Disguise

1K 14 6
                                    

Disguise

Natapik ni Vyene ang noo dahil sa kapalpakan. Mula sa taas ay dinig nya ang pagmumura nang kung sinuman yung mapalad na pinag-landingan ng kanyang libro. She has been eavesdropping sa pag-uusap ng mga myembro ng 7th Hell Gang nang di sinasadyang malalag nya iyon sa ulo mismo ng isa sa mga ito.

Kakatapos lang ng klase nya at pababa na sana sya ng hagdan ng makita nya ang grupo. Naisip nya na pagkakataon na nya iyon para makibalita sa harapan nila Trek at Hawk kaya tumigil sya doon at nakinig.

Sa loob ng tatlong buwan nila sa Winston U ay tanging pinuno na lamang ng 7th Hell ang hindi nila nakikilala. Sa katunayan, kamakailan lang rin nila nalaman ang identities ng mga myembro nito. Iyon ay dahil sa pagkakarinig nila kay Yoraxe ng banggitin nito ang katagang "7th Hell" nang minsang palabas ng gym. Mula noon ay palihim na nila itong sinundan. Pasimple silang nagtanung tanong sa mga estudyante sa campus ngunit wala ni isa man sa kanila ang naglakas loob na magsalita tungkol sa lider ng gang.

Bukod dun, isang buwan ring nawala sa sirkulasyon si Trek at kailan lamang nakabalik mula sa France. Kaya naman ng malaman agad ni Hawk ang pagbabalik nito ay di na sya nag-aksaya pa ng panahon.

Hindi naman nya talaga sinasadya. Hangga't maaari ay ayaw nya ring makahalata ang mga ito. Ngunit nangyari na ang di inaasahan. Bahala na, naisip ni Vyene.

Inayos nya ang nakabraid na buhok at ang suot na eyeglass. She let out a sigh saka hinanda ang sarili sa dramang gagawin.

Nerd na clumsy--iyan ang image nya sa loob ng Winston University. Kaiba sa maganda at matapang na Fisher ng 7th Hell Gang.

Nagmamadali syang bumaba ng hagdan. "Sorry po, hindi ko po sinasadya."sabi nya sa mangiyak ngiyak na boses habang nakatungo. Vyene secretly smiled at herself. Sigurado syang kung nanunood ang kanyang kakambal ay papalakpakan sya nito sa husay nyang umarte.

Nanatili syang nakayuko ng ilang segundo. Nang hindi sumagot ang kausap ay dahan-dahan syang tumingala.

Wrong move!

Dahil, nilapit nito ang mukha sa kanya kaya agad syang napaatras at napasandal sa wall.

Si Zyrus pala, naisip ni Vyene.Ngayon nya lang ito nakita sa malapitan.

He has a chocolate brown eyes at halos manliit ang mga iyon dahil sa pagkaasar. Salubong rin ang kilay nito at tikom na tikom ang bibig na para bang pinipigilan ang sarili na bulyawan sya. Kahit na kulay berde ang buhok nito ay di nya maitatanggi na gwapo ang kaharap. He is surely a kind of guy that could always make a girl swoon.

Including herself? Napangiwi si Vyene sa naisip.

"What the hell do you think you've done?" may diin ang mga salitang tanong nito while towering her.

Nakatukod ang mga kamay nito sa magkabilang gilid, cornering Vyene.

"Think fast." Sabi nya sa sarili. Wala syang balak mabuko ang disguise nya kung sakaling labanan nya ito kaya she has no choice kundi ang tumakas.

"Look!" sigaw nya habang tinuturo ang hallway na ikinalingon ni Zyrus at ng mga kasama nito.

She used the chance para makaalis. She immediately grabbed her book saka nagtatakbo paakyat ng hagdan. "Sorry po, hindi ko talaga sinasadya!" hinihingal na sabi nya dito.

Mula sa taas ay kitang kita ni Vyene kung paano pigilan ng mga kasama ang kanilang pagtawa. Kahit sya naman ay natatawa rin sa kanyang ginawa.

Lagot! Dahil lalong nagdilim ang mukha ni Zyrus. Akmang hahabulin sya nito kaya mabilis syang tumakbo palayo.

Dahil isa lamang syang hamak na nerd sa ngayon, yun lang ang kaya nyang gawin. Hindi narin siguro sila magkikita pang muli ni Zyrus dahil sa laki ng campus. Makakalimutan rin sya nito.

Pero kung sakaling maghaharap silang muli, nanalangin si Vyene na sana ay sa katauhan na nya iyon bilang si Fisher.

"That was wow!" di makapaniwalang sabi ni Xeriad. "Zy, natakasan ka." patuloy nito na di na napigilan ang sarili na tumawa. Sa kanilang lahat ay ito lang ang naglakas loob na magkomento sa nangyari. Ang iba ay nailing na lang.

Zyrus glared at him na ikinatigil nya. Halatang galit na ito at hindi magandang mangyari yun. Xeriad lifted his both hands as a sign of surrender.

He smirked. "Alis na ako. Kita na lang mamaya." paalam nito saka tumalikod. "Badtrip." mahinang bulong nito.

Nagmamadaling sumakay si Zyrus sa kanyang Fortuner at saka pinaharurot yun. Her image flashed back to his memory.

"Sisiguraduhin kong pagsisisihan ng babaeng yun ang ginawa nyang pagpapahiya sa akin." bulong ni Zyrus.

*************************

A/N: It's nice to be back.. :) salamat po sa mga nag-add nito sa reading list.. I can't thank you more.. <3 <3 <3 I can't bring back the votes, comments and number of reads ng story bago ito madelete but atleast, I still have the readers... Salamat po sa muling pag-add nito sa RL. :)

Good Girl No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon