Chapter 9

192 5 1
                                    

Dane's POV

Hanggang ngayon nag-eecho parin sa isip ko yung sinabi ni Leanne kahapon. Galit na galit parin talaga siya sakin. Haist. Sabagay, kahit sino namang babae magagalit kapag ginawa sa kanila yung ganun diba?

Puntahan ko kaya siya? Gusto ko talaga siyang kausapin simula nung nagkita ulit kaming dalawa. Gusto kong humingi ng sorry sa ginawa ko noon. Gusto kong sabihin sa kanya na .. na .. mahal na mahal ko parin siya at walang nagbago dun.

-

Pagkarating ko dito sa hotel ay dumiretso agad ako sa Wedding Department. Nagtago muna ako malapit sa office niya, kaso hindi ko siya makita! " Good morning Sir Dane. " Ayy shala! Nilingon ko naman yung bumati sakin, " Good morning Sir. Ano pong ginagawa niyo dito? Sa pagkakaalam ko po, bukas pa po ang next schedule meeting niyo. " Pormal na sambit nitong babae na kaharap ko. Siguro secretary siya ni Leanne, " Umm, ano .. kasi .. nandyan ba si Director Leanne? " Nag-aalinlangan na tanong ko sa kanya.

Tinignan naman niya ang wristwatch na suot niya, " Wala pa po siya ngayon eh. Bakit po? " Nagtatakang tanong niya sakin. Wala siya dyan? Nasan siya? " Wala siya dyan? Saan siya pumunta? " Sunod-sunod na tanong ko sa kanya, binigyan naman niya ko ng apologetic smile. " I'm so sorry Sir, but it's not right to tell you where she is right now. " Paghingi niya sakin nang paumanhin. Nginitian ko naman siya ng isang pilit na ngiti, " It's okay, I understand. Thank you. " Nagbow naman siya sakin, " You're very welcome, Sir. Excuse me. " Tinanguan at nginitian ko lang siya, umalis naman na siya agad.

Haist. Wala pala siya dito ngayon, umalis. Saan kaya siya pumunta? Tsk. Sayang naman.

Third Person's POV

Palabas na si Dane ng hotel nang makita niya sina Marvis at Leanne na nagtatawanan. Nakita naman niya na naka-cling si Leanne kay Marvis habang hawak nito ang bouquet na binigay sa kanya ni Marvis kanina. Napahinto naman siya sa paglalakad dahil sa nakita niya, nagulat naman si Leanne nang makita na din niya si Dane na nakatingin sa kanilang dalawa ni Marvis. Nilapitan nilang dalawa ni Marvis si Dane na nakatitig parin sa kanila.

" Sir Dane, ano pong ginagawa niyo dito? Bukas pa po ang schedule meeting niyo sakin ni Ma'am Kyla. " Magalang na sambit ni Leanne sa kanya, " Leanne, siya ba yung fiance nung ikakasal dito? "  Tanong ni Marvis kay Leanne. " Ahh .. yes. Marvis meet Sir Dane Lopez. Siya at si Ma'am Kyla yung unang nagpa-sched nang kasal nila dito bago sila Kuya Sam. And Sir Dane this is Marvis Montenegro, the owner and CEO of Diamond Hotel. " Pagpapakilala ni Leanne sa dalawang binata. Inilahad naman ni Marvis ang kamay niya kay Dane para makipagshakehand. Tinignan muna ito ni Dane bago tanggapin, " Nice meeting you, Dane. " Nakangiting sambit ni Marvis, tinanguan lamang siya ni Dane.

" Umm .. Kayo na ba? " Diretsyahang tanong ni Dane sa kanilang dalawa. Nagulat naman si Leanne sa tanong ni Dane ngunit hindi niya ito pinahalata, tinignan naman siya ni Marvis kaya napatingin nalang din siya dito. " Haha. Soon. " Nakangiting sambit ni Marvis, habang nagulat naman ulit si Leanne dahil sa sinabi ni Marvis. Samantalang nalungkot naman si Dane dahil sa narinig niya. Ngumiti naman nang pilit si Dane, " Hehe. Nice. Anyways, I need to go. Balik nalang ako bukas, Director Leanne. " Pagpapaalam niya, nginitian na lamang siya ni Marvis at Leanne.

Pagkasakay ni Dane sa kotse niya ay nasuntok nalang niya ang manibela nito dahil sa lungkot at inis na nararamdaman niya, " Hindi ka kasi nag-iisip Dane! Yan ang napapala mo! Hawak mo na nga, binitawan mo pa! " Sambit niya sa sarili niya, inistart na niya ang kotse niya at pinaharurot na niya agad ito.

-

Nasa elevator naman na sila Marvis at Leanne, napansin naman ni Marvis ang biglaang pagiging tahimik nang dalaga. " Hey? Tumahimik ka ata bigla, may problema ba? " Tanong niya dito, ngumit naman nang pilit si Leanne. " Ahh wala. Don't mind me, inantok kasi ako bigla. Hehe. " Pagsisinungaling niya. Kaya kasi siya tahimik dahil sa nakita na naman ulit niya si Dane, naiinis at nalulungkot siya sa tuwing nakikita niya ang binata. " Ganun ba? Gusto mo bang matulog muna sa office ko, since may sofa-bed ako dun. You can take a nap if you want. " Pag-aalok naman sa kanya ni Marvis, agad naman siyang umiling. " Thank you, but no thanks. I still have some work to do. " Tinanguan na lamang siya ng binata at hinatid sa office nito.

Pagkahatid ni Marvis kay Leanne sa office nito ay nakalimutan niyang may sasabihin pala siya, " Leanne, I just want to ask .. if you're free tonight? " Tanong naman niya, natawa naman si Leanne sa tanong ni Marvis sa kanya. " Haha! What? A dinner date again? Papatabain mo ata ako eh. Haha! " Natatawang sambit niya, " Kind of. Haha! So, are you free tonight? " Tanong naman niya ulit. " I'm always free, actually. Pero kasi .. baka magalit ang mga Kuyas ko. " Sagot naman ni Leanne. " Pinaalam na kita sa Kuya Sam mo kanina, and sabi niya siya na daw bahala sa iba mo pang Kuyas. " Paliwanag naman ni Marvis, napaisip naman si Leanne.

Nginitian naman niya si Marvis, " Okay fine. Fetch me here at exactly 8 pm, okay? " Nakangiting sambit niya. Napangiti naman si Marvis sa sinabi ni Leanne, " Okay, I'll fetch you here later. Bye! See you later. " Hinalikan niya muna ang noo ni Leanne bago umalis, napangiti naman sa paghalik ni Marvis sa noo niya. Kaya naman inasar na naman siya ni Troy pagkapasok niya sa office nila.

-

Author:

Ano nga bang parte si Dane sa past ni Leanne? Ano nga ba siya ni Leanne noon? Find out! 😉

Short update! Sorry 😘💓

Lablab ❤

The Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon