<rachelle pov>
Maaga palang ay ginising na ako nila allie para maumpisahan daw nila ang pag papaganda lalo saakin. Dahil ngayong araw na ito ay ang kaarawan ni arken at sawakas ay makikita ko na rin sya.
"chelle bilisan mo namang magbihis." utos ni allie saakin.
"ito na." sagot ko pagkatapos ay lumabas na ako nang cr. Pagkakita nila saakin ay para silang pinagsakluban nang langit at lupa. "anong problema?" takang tanong ko sakanila.
"alam mo kasi chelle..." nag aalangang sabi saakin ni yesha.
"hindi bagay saiyo yang suot mo." inis na sabi ni allie.
"ganun ba?" tanong ko sakanila silang lahat naman ay agad na tumango. "sorry! pagpapalit nalang ako nang damit." sabi ko sakanila pero biglang nagsalita nalang si yesha.
"wagna , chelle! satingin ko naman ay isuot mo nalang itong mga ito para bumagay dyan sa suot mo." sabi nito saakin sabay abot saakin ang isang sandals pag katapos ay napabuntong hininga nalang si allie.
"Ang mabuti pa ay tayo na at para makapamili pa tayo nang damit para saating lahat at makapag make over." sabi naman ni seren at sabay sabay na kaming lumabas na apat. Pag kalabas ko ay nakita ko ang mga boys na nakasimangot na lahat at sa tingin ko alam ko na ang dahilan kung bakit.
"Ang tagal nyo naman." reklamo ni caspian saamin.
"Sisihin nyo itong si chelle dahil ang hirap nyang gisingin." sabi ni allie.
"sorry naman nahirapan lang akong makatulog " sabi ko sakanila tapos bigla nalang akong hinakbayan ni lenard.
"Honey! sabi ko naman sayo wag mo akong masyadongh iniisip." sabi nito saakin. "Alam mo naman na ayokong napupuyat ka dahil sa pag iisip saakin." Sabi pa nito saakin.
"Hoy! lenard tigilan mo nga ako sa kayabangan mong yan" sabi ko sakanya sabay siko ko sakanya. "Bakit nga pala kayo nandito? At bakit hindi kayo pumasok sa loob?" Tanong ko sakanila.
"Hay naku! aakalain ba namin na matatagalan kayo?" masungit na reklamo ni caspian. " atsaka ang sabi nang babae na ito." sabay turo kay seren.
"Bakit alam ba namin na mahirap palang gisingin itong si chelle?" masungit din na sabi nito.
"Hay naku kesa sa nagrereklamo pa kayo dyan. Ang mabuti pa ay umalis na tayo alam nyo naman si allie oras na napunta na nang mall ay kulang ang buong araw sa pag aayos." reklamo naman ni allen.
"so nagrereklamo ka na ngayon allen?" singal dito ni allie.
"Naku hindi po mahal na prinsessa. takot ko lang sayo." paangal na sagot nito kay allie.
"Hay naku tama na yan tayo na." Sabi nalang ni yesha.
Dahil dun ay napagpasyahan na namin na umalis. Pagkatapos nang ilang oras ay nakarating na rin kami sa mall na pag aari nila yesha. Tama kayo nang pag babasa pag aasri nga nila yesha itong mall na ito na ipinangalan sakanya nang kanyang mga magulang.
"Saan tayo unang pupunta?" tanong ko sakanila.
"pumili muna tayo nang mga damit na isusuot natin sa party mamaya." sabi ni yesha kaya naman humiwalay na ang mga boys saamin. Ilang mga boutique na ang mga napuntahan nila ay hindi pa rin sila makapili nang damit para saakin.
"Ito na ang pinaka huling boutique dito sa mall." sabi ni yesha saamin kaya naman napabuntong hininga nalang ako.
"ang mabuti pa ay tumingin timngin muna tayo sa mga damit dito, chelle. tapos sabihin mo saamin pag may nagustuhan ka na damit." sabi saakin ni allie. Kaya naman ganun ang ginawa namng apat na babae. Ilang saglit pa pero wala pa rin akong makitang magandang damit nang bigla nalang may isang ginang ang lumapit saakin.
"May nagustuhan ka na ba hija?" Tanong nito saakin.
"lahat po nang damit dito at magaganda." sabi nya dito.
"Pero muhkang wala kang mapili na gusto mo hija." sabi nito saakin." Tama ba ako?" tanong nito.
"Ewan ko po ba pero may hinahanap akong certain dress pero di ko po alam kung anong klaseng damit yun." sabi ko sakanya. Hindi ko rin alam kung bakit pero ang gaan gaan nang loob ko sakanya.
"Sa tingin ko hija ay babagay saiyo itong damit na yun." sabi nito saakin na syang ikinagulat ko at ipinagtaka. Umalis ito saglit pagkatapos ay may ipinakita ito saakin na isang pink na gown.
Ewan ko kung bakit pero unang kita ko palang sa damit na dala nito at alam ko na ito ang damit na kanina ko pa hinahanap.
"Ang ganda naman po nitong damit na ito." sabi ko sakanya.
"Sa totoo lang ay matagal ko na itong ginawa pero hindi ito bumabagay kahit kanino. Parang naghahanap ito nang tamang tao na magsusuot." Sabi nito saakin. "At sa tingin ko ay natagpuan ka na nya." sabi pa nito saakin. Ilang salit pa ay lumapit na sila yesha, allie at seren.
"Wow! ang ganda naman nyan chelle." sabi saakin ni seren.
"oo nga bagay saiyo." sabi naman saakin ni allie.
"Magkano po ito mam?" tanong ko sakanya. Pero umiling ito saakin.
"Saiyo na yan hija."Sabi nito saakin at umalis na agad. Kaya naman nagkatinginan nalang kaming apat. Ilang saglit pa ang nakaraan pero hindi na lumabas ang ginang .
"Sayang naman at hindi ko nalaman ang pangalan nya." sabi ko sakanila. Ilang saglit pa ay napagpasyahan na naming umuwi kasama para magbihis para sa gaganapin na kasiyahan.
************************************************************************************
end next chapter
BINABASA MO ANG
Galaxy academy
RomancePaano kung sa loob nang ilang taon mong tahimik na buhay ay bigla nalang nag bago nang dahil sa isang desisyon? Ano ang gagawin mo? Yan ang nangyari kay rachelle nang dahil sa hindi mapaliwanag na dahilan ay bigla nalang nagbago ang kanyang buhay.