Bad Side Part 2

715 9 1
                                    

When Trek arrived at "Hiaten",hinanap nya agad ang isang lalaking may makapal na salamin.

The nerd.

He shook his head sa disguise nito. Hindi naman malabo ang mga mata ni Demir at sa tingin nya, pinahihirapan lang nito ang sarili sa suot na salamin pero isa yun sa mga kailangan sa uri ng trabaho nito.

He was occupying a two seater table at back corner of the restaurant.Agad syang lumapit dito and took the vacant seat saka nagsalita, "Spill it." ma-awtoridad na sabi nya rito.

Demir handed him the brown envelop saka nagpalinga-linga. Trek took it saka binuksan. Naglalaman iyon ng profile ni Cliff at mga larawan. He started to see the pictures.

"Wala nang magulang yang si dela Vega. Tanging ang dalawang kapatid na lang nya ang kasama nya sa buhay, her younger sister and brother." kwento nito.

Patuloy sya sa pagtingin ng mga litrato which are mostly kuha kay Cliff kasama ang nakababatang kapatid. Tantya nya ay nasa sampung taong gulang na ang bata. Magkahawig na magkahawig ang mga ito,

"His brother?" Tanong ni Trek.

Demir nodded. "Yeah. He's Nathaniel Clint. Nakatira yan sa bahay ng mga magulang.Thrice a week kung dalawin sya ng kapatid dahil sa condo tumutuloy si Dela Vega. Yaya lang at mga katulong ang madalas na kasama nyan."

"How about her sister?" Nangunot ang noo ni Trek. The boy is too young para mamuhay mag-isa.

Umiling si Demir. "Ang sabi ng katulong nila, umuwi na ng Pilipinas ang kapatid ni Dela Vega mula sa Japan pero bihira itong matigil sa bahay. Kahapon nang bumalik ako, ang nasagap kong balita, ilang araw na itong di umuuwi o nawawala. Hindi nila sigurado.Her name is Hailey, two years younger than Clifford. May picture sya dyan. Nakuha ko sa FB ni Nathan." litanya nito. "Sa bandang huli."

Trek flipped the pictures saka natigilan.

It was...

"Are you sure, this is Cliff's sister?" pagkumpirma nya saka ipinakitA sa kausap ang litrato.

"Yes, boss."Tumangu-tango ito.

Pinakatitigan yun ni Trek. Hindi sya pwedeng magkamali. It was Hawk!

He felt so dumb na di nya agad naisip na may kinalaman ito kay Cliff.

Pero bakit galit ito sa 7th Hell Gang? Sa kanya, specifically?, tanong nya sa sarili. Hawk hate him with a burning passion. He could still remember kung paano sya nito bigyan ng matatalim na tingin.

Dahil ba yun sa pagtanggal nya sa kay Cliff sa 7TH Hell? Well, he deserves that because he's an ass!

He smirked. Pagbalik nya sa resthouse, sisiguraduhin nyang magkakalinawan sila ni Hawk.

"Aside from his siblings, may nalaman ka pa ba? Yung kaaway ni Cliff?" Trek unpatiently asked. Kailangan nyang malaman kung sinong may galit dito para bungguin ang sinasakyan nito nung araw na yun.

"Boss." seryosong sabi nito."Hindi pa kasama ito sa reports pero napag-alaman ko na three months ago.."he paused and lower his voice. "nakita si Dela Vega sa isang bar kasama ang mga myembro ng grupo na kilala sa tawag na "KNIVES". I don't have a concrete evidence about this yet kaya di ko pa sinama sa reports. But once, na makakuha ako ng patunay, I'll inform you. Sa tingin ko kasi may kinalaman iyon sa pagkamatay ni Dela Vega."

Mataman na nakinig si Trek. "KNIVES" seems familiar. Hindi nya sigurado kung kanino nya narinig yun. Kailangan nyang malaman.

"Sige Demir." he finally spoken. "Alamin mo kung sinu-sino ang bumubuo sa "KNIVES" na tinutukoy mo. Give me a feedback once na makahanap ka ng ebidensya."

Demir nodded. "I'l deposit the money in your account." patuloy nya saka tumayo.Then he left the restaurant.

Where to go now?

Trek smiled wickedly. Why not go to the Hub para gulatan ang myembro ng 7th Hell?

****

Naiiritang tinitigan ni Hailey ang lata ng biskwit na nasa ibabaw ng lamesa.Yon lang ang kakainin nya sa maghapon bilang parusa. May isang pitsel ng tubig rin doon. Narinig nya na ang bilin ni Trek, she must be locked inside at hindi pwedeng buksan ang pinto ng kwarto na kinaroroonan nya without his permission.

Humiga sya sa kama saka pumikit. She's starving pero kaya nya pa naman tiisin. Kaya nya pa nga ba? Mag-aalauna na at di pa sya kumakain mula pa nung umaga.

What happened to her breakfast na dinala ni Janine?

Pinatanggal ni Trek. He's mad!

"Bwisit na lalake yun" she whispered.Iminulat nya ang mga mata saka tumingin sa lata ng biskwit.

"Damn!" she cussed saka padabog na lumapit doon at binitbit pabalik sa kama. Binuksan nya yun saka napangiwi.Naiisip nya na mukha syang kawawa sa kalagayan.

"You'll pay for these Trek!" gigil na sabi nya. "I promised."

***

When Trek arrived at the Hub, wala ni isa man sa myembro ng gang ang naroroon. Dumeretso sya sa kwarto saka doon nahiga.

Ilang araw na syang di nakakatulog ng matino.

He must take a nap.

Maya-maya nalang sya manggugulo pagdating ng mga kasama.

Then he fell asleep.

*******

A/N: salamat po sa pagbabasa.. :D

Good Girl No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon