Aim

916 10 31
                                    

KANINA pa hindi mapakali si Hailey. Kailangan nyang makausap kahit isa man sa myembro ng Black Claws para tumingin pansamantala kay Nathan habang wala sya. Ngunit, paano nya magagawa yun?Kailangan nya ng telepono.Tumayo sya saka nagpabalik-balik sa paglalakad. Hindi nya napansin ang kinalalagyan ng telepono nang bumaba sya sa sala kahapon. Wala rin yun sa kwarto ni Trek.Naiinis na hinilamos nya ang kamay sa mukha.

"Kung nasa akin lang sana ang cell--" natigilan sya.

Tama! Impossible na walang cellphone si Trek. Ang tanong na lang, paano nya makukuha yun?

Napalingon sya nang madinig ang pagpihit ng seradura. Mabilis syang bumalik sa higaan saka umupo dun at sumandal sa headboard., her eyes focused at the door. Bumukas yun at pumasok ang babaeng "hinostage" nya kahapon. Kasunod nyon ay si Trek na seryoso na naman ang mukha.

Sinenyasan ito ni Trek na ilapag ang pagkain sa mesa na sinunod naman nito.Matalim ang tingin na ibinigay ng babae sa kanya na ikinataas nya ng kilay.

What's with her?, tanong nya sa sarili.

Nakipagtagisan sya rito ng tingin hanggang sa mailapag nito ang tray sa mesa.

"You can go home now." sabi ni Trek sa babae. Tumango ito. Ngunit bago tumalikod ay umirap ito sa kanya."Bitch."the girl mouthed pero hindi nya pinatulan. Hindi nya ito hiniwalayan ng tingin hanggang sa tuluyan nitong lisanin ang kwarto.Naiirita man ay hindi sya kumibo. Inisip na lang nya na dahil iyon sa ginawa nyang pananakot dito kahapon.

"She's Janine." sabi ni Trek na ikanalingon nya. Napansin siguro nito na hindi maalis ang tingin nya rito kanina.

"Like I care!" ismid ni Hailey.

Ngumisi si Trek. "You should care, dahil sya ang maghahanda ng pagkain mo habang nandirito ka.." sabi nya saka balewalang umupo sa kama. "Malay mo kung anong nilagay nya dyan." patuloy nito na ang tinutukoy ay ang pagkain.

Naningkit ang mga mata ni Hailey sa sinabi nito. Naisip nya kasi na maaring may nilagay na kung ano si Trek sa mga pagkain na ibinibigay sa kanya. Nilalason ba sya nito? Paunti-unti? Kung ganun balak sya nitong patayin.

Naikuyom ni Hailey ang kamao saka napatayo. "What do you mean by that?" galit na tanong nya kay Trek. Her eyes are flaming with anger.

"Nothing." sagot nito at nagkibit balikat habang nakangisi sa kanya. "Bakit Hawk, may nararamdaman ka na bang kakaiba?"

Nangunot noo si Hailey. Kung ganun ay totoo nga na may balak itong masama sa kanya. Pinakiramdaman nya ang sarili. Wala namang kakaiba sa kanya. Kahit yung sugat nya ay di na rin kumikirot.

"Ganun talaga." dugtong pa nito. "Hindi mo mapapansin sa simula pero pag nagtagal...." pambibitin nito.

"Ano?" seryosong tanong ni Hailey habang pinipigilan ang galit na unti-unting kumakawala sa dibdib.

Tumayo ito saka nakapamulsang humarap sa kanya. Nakipagtitigan ito sa kanya saka biglang...

Humagalpak ng tawa.

"Takot ka?" tanong nito in between laughs. "That was a prank!" Umiling-iling ito.

Napayuko si Hailey saka huminga ng malalim. Konti pa at di na talaga sya makakatiis.

"You should've seen your face."pagtawa nito sa kanya. "Scared as cat, Hawk?"

Sa sobrang pagkabwisit nya sa kaharap ay sinugod nya ito ng suntok ngunit agad naman nitong naiwasan. She followed it up with another blow pero mabilis itong umilag. Napuno ng halakhak ni Trek ang kwarto.

Damn! She was totally pissed off!

Nagpakawala sya ng sipa na tumama sa tagiliran nito. Nakita nyang ininda nito iyon dahil bahagya itong napaigtad. She was about to hit him on his jaw nang salagin nito ang suntok nya ang captured both her wrist.Then pulled her on a tight embrace.

"Bastard!"hinihingal na sigaw ni Hailey but Trek didn't seem to be affected at muling tumawa.

"You move so well." sabi nito in amusement. "Tiyak na mag-eenjoy akong maka-sparing ka araw-araw."

Araw-araw? Imposible Trek dahil sisiguraduhin kong pagsisisihan mo sa bandang huli ang mga panahon na nakasama mo ako, gustong sabihin ni Hailey.

"I doubt it Trek!" ganting sagot nya saka malakas na sinipa ang kanang binti nito.

"Shit!" mura ni Trek at saglit na na napaatras at ininda ang sakit ngunit agad ring nakabawi. She aimed another blow pero nahawakan nito ang

kamay nya at marahas syang itinulak pahiga sa kama saka dinaganan.They're both breathing heavily dahil sa mabilis nilang pagkilos.

Unang nakabawi si Hailey."Let me go, you fvckng bastard!" Nag-aapoy sa galit ang mga matang utos nya rito.

"What If I don't?" seryosong tanong ni Trek habang namumungay ang mga mata. "You can do nothing, Hawk?" he uttered huskily.

May magagawa nga ba sya?, tanong nya sa sarili. Hindi sya makagalaw dahil sa malabakal na paghawak nito sa kanya pero sigurado syang may paraan.

Pumikit sya sandali.

Nakita nya ang cellphone ni Trek sa likurang bulsa nito at kailangan nya yun.

Then a smile curved on her lips.

Alam na nya kung anong dapat gawin.

Minulat nya ang mata saka sinalubong ang tingin nito...

****

A/N: action scene ito.. Hindi BS :)

Good Girl No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon