The Examination and the Mystery Princes

163 6 3
                                    

Nasa library ngayon si chelle dahil ilang buwan nalang ang natitira para makapag review sya sa iba’t ibang category na  sinabi sakanya nang mag pasa siya nang application form. Amg mga ito ay ang etiquette na kung saan isa isa silang isasalang, sumunod ay ang intellectuality na kung saan ay dadaan sila sa sobrang daming test. Pero ang pinaka huling test ang hindi niya alam dahil sasabihin muna daw ito sa mismong pagsusulit.

Habang busy sya sa pagbabasa habang may nakalagay na  headset sa kanyang tenga para makapag concentrate sya. Nang biglang may isang lalaki na tumapik sakanyang balikat at nang lumungon sya ay may isang binata ang kanyang nakita.

“bakit?”tanong niya sa binata

“miss pwede ba akong makishare nang upuan?”tanong din nito sakanya.

At tinignan tignan ni chelle ang paligid at nakita niyang puno na nga ang mga lamesa sa library. ‘bakit di ko napansin yun? Ganon ba ako ka seryoso sa pag aaral ko kaya hindi ko man lang napansin na napuno nap ala ang library ngayon?’ sabi niya sakanyang sarili. Isa nanamang tapik ang naramdaman ni chelle sakanyang balikat kaya niya naalala ulit ang lalaking nakikiusap sakanya.

“ummmm miss ano pwede ba?”tanong nito sakanya.

Kaya umusog siya sakanyang upuan. “sige pwede.” Sabi nalang niya at nakita niyang ngimiti ang binata sakanya at bigla nalang parang may mga daga na nag unahan sakanyang  dibdib na hindi niya alam kung bakit. 

Dahil sa pagmamadali niyang maayos ang gamit na nakakalat sa mesa at biglang sumahod ang mga ito sa lapag at tinulungan siya nang binata na iligpit ang kanyang mga gamit.

“naku miss wag kang mataranta. Hindi ako kumakain nang tao, lalo na sa gwapo kong ito.”sabi nito habang nakangiti ito sakanya.

Biglang nainis si chelle sa sinabi nang binata at the same time ay bigla siyang kinilig sa ngiti nang binata sakanya.

“sorry to burst your bubble, pero hindi ako natataranta.”sabi niya dito. “kaya nahulog itong gamit ko ay dahil marami na.”pagtataray niya sa binata.

“naku miss sorry kung na offend kita wala naman akong ibig sabihin dun sa sinabi ko saiyo”hingi nang paumanhin nito sakanya at sabay luhod sa harap niya. “sorry na natalaga hindi ko naman yun sinasadya.”

At dahil sa ginawa nang binata ay natuon na ang atensiyon nang mga tao sa library sa kanilang dalawa.

“ano ang nangyayari” sabi nang isang lalaking nanonood nang nangyayari.

“kawawa naman yung guy… ano kaya ang kasalanan niya dun sa girl para hindi sya nito patawarin agad?”sabi pa nang isang babae

Yun ang mga naririnig ni chelle na bulong bulongan mula sa mga taong nakasaksi sa mga nangyari.

“ano ba mister tumayo ka na dyan dahil pinagtitinginan na tayo nang mga tao dito sa library.”sabi niya sa binata. Pero hindi parin ito tumatayo. “ano ba sabi nang tumayo ka na dyan”

“sabi ko na sayo hindi ako tatayo dito hanggang hindi mo ako napapatawad sa kasalanan ko.” Sabi nito

“sige pinatatawad na kita basta tumayo ka lang dyan.”

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na tumayo ang binata at niyakap siya nito na syang kanyang ikinabigla.

“ano ba bitawan mo nga ako.” Pabulong na sabiniya dito

“kung ayaw mong lumuhod nanaman ako dito sa harap mo ay hayaan mo nalang ako.” Sabi nito sakanya at dahil sa narinig ay parang bigla nalang gumalaw ang katawan ni chelle at tinapakan nito ang ang paa nang binata nang ubod nang  lakas at dahil sa kanyang ginawa ay umagikgik ito sa sobrang sakit at wala na syang inaksaya pang panahon agad agad siyang umalis sa lugar na iyon.  

Galaxy academyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon