The decision

237 7 0
                                    

Ang galaxy academy ay paaralan nang mga princesses at mga princes na galing sa iba't ibang planeta. Kada ika-4 na taon ay nag iiba nang lokasyon ang galaxy academy. Sa lokasyon na kanilang pupuntahan ay kumukuha sila nang isang mahirap na makakatanggap nang isang scholarship pero dapat ay nasa katauhan nito ang magiging princess or prince. The new location of galaxy academy is the planet earth. Kaya dito kukunin ang pag bibigyan nang scholarship.

Kaya lahat nalang nang mga dalaga at binata na gustong makapasok sa sikat na academy ay busy sa pag aaral. Pero iba si rachelle kung ang lahat ay busy dahil sa pag aaral pero siya ay busy na pag hahanap nang bagong par time job. Dahil tanging siya lang ang pweding tumulong sakanyang ina dahil maliliit palang ang kanyang mga kapatid.

"alam mo chelle kakaiba ka sa lahat nang dalaga dito sa mundo natin." sabi sakanya ni john lerry ang kanyang boss. Nag iisa lamang sa buhay ang kanyang boss dahil hindi nito nahanap ang kanyang soulmate.

"ano naman ang ibig mong sabihin dun bossing?"tanong niya dito.

"dyan sa ginagawa mo" kinuha nito ang libro na kung saan naghahanap siya nang bagong trabaho. "tignan mo dapat ay tularan mo yung ibang mga dalaga na nag aaral para makapag aral sila dun sa sikat na galaxy academy na gagawin dito sa ating mundo. Pero ikaw ang ginagawa mo ay nag hahanap ka nanaman nang panibagong trabaho."pailing iling na sabi nito sakanya.

Tinawanan nilang ang sinabi nang kanyang boss. "naku bossing hindi kami mapapakain niyan."

"Kaya nga sabi ko na kakaiba ka talaga e."sabi pa nito. "Oh! ano may nakita ka na bang bagong trabaho na pwedi mong pasukan?"tanong nito sakanya.

"wala pa nga bossing e" she pout to him. "baka naman may alam kang pwede kong pasukan?"tanong niya dito.

"sige! hayaan mo pag may alam ako I rerecomend kita."pangako nito. "pero sa ngayon ay umuwi ka na dahil tapos na ang trabaho natin ngayon." Sabi pa nito.

"sige bossing mauuna na ako."paalam niya dito. Paalis na sana siya nag bigla sya nitong pigilan.

"chelle sandali lang."tawag nito at lumapit naman siya dito.

"ano yun bossing?"tanong niya.

May binigay itong mga pagkain na nakabalot. "O dalhin mo na yan pag uwi mo." Sabi nito.

"naku bossing nagluto ka nanaman nang pagkain para saamin." Pagkukunwaring galit na sabi niya dito.

Pero tinawanan lang siya nito. "hahaha para naman may kainin na mga kapatid mo at para wag ka nang mag pagod na ipagluto sila."paliwanag nito sakanya.

"salamat bossing."sabi niya at kinuha niya ang pagkain.

Nagmamadaling umalis na si rachelle para agad siyang makauwi sa kanilang tahanan. Pagkarating niya sa kanilang tahanan ay agad niyang nakita ang kanyang bunsong kapatid na si lyka.

"bakit ka nasa labas lyka?"tanong niya dito.

"hinihintay lang kita ate."sagot nito.

At pinasok niya na ang kapatid para makakain na pag katapos niyang makapag hain ay tinawag niya na ang tatlo niyang mga kapatid. Limang silang magkakapatid at siya ang panganay ang sumunod sakanya ay 9 years old palang. Ang pangalawa ay 7 years old at yung kambal ay 5 taong gulang. Isang factory worker ang kanyang ina. Ang kanilang ama ay bigla nalang nawala bago ipanganak nang kanyang ina ang kanyang kambal na kapatid.

"kumain na tayo."sabi niya sa mga kapatid. Pag katapos lumain nang mga kapatid niya ay inayusan niya na ang mga ito at pinatulog na at ilang sandali lang ay dumating na rin ang kanyang ina.

"Mama nandyan ka na po pala." Sabi niya sa kanyang ina na halos kararating pa lamang galing trabaho."kumain na po kayo ma." Sabi niya pa ditto habang pinagsasandok niya ito.

"kamusta ang mga kapatid? Hindi ka ba nila pinagod?" tanong ng ina niya sakanya.

"napatulog ko na po sila.... At saka po nawawala ang pagod ko pag nakikikulitan ako sakanila."paliwanag niya sa ina

"pasensya ka na anak."biglang sabi nang ina niya.

"naku ma! Bakit ka naman po humihinga ka nang pasensya saakin?"nakangiting tanong niya sa ina

"dahil dapat sa edad mong yan ay baghahanap ka na nang bf mo at dapat puro fashion magazine at tinitigan mo." Sagot nito sakanya.

Pero tinawana lang niya ang sinabi nang kanyang ina. "hahaha... naku mama kung bf ang hinahanap mo ay meron naman ako. At saka maganda na ako ma kaya hindi ko na kailangan pang tumingin sa mga fashion magazine na yan." Pagmamayabang niya sa ina na ikinatuwa nito.

"hahaha naku anak sino nanamang sinasabi mong bf mo?"tanong nito sakanya kahit na alam ino ang kanyang tinutukoy.

"mama naman parang laging may bago akong bf."sagot niya dito. "eh di sino pa kung di si papa aron." Natatawang sabi niya sa ina.

Matagal na nilang biro iyun nang kanyang ama nung kapaling pa nila ito. dahil para sakanya tanging katulad lang nang igali nang kanyang ama ang hinahanap nya sa isang lalaki.

Hay naku ang dalaga ko hanggang ngayon ay dadz girl pa rin."pang iinis nang ina niya sakanya.

"Oh! Common my dear mother you knew that ever since I'm a child the only handsome for my eyes was my father. "pagmamalaking sabi niya dito.

Magmula nang bata siya ay mas malapit siya sa kanyang ama at dahil matanda siya nang ilang taon sa mga kapatid niyang maliliit kaya spoiled sya sa kanyang ama. Ang tawag nga nito sakanya sy shoujo-sama or my princess. Mahilig ang ama niya sa Japanese word na iyon.

"anak bakit di mo subukan na magtake nang exam sa sikat galaxy academy?"ang tanong na yun nang ina niya ang nag pabalik kay chelle sa sinabi nang ina. "total naman ay 18 ka na at malaki naman ang chance mong makapasa lalo na at matalino ka naman."sabi pa nito.

"ma hindi ko na po kailangan yun."sabi niya dito. "at saka kesa naman po makigulo ako sa mga yan ay maghahanap nalang po ako nang bagong trabaho." Sabi pa niya

"yun nga! Dapat ay mag aral ka at pumasok para sa kinabukasan mo."paliwanag nang ina niya sakanya.

"pero ma!!!"protesta niya.

"sige na anak pag isipan mong mabuti."sabi niya dito.

"ok ma you win. Pag iisipan ko po yung sinabi mo."sabi nalng niya sa ina.

Katapos nilang mag usap nang kanyang ina ay pumasok na siya sa kanyang kwarto at dumarecho siya sa kanyang drawer at tinignan niya ang kanyang bank book. Tinignang niya kung magkano na ang kanyang naipon.

'malaki na rin ang naipon ko. Hay naku nagulo tuloy ang isip ko kung mag magtetest ba ako para makapag aral o maghahanap nalang nang bagong trabaho. Si mama kasi e sinabi pa yun saakin. Hay naku makapag pahinga na nga muna at bukas nalang ako mag iisip nang mabuti.'sabi ni chelle sa kanyang sarili.

Kinabukasan ay maaga pa rin siya nagising para sa pagpasok niya sa kanyang trabaho. Agad niyang pinalitan ang kanyang damit para sa uniform niya.

"oh! Bakit parang ang lalim nang iniisip mo?"tanong sakanya nang kanyang bossing jl.

"iniisip ko po kung mag tetake ako nang test ."sabi niya dito.

"kung ako saiyo ay subukan mo nang kumuha nang test tutal mas magiging maganda ang buhay ninyo oras na napasok ka dun."sabi nito sakanya na syang kangyang ipinagtaka.

Isang desisyon ang napagisipan ni chelle...

*********************************************************
Si arken po ang nasa pic...

Galaxy academyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon