Who Cares!?

925 13 2
                                    

"Janine." tawag ni Trek sa kababata na kabababa palang ng hagdan. Galing ito sa kwarto ni Hawk para maghatid ng hapunan. Lumingon ito sa kanya at lumapit.

"Tulog pa ba sya?" patuloy ni Trek saka inihigas sa lamesita ang kanina'y binabasang magazine.

Dalawang oras nang tulog si Hawk at naisip nya na sa oras na magising ito, ay kailangan nyang makakain ng hapunan para makainom ng gamot. Tinawagan nya kanina si Francis. Ang sabi nito, kailangan ng "pasyente" na inumin ang mga nireseta na gamot every three hours. Normal lamang din dito na lagnatin dahil sa pagdurugo ng sugat, paliwanag pa nito. It wasn't fatal kaya hindi nya kayang mag-alala.

He smirked with the last thing he said. Why will he be worried?

Kalokohan!

She cleared her throat and answered. "Tulog pa." Nangunot ang noo nito saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Drew, sino ba talaga sya?"

"None of your business." seryosong sagot ni Trek saka tumayo. "If you're done with your job, pwede ka nang umuwi." sabi nya rito saka tumalikod para umakyat na sa kwarto.

"Sino ba sya sayo?" sigaw nito,asking with demand on her voice. "G-girlfriend mo ba sya?" di nito napigilang pumiyok sa huling sinabi.

Nilingon ni Trek ang kababata, still with serious expression on his face.

Here we go again, isip-isip nya.

Kababata nya si Janine, anak ito ng kanyang yaya. Kahit di sila magkadugo, parang kapatid na ang turing nya rito. Ngunit nagbago ang lahat ng umamin ito ng damdamin para sa kanya.

She said she love him more than a bother.

Fvck!

Hindi nya yun inaasahan. Ayaw man nyang pakitunguhan ito ng masama ngunit yun lang ang naisip nyang paraan para magbago ang tingin nito sa kanya.

Sa tuwing nasa sa townhouse ay nagpupunta ito para maglinis at maghanda ng pagkain nya. Ngunit agad nya rin itong pinaalis. She's working for him at yun na lang ang mahalagang relasyon na meron sila.

"Enough!" sigaw nya rito. Bahagya itong natigilan saka tumingin sa kanya. Bakas sa maganda nitong mukha ang hinanakit ngunit hindi yun pinagtuunan ng pansin ni Trek.

"Wala kang pakialam kong anong relasyon meron kami." may diin sa mga salitang sabi nya rito. "Hindi kasama sa trabaho mo ang manghimasok sa buhay ko."

Pigil ang luhang ngumiti ito sa kanya. It was a bitter smile. Hindi na nya yata mabilang kung ilang beses na sya nitong nginitian ng ganun sa tuwing sisigawan nya ito.

Yumuko ito saka sumagot."Sorry."pabulong na sabi nito but he still manage to hear it. "Aalis na ako."

"Good." yun lang at iniwan na nya ito. Hindi man nya ito lingunin ay alam nyang tuluyan na itong lumabas ng bahay sapagkat dinig nya ang pagbagsak ng maindoor. Marahil ay doon nito ibinuhos ang sama ng loob sa kanya.

Pero wala syang pakialam. Ginagawa nya lang kung anong nararapat.

Balak nyang silipin si Hawk sa kwarto. Gusto nyang masiguro na makakainom ito ng gamot.

Kanina nya pa pinag-iisipan kung anong nga ba ang balak nya rito.

He can't keep her forever but he can't let her go that easy. Aalamin nya muna ang dahilan nito, at pagkatapos...

Pagkatapos..

"Ano nga ba?"naguguluhang tanong nya sa sarili. Alam nyang may higit pang rason ngunit hindi nya pa yun maamin sa sarili.

Dahil sa pag-iisip ay di na nya namalayan na nasa tapat na sya ng kwartong tinutuluyan ni Hawk.

He was about to grab the knob nang ngatnagtin ni Grande ang laylayan ng suot nyang pantalon.

He smiled at him and patted his head. Kinawag nito ang buntot saka tumalikod at naglakad pabalik sa pwesto nito.

Napangisi sya nang maalala ang mukha ni Hawk nang tahulin ito ng alaga. It was epic! How funny na ang lider ng Black Claws ay may phobia sa aso!Kaya naman naisip nya agad na magiging kapaki-pakinabang si Grande sa pagbabantay rito.

Naiiling na binuksan nya ang pinto.

Muntik nang mabitawan ni Hailey ang hawak na baso dahil sa pagkabigla. Nagising sya kanina na para bang uhaw na uhaw. Laking pasasalamat nya nang makitang may nakahandang pagkain sa tabi ng kama nya. Nakapatong yun sa isang maliit na mesa na dati'y wala roon. Marahil ay inilagay ni Trek kanina nang tulog sya, naisip niya. Kinuha nya yung baso ng tubig saka ininom yun. Ganung eksena ang naabutan ni Trek.Muntik na nyang maibuga ang nainom.

Lumapit ito at balewalang umupo sa gilid ng kama. Tumingin ito sa ibabaw ng mesa saka nagsalubong ang magkabilang kilay.

"You haven't touched your food, yet." he said na para bang magagalit na naman.

Hailey didn't answer. Binaba nya ang baso saka sumandal sa headboard ng kama. Umiwas sya ng tingin kay Trek. She won't eat. Baka may lason ang pagkain, naisip nya.

"Damn!" nag-eechong sigaw na naman nito na ikinapikit nya. Kung matatagalan pa sya sa bahay ni Trek, tiyak na magkakasakit sya sa puso. "Kung gusto kitang lasunin, sana kanina ko pa ginawa!" Naiiritang patuloy nito na parang nabasa ang naisip nya.

Hailey mentally slapped her face dahil may punto ito.At oo, kanina pa nagrereklamo ang sikmura nya sa gutom.

*************************

Good Girl No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon