Her Brother

898 14 5
                                    

Yesley knocked on his door for several times but she heard no response from the owner of the room. Bumuntong hininga sya. Naisip nyang dapat na si Vyene na lang ang pumunta sa bahay nila Hailey para kausapin ang kapatid nito. Kilala na sya ni Nathan at kahit hindi naman sila close, maayos naman ang pakikitungo nito sa kanya. Pero tiyak na mas makakasundo nito si Vyene lalo na at isip-bata ang kanyang kakambal.

Muli syang kumatok at saka pinihit yung pinto. Hindi naman pala yun naka-lock. Gusto nya tuloy tuktukan ang sarili. "Nathan?"she called but still he didn't respond. "Papasok ako ha."paalam nya ngunit wala paring nakuhang sagot. Tuluyan nyang binuksan ang pinto only to find out na nakaupo ito sa kama habang nilalaro ang hawak nitong psp. Mayroon itong suot na headset.Napalingon ito sa kanya ngunit muli ring ibinalik ang atensyon sa nilalaro.

Lumapit si Yesley at umupo sa gilid ng kama sa nilapag ang hawak na isang box ng Hawaian pizza. Sa pagkakatanda nya kasi, yun ang paborito nito. She cleared her throat bago nagsalita.

"Nathan."tawag nya. Hindi nya alam kung naririnig sya nito pero nagpatuloy sya sa pagsasalita. "Nathan, can we talk?"

Lumingon ito sa kanya saka hinubad yung suot na headset. "What about?" walang gana nitong sagot. "Pinapunta ka ba ni Ate Hailey dito kasi di na naman sya uuwi?"akusa nito sa kanya na mahihimigan ng lungkot sa boses.

"Siguro, iiwan nya na rin ako."

Naaramdam ng lungkot si Yesley para sa bata. Naiintindihan naman nya ito. Si Hailey na lang tanging kasama nito sa buhay dahil pawang yumao na ang mga magulang. Nakadagdag pa doon ang kamakailan lang na pagkamatay ng kuyang si Cliff. Kaya naman hindi kataka-taka na isipin nito na iiwan rin siya ng kapatid lalo pa at matagal rin silang di nagkasama mula nang tumira si Hailey sa Japan.

"Hindi."tanggi ni Yesley na may pag-iling. "Bakit ka naman iiwan ng Ate Hailey mo."Tumawa sya to lighten up the mood. "Actually, tumawag sya sakin para dalhan kita nito."Inusod nya yung pizza palapit sa kausap saka ngumiti. "Isama raw kita sa mall para di ka mainip kasi mayroon syang importanteng inaasikaso sa ngayon." pagsisinungaling nya.

Tumingin ito sa kanya saka nangunot noo. "But she didn't bother to call."

"Yeah, kasi busy sya pero pinagbilin ka nya." Parang gusto nya tuloy mainis kay Hailey dahil kung anu-ano nang sinasabi nya. Gusto nyang sabihin dito na kahit sila, hindi tinatawagan ng kapatid nito pero pinigilan nya ang sarili."Sabi nya aayusin nya yung mga kakailanganin para--" saglit syang huminto para makapag-isip. "sa pagtira nyo sa Japan."

Namilog naman ang mga mata nito na para bang nagulat. "Isasama nya ako?"excited na tanong nito.

Lagot, isip-isip ni Yesley. Hindi nya alam kung anong plano ni Hailey sa kapatid pero wala na syang maisip na idahilan kaya yun ang sinabi nya. "Bahala na" sabi nya sa sarili.

"Oo!" tumangu-tango sya. "Kaya wag ka na magmukmok at kainin na natin 'to." Tumaas baba pa ang kilay nya habang nakatingin sa box ng pizza. Mukhang ginanahan naman ito na kumain dahil ito pa mismo ang nagbukas nyon. He took a slice saka kinagat.

Napangiti si Yesley habang tinititigan si Nathan. Kahawig ito ni Cliff. He had only seen him thrice pero tandang tanda nya pa ang hitsura nito.

Bakit hindi? Dahil sadya naman gwapo si Cliff.

And damn yes!

She has a thing for Hailey's brother pero wala syang pinagsabihan.

Nakilala nya si Cliff nang minsang bisitahin nito ang kapatid sa Japan. But she never got the chance na makausap ito dahil may pagkasuplado. Nang huli nya itong nakita, that was a month ago before the accident, napansin nya na parang may nag-iba dito. There's something in him na hindi nya maipaliwanag. Mukhang balisa ito at bumagsak rin ang pangangatawan. Tinanong nya nga si Hailey kung may napansin kakaiba sa kapatid pero pinagkibit balikat lamang nito yun. Ayaw naman nyang mabuko kaya she didn't pursue the topic.

Hanggang sa mabalitaan na lang nila na wala na ito dahil sa isang aksidente. Akala nila, it's just an ordinary "car accident". Pero nakahanap si Hailey ng ebidensya na may kinalaman si Trek sa pagkamatay nito kaya naman pumunta sila sa Pilipinas. Hailey wanted revenge for her brother's death.

Likewise, she wanted it.

For her own reason...

"Hindi ka kakain?" tanong ni Nathan sa kanya na nagpabalik sa kanyang huwisyo.Ipinilig nya ang ulo saka ngumiti. "Ofcourse." sagot nya. "Kakain ako, favorite ko rin yan eh!" biro nya saka kumuha ng isang slice ng pizza at kinagat.

"Aalis tayo diba?" bigla nitong tanong na pinagtaka nya pa.

Saan sila pupunta? Gusto nyang itanong dito.

"Sabi mo." sagot nito habang ngumunguya. "Malling!"

Natapik ni Yesley ang noo. Sinabi nya nga pala yun. "Yeah." napatawa sya. "After this, mall tayo."

Ngumiti ito sa kanya saka tumungo kaya di nito nakita ang malungkot nyang ngiti sa pagkaka-alala kay Cliff.

*******

A/N: Sorry for the long wait.. Wag nyo po ako iiwan ha.. Salamat sa pagbabasa.. :D

Good Girl No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon