Change of Tactic

1K 13 2
                                    

Change of Tactic (Part2)

Nang makalabas ng pinto ay sinalubong sya ng madilim na mukha ni trek. “Ang bagal mong kumilos.” puna nito sa kanya. Salubong ang kilay nito na para bang aburidong-aburido dahil sa paghihintay. His face speaks an aura of fierce and arrogance.

“Sinabi ko bang maghintay ka?” pabalang na sagot nya rito. Kailangan nyang maging maingat sa mga kilos. Tiyak na mghihinala ito kung pakikitunguhan nya agad ito ng maayos.

He glared at her. “Baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kita!” pagbabanta nito sa kanya. But she didn’t flinch. Sinalubong nya ang mga tingin nito at nakipagtagisan na para bang iyon ang batayan kung sino ang mananalo sa pagtatalo.

“Then let me leave.” Matapang na sagot nya.  Kung hahayaan sya nitong makaalis ay mas pabor sa kanya.

 Nakita nya ang pagkuyom ng mga kamao nito. Halos mag-isang linya na rin ang kilay ni Trek. Lihim syang napangiti. Natutuwa syang malaman  na naapektuhan ito sa pang-aasar nya. Marahil ay hindi ito sanay na binabalewala ng mga pagbabanta nya.

“No one dare to look at me straight to the eyes.” May diin sa bawat salitang sabi nito. “And I’m wishing na hindi mo pagsisihan yun sa huli.”His words came out like a warning bago sya nito tinalikuran. Hindi alam ni Hailey kung bakit sya kinabahan sa huling sinabi nito. Hindi sya nakasagot agad at sandaling natulos sa kinatatayuan.

Nang mapansing hindi sya sumunod sa pagbaba ng hagdan ay muli sya nitong nilingon. He gave her a warning look. Labag man sa kalooban ay susundin nya ito. “Pansamantala lang.” Bulong nya sa sarili.

Nauuna itong maglakad sa kanya. Naiisip ni Hailey na kung tutuusin ay kayang kaya nya itong itulak sa matarik na hagdan. Ngunit hindi sya katulad ni Trek. Ang gusto nya lang ay ang makaganti sa pamamagitan ng pagbuwag ng 7th Hell at hindi ang pumatay. She gritted her teeth as she remembered the reason why she was here. Kialangan nitong magbayad sa pagkamatay ng kanyang Kuya Cliff.

Pinagpatuloy nya ang paglalakad.

Pasimpleng pinag-aralan ni Hailey ang mga nadaraanan. Mula sa kwartong tinulugan ay mayroon pang dalawang katabing pinto na sa palagay nya ay tulad rin ng laki ng pinanggalingan na kwarto. Pagbaba ng hagdan ay isang malawak na entertainment room.

 Mayroong isang sofa na maari nang tulugan dahil laki nito. Naisip nya na maaring doon ito natulog kagabi dahil nakakalat pa doon ang sinuot nitong leather jacket. Gayundin ang ilang walang laman na lata ang beer sa sahig. The place is totally a mess.

Mayroong ring 60 inches na flat screen TV na nakakabit sa dingding at isang estante kung saan nakalagay ang DVD player. Katabi nyon ay ang isang rack na puno ng CDs and DVDs. Sa di kalayuan ay naroroon ang mga gamit ni Trek sa pagwowork out.

Muli silang bumaba ng hagdan at bumungad sa kanya ang maruming sala. Napangiwi si Hailey. Hindi nya maisip kung paano nito natagalan ang ganitong klase ng bahay.

Naunang pumasok si Trek sa dining area ngunit hindi siya agad sumunod doon. Napako ang kanyang paningin sa nakasaradong pinto. Bigla nyang naisip ang kapatid.

 Pagkakataon na nyang tumakas. Mas malaking bagay kung makakaalis sya sa lugar kung saan sya malayang makakagalaw. At higit sa lahat, makakasama nya ang kapatid.

Mabilis syang lumapit sa pinto ngunit bago pa man nya mabuksan iyon ay ang pagtahol ng “bantay” sa kanyang likuran.

“Oh, shit!” bulong ni Hailey. Hindi nya kailangan pang lumingon para malaman kung ano yun. Unti-unting syang ginitawan ng pawis sa noo habang patuloy ang pagtahol nito.

 “Grande, behave!” na-eecho na sigaw ni Trek. Mabilis namang nitong sinunod ang amo at tumigil sa pagtahol. Dahan-dahan syang humarap.

“You can’t escape me, Hawk.”nakangising sabi nito sa kanya habang winawagayway ang susi sa kanyang harapan.

Hailey glared at him. Akmang susugurin nya ito ngunit muling tumahol ang alaga nitong aso na nagpatigil sa kanya.Napuno ng halakhak ni Trek ang buong kabahayan.

Trek motioned the dog to go back to its place kung saan ito nakahiga kanina na kaagad naman nitong sinunod.

 “Damn this man!” sigaw  nya sa isip. Imposible syang makatakas kung mahigpit ang “bantay” nya. She has no choice kung hindi gawin ang plano sa lalong madaling panahon.

**************************************************************************************************

A/N: salamuuuuuuuuuch po sa pagsupport..  :) comment? Fan? Vote?

Good Girl No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon