Black Claws (Finding Trek and Hawk)

1.2K 22 4
                                    

Missing in Action (Finding Trek and Hawk)

Gulat na napasigaw si Hailey at saka ubod lakas na itinulak si Trek.

Agad syang bumangon mula sa pagkakahiga. Malinaw na sa kanya ang lahat. Nawalan sya ng malay kagabi dahil sa gamot na nasa panyo na itinakip sa bibig nya. At ang lahat ng iyon ay kagagawan ni Trek.

Kailangan na nyang makaalis.  

Hindi sya duwag para gawin yun ngunit kailangan nyang maging matalino. She needs to get away from the place. Paulit-ulit na sigaw ng isip nya. But how could she do that kung nanghihina sya.

Bahala na!

She was about to run outside the room nang makaramdam ng pagkahilo. "Damn! Not now!" bulong nya sa sarili. Kinapa nya ang sugat at naramdamang basa na naman ng dugo ang gasa niyon. Sumandal sya pansamantala sa pinto at saglit na pumikit.

"Shit!" narinig nyang mura ni Trek na ikinadilat nya. Patayo palang ito matapos nyang itulak at tumama ang ulo sa kanto ng drawer. Sapo nito ang nasaktang noo. Napansin ni Hailey na nagkulay asul at berde iyon ngunit wala namang dugo.

Naalarma sya. Kailangan na nyang kumilos. Ngunit bago pa man nya yun magawa ay nakalapit na si Trek sa kanya. She tried her best to get off of his tight embrace though she has no enough energy para gawin yun.

Naisip nyang hindi sya pwedeng sumuko para sa kanyang kapatid.. 

Kailangan nyang makaganti sa lalaking responsable sa pagkamatay ng kuya nya. Hindi sya pwedeng tumigil.

"Damn Hawk!" sigaw nito habang pinipigilan ang pagwawala nya. "Nagdudugo na yang sugat mo!" patuloy nito.

Gusto nyang matawa sa sinabi nito. He sounds like he cares for her.

Kalokohan.

Nang makatyempo ay sinikmuraan nya ito dahilan para sya ay makawala.

"You Bitch!" nakangiwing sigaw nito habang hawak ang nasaktang sikmura.

Pagkakataon na sana yun ngunit umiikot na ang kayang paningin. 

"I need to go ho--" Hindi na nya naituloy pa ang sasabihin sapagkat nagdidilim na ang kanyang paningin.

"B*llshit!" narinig nyang sigaw ni Trek nang saluhin sya nito hanggang sa tuluyan na syang nawalan ng malay.

**************

Black Claws (Finding Trek and Hawk)

 “May balita na ba kayo?” Nakangunot noong tanong ni Xianne aka Crow sa mga kasama. Nilagyan nya ang baso ng ilang yelo, sinalinan ng whiskey at saka iyon ininom. Bakas sa maganda nitong mukha ang pag-aalala dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin tumawag ang pinuno para ipaalam kung anong resulta ng paghaharap nila ng lider ng 7th Hell Gang. Malaki ang tiwala nya sa kakayahan ng kanilang lider ngunit kagabi pa sya nakakaramdam ng kakaibang kaba.  Nais man niyang sumama sa harapang iyon ay pinagbawalan siya ni Hawk. Gayundin, ang iba pang myembro ng Black Claws. Gustuhin man nyang sundan ito ay hindi nya ginawa dahil na rin sa respeto nya sa mga salita nito. Nasisigurado nyang gayun din ang iniisip ng mga kasama.

                “Wala pa rin.” seryosong sagot ni Ashtine aka Phoenix. Inukopa nito ang katabing upuan ni Xianne saka nilagyan rin ng whiskey ang sariling baso. Kahit sya ay nag-aalala sa pagkawala ni Hailey. Hindi nito ugaling hindi tumawag kung sakali mang importante itong gagawin at biglaang mawawala sa sirkulasyon.

                “Maging ang 7th Hell Gang ay nananahimik.” Sagot ni Yesley aka Eagle saka lumapit sa bar counter para magsalin ng alak sa dalawang baso, isa para sa sarili at ang isa ay para sa kakambal na si Vyene aka Fisher. Inabot nya ang tangang baso  sa kapatid na balewala naman nitong tinanggap.   

Kasalukuyan itong nakasalampak sa sofa habang naglalaro ng paborito nitong temple run na para bang walang pakialam sa kung anong nangyayari. Tahimik lang ito.

“Hey, wag ka ngang magkalat!” saway nya kay Vyene nang sumabog sa sahig ang inihigas nitong cornicks na hindi nasalo ng bibig nito.

“Tss.. Inggit ka lang kasi mas mataas ang score ko kaysa sayo!” nakangising sagot nito sa kanya na ang tinutukoy ang pinagkakaabalahang laro sa IPod.

“Kung hindi lang kita kapatid, banned ka na dito sa pad ko.” Naiinis na sabi nya saka sumalampak na rin sa sofa.

“Tumigil nga kayong dalawa.” Saway sa kanila ni Xianne. “Para kayong hindi nag-aalala ah!”patuloy nito. Sya kasi ang tumatayong pangalawang pinuno ng Black Claws sa tuwing wala si Hawk.

                Yesley cleared her throat bago nagsalita. “Hindi naman sa ganun.” simula nya. “Naniniwala  lang ako na may rason kung bakit hindi pa nya tayo ikinokontak. Si Hawk pa, siguradong, walang nangyaring masama sa kanya.” Sabi nya trying to hide the worry on her voice dahil sa totoo lang naguguluhan rin sya kung bakit nawawala ito.

“Kahit ang 7th Hell gang ay wala ring balita kay Trek.” Biglang sabi ni Vyene na nakakuha ng atensyon ng lahat. “Napadaan ako kanina sa may hallway kaya narinig ko yung pag-uusap ng grupo nila.” paliwanag nya. Kahit ang mga ito ay walang alam kung nasaan ang pinuno at kung ano ang nangyari sa harapan nila ni Hawk kagabi.

“Pero may naisip ako.” Seryoso nyang sabi. “kung pareho silang nawawala, hindi kaya…” pambibitin nya sa lahat saka ngumiti.

*****************************************************************************************

 Author's note: I tried so hard to remember every thing.. haaay.. lesson learned: Always have a soft copy.. :)Mahirap magretrieve sa human memory.. haha

Salamat po sa walang sawang nagbabasa at bomoboto ng story na ito.. I've beeen so down matapos madelete yung GGNM.. Pero dahil may naghahanap, pinilit kong isulat ulet..super thank you.. (^___^)

Comment po.. ? Vote? salamat.. :)

Good Girl No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon