Tongue-tied

991 16 8
                                    

Tongue-tied

Tantya ni Hailey ay isang oras na ang lumipas mula nang muli syang ikulong ni Trek sa kwarto. Nakahiga lamang sya sa kama habang nakatitig sa kisame, Napapagod na syang isipin kung anong balak nito at ayaw parin syang pakawalan.

She feel so helpless. Kung wala lang syang sugat ay tiyak na madali na syang nakakilos. Ngunit hindi dahil kumikirot na naman iyon.Bahagya syang bumangon at isinandal ang ulo sa headboard ng kama saka pumikit. Unti-unti syang ginitawan ng pawis sa noo at nakaramdam ng panlalamig. She breathed heavily and closed her eyes. naisip nyang mukhang napasama ang paliligo nya kanina.

Trek had mercy on her at binigyan sya ng isang pares ng bagong underwear para makapagpalit. How she really wanted to clean herself kaya agad syang naligo.

Ngayon nya lang naisip ang pagkakamali dahil pakiramdam nya ay lalagnatin sya.

She almost fell asleep sa posisyon nang makarinig ng langingit mula sa dingding kaya't tinitigan nya iyon. Unti-unti yung bumukas at inuluwa si Trek. "So its a revolving door patungo sa kabilang kwarto."naisip ni Hailey.

Napatingin sya kay Trek. Mukha itong bagong ligo dahil sa basa ang buhok nito. He was wearing a black sando which emphasizes his well muscled body at isang worn out jeans. May dala itong isang medium sized na paperbag. Matiim na nakatingin ito sa kanya making her feel like a mouse trapped in a lion's den habang papalapit. Hailey just stared back at him expressionless. Ayaw nyang makipagtalo sa ngayon dahil sa iniindang sakit.All she wanted is for Trek to leave her alone and let her sleep.

Umupo ito sa dulong bahagi ng kama at saka hinagis malapit sa kanya ang paperbag. Damit at underwears ang laman nyon. She looked at it pero hindi nya hinawakan then looked back at Trek. Sandali silang nagtagisan ng tingin.

Then he smirked and uttered. "What happened to a feisty Hawk?"pang-aasar nito. "Tongue-tied?"

She glared at him bago ibinaling ang mga paningin sa ibang direksyon. How she wished na umalis na ito dahil pakiramdam nya ay konti pa at mamimilipit na sya sa sakit. She feels so cold and yet she is sweating.

Nawawala sa sarili napapikit sya. She can't take it anymore!

Nagulat na lang sya nang may lumapat sa noo nya."Damn!" bulalas ni Trek. "You have a fever!"

Hindi sya sumagot o dumilat man lang ngunit dinig nya ang mga yabag nito palayo. Sa tingin nya ay lumabas ito ng kwarto. Without a minute ay bumalik ito na may dalang medicine kit at isang basong tubig.

"Don't sleep yet."utos nito saka mahina sya nitong tinapik sa pisngi. "Drink this!" Inilapat ni Trek ang isang capsule sa tapat ng bibig nya ngunit iniwas nya ang mukha nya rito.She doesn't take any medicine mula pa noong bata sya. She just healed normally kapag nagkakasakit.

"Wag matigas ang ulo mo!" nagbabantang sabi ni Trek sa kanya.

She smirked at her and whispered "No!".

"Damn! Inumin mo!" nawawalan ng pasensyang bulyaw nito sa kanya. "I don't want anyone die here in my house!" reklamo nito.

"You're such an ass!" naniningkit ang mga matang sagot ni Hailey.

"And you're a bitch!" ganti nito. "Hard-headed-BITCH!" insulto nito sa kanya.

She was about to say something nang isubo ni Trek sa kanya ang capsule at sapilitang takpan ang bibig nya. She's too weak to resist kaya she had no choice but to swallow it.Trek grinned widely and commanded her again. "Now, drink!"

Nabubwisit man ay wala syang nagawa kundi ang sumunod. She could still taste the medicine at ayaw nya ng lasa nyon.

"Damn you Trek!"pa-ulit ulit na sigaw nya sa isip.

Hindi pa man nakakabawi ay lumapit ito sa kanya at kinarga sya."S-san mo ako dadalhin?" nanghihina na tanong nya rito but he didn't bother to answer.

"I said where--"

"Shut up!" he interrupted. Dahil sa bitbit sya nito ay amoy na amoy nya ang gamit nitong cologne. Ramdam nya rin ang pagtahip ng dibdib nito. Marahil ay sa pagka-asar sa kanya dahil sa katigasan ng ulo nya.

"I wan't to go home!" bulong ni Hailey. She tried to look at him but his image seems to be blurred kaya pumikit na lang syang muli.Naramdam nya ang paglapat ng likod sa malambot na kama. Ibinaba sya ni Trek doon and she felt so cold.

"I'm freezing." bulong nya saka niyakap ang sarili. Agad naman nitong itinakip ang kumot sa kanya ngunit hindi yun sapat.

"Still cold?" narinig nyang tanong nito. Strange. She wasn't sure if said it na para bang nag-aalala o sadyang nagdedeliro lang sya.

"Please turn off the aircon." she begged habang nagingikig sa ginaw.Mabilis na hinablot ni Trek ang remote at in-off yun. Ngunit nang mapansin giniginaw parin sya ay nagmadali itong pumasok sa kayang walk in closet at kumuha ng makakapal na comforter at ibinalot kay Hailey.

"Kuya.." narinig nyang bulong nito. "Kuya.."she repeated.Hailey was calling her brother, naisip ni Trek. Wala sa sariling hinawakan nya ang kamay nito ngunit agad ring natauhan. Tinangka nyang hihilahin ang kamay ngunit mahigpit ang kapit nito.

"Hawk." he whispered.

Good Girl No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon