Finding Trek and Hawk

1.1K 17 2
                                    

Finding Trek and Hawk

“Nagtanan sila.” Pagkumpleto ni Vyene sa sinasabi saka humagalapak ng tawa.

Napanganga sila Xianne at Ashtine sa narinig. Samantalang mabilis naman na lumapit si Yesley sa kapatid para ito ay sakalin.

“Guys, pakihanda na lang ang pala at ang paglilibingan.” Nangigigil na sigaw nito habang nakikipag-wrestling sa kakambal.

“Sabi ko na nga ba, gusto mo na akong mamatay para masolo mo ang mana.” Natatawang sagot ni Vyene sa kanya.

Humalakahak si Yesley. “Oo, kapatid ko. Kailangan mo nang mawala sa mundo!” sabi nya habang “sinasakal” ang kapatid.

“Mga baliw talaga!” nailing na sabi ni Ashtine. Muli syang nagsalin ng whiskey sa baso saka binalingan si Xianne. “Pero, paano nga kung magkasama sila?”nanantya nyang tanong.

Saglit na natigilan si Xianne saka sumagot. “Iyan ang dapat nating alamin.”

******************************

“Kamusta na sya?’” seryosong tanong ni Trek sa pinsan na si Francis. Ito rin ang tinawagan nyang upang gumamot kay Hawk noong nagdaang gabi dahil sa walang tigil na pagdurugo ng sugat nito. Hindi nya ito madala sa ospital dahil walang dapat na makaalam sa mga  nangyari. Wala syang balak na magpalipas ng gabi sa kulungan kaya naman minabuti na lamang nya na dalhin ito sa rest house ng kanilang pamilya sa Tagaytay. Maswerte si Hawk at may alam sya sa first aid kaya kahit papaano ay nabawasan ang pagdurugo ng sugat nito habang nasa byahe sila.

“Mabuti na ang kalagayan nya.”sagot ng batang doctor matapos mapalitan ng gasa at mabendahan ang sugat ni Hawk. Hinarap nya ang pinsan saka nagtanong. “Sino ba talaga sya?” bahagyang nangunot ang noo nito saka nagpatuloy sa pagsasalita. “Ayokong mapahamak kung sakaling--”

“Hindi ka mapapahamak.” sansala nya sa nais nitong patunguhan ng usapan. “Kung maayos na ang kalagayan nya, pwede ka nang umalis.”Balewalang sabi ni Trek sa pinsan.

Napailing ito. “You’re always been an ass.”

Trek gave him a smirk. “I know.” sagot nya saka prenteng umupo sa sofa malapit sa kamang kinaroroonan ni Hawk.

Sabay silang ngumisi. Kahit kailan, matigas talaga ang ulo ni Trek, naisip ni Francis. Kung tutuusin ay para na nya itong nakababatang kapatid dahil sabay silang lumaki sa poder ng lolo at lola nila. Pareho kasing abala ang kani-kanilang mga magulang sa pagpapalago ng negosyo ng pamilya kaya’t wala nang oras ang mga ito sa kanilang dalawa. Hindi naman nya masisisi si Trek kung maligaw ito ng landas.

Sa edad na dalawampu’t dalawa ay hindi parin ito nakakatapos ng kolehiyo. Ang alam nya ay nasa ika-limang taon na ito sa Winston University sa dapat sana ay apat na taong kursong na Business Administration.

May tiwala sya sa kakayahan ng pinsan ngunit sadyang iba ang takbo ng isip nito dahil mas pinahahalagahan ang gang na kinabibilangan.

“Kamusta ang pag-aaral mo?” bigla nyang tanong dito saka tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama.

“Shit! Francisco!” naiiritang sagot ni Trek sa pinsan. “You sound like my Dad!”

Francis motioned him to lower his voice dahil baka magising ang “pasyente” saka ito naglakad palabas ng kwartong iyon. Muli sya nitong nilingon as if asking whether he would come after him.

Tinanguan lamang iyon ni Trek ngunit hindi parin kumilos palabas ng silid. Bagkus ay lumapit sya sa kama at saka tinitigan ang natutulog na si Hawk.

Hinawi nya ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha nito to have himself a better view.

Hindi nya maintindihan kung bakit malaki ang galit nito sa kanya. “Gumanganti lang ako!” naalala nya pang sigaw nito sa kanya kagabi.

Good Girl No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon