in coma right now." sabi nang bagong dating na si keiji saamin.  Kaya naman agad ko syang nilapitan.
"anong ibig mong sabihin na nasa ngayon si chelle?  Ano ba talaga ang nangyari? " tanong ko sakanya habang hawak ko ang kwelyo nang kanyang damit.
"she try to kill her self. " sabi nito saakin. Dahil sa sinabi nito ay bigla ko syang binitawan at kahit isa saamin ay di makapaniwala sa sinabi nito.  Dahil kahit isa saamin ay di makakapag isip na gagawin nya yun.

Keiji pov

Matapos kong sabihin sakanila ang dahilan kung bakit nasa hospital ngayon si rachelle ay walang nakapagsalita sakanilang lahat.  Dahil dun ay lalo lang akong nainis lalo na kay arken. Ang syang naging dahilan kung bakit ganito ang kalagayan ni rachelle ngayon.
"keiji. " tawag saakin at nang lumingon ako ay nakita ko ang mama ni rachelle.
"tita stella. " tawag ko sakanya pagkatapos ay hinatid ko sya sa silid ni rachelle alam ko rin na nakasunod lang saakin ang mga kaibigan ni rachelle.  Pagkarating namin at ay nabigla kaming lahat sa nadatnan namin dahil nandun na pala ang ama ni rachelle. Lumapit si tita stella kay tito aaron at bigla nya itong sinampal na syang ikinabigla namin lalo na at isang maharlika si tito aaron.
"nangako ka na di ka na magpapakita saamin. Dahil sinira mo ang pangako mo ay tignan mo ang nangyayari sa panganay natin. " umiiyak na sabi ni tita stella. Pero ilang saglit lang ay niyakap ito ni tita at umiyak lang ito nang umiyak.
"patawad mahal ko. Kaya lang naman ako bumalik ay gusto ko na kayong makasama. Kayong nang mga anak natin." paliwang ni tito aaron kay tita stella

Tignan mo chelle nagkabalikan na ang mga magulang mo. Like one of your wish.  Your family is already complete so wake up.
********************************
Done

Galaxy academyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon