Chapter 4

324 10 3
                                    

Third Person's POV

Kinabukasan, maagang pumasok si Leanne kasi may appointment siya nang 10 am. Hindi na din siya nagpahatid sa mga kuya niya kasi magaling na din naman na si Manong Ising.

"Good morning, Miss Leanne." Pagbati sa kanya ng mga nakakasalubong niya, dahil sa hindi uso sa kanya ang mang-snob ng mga ka-trabaho binabati niya din sila pabalik. Well, except kay Patricia.

Sa kabilang dako, "Babe! Ang aga-aga pa oh? 8 am palang ng umaga, ang schedule natin dun ay 10 am."

Napahigpit nalang sa paghawak ng manibela si Dane dahil sa kaartehan at kapabebehan ng fiancee niya.

"May meeting nga ako sa office ng 11 am, alin ba dun ang hindi mo maintindihan? Tsaka mas mabuti nang maaga tayo pumunta para hindi tayo magmadali mamaya! Ang kulit mo talaga." Naiinis niyang sambit.

"Pwede naman kasing 9 am nalang diba? Naman eeeehhh!" Pag-iinarte niya ulit.

"Anong pinagkaiba nun sa 8 am?! Manahimik ka nalang please. At baka hindi ako makapagtimpi, iiwanan kita dito sa gitna ng kalsada!" Sigaw sa kanya ni Dane, nagcross-arms nalang siya at tumahimik.

Maya-maya pa ay nakarating na sila sa Diamond Hotel at dumiretso sa Conference Room ng Wedding Department.

Leanne's POV

Kabubukas ko lang ng laptop ko nang biglang pumasok si Secretary Kim sa office ko.

"Miss Leanne, nandyan na po yung may nagpa-set ng appointment sainyo kahapon." Pag-inform sakin ni Secretary Kim.

"Ang aga naman nila? Akala ko 10 am pa appointment nila?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"May business meeting pa daw po kasi yung lalake mamayang 11 am kaya maaga daw po sila." Paliwanag niya.

Tumango na lamang ako.

"Okay, pakisabihan na din si Patricia. Susunod na ko dun. Thank you, Secretary Kim." Nagbow muna siya sakin bago umalis sa harapan ko.

Sinara ko na ang laptop ko, "May bago na namang ikakasal."

Hindi ako bitter ah? Baka sabihin niyo bitter ako.

Tumayo na ko sa swivel chair at inayos ang damit ko.Dumiretso na ko sa Conference Hall, ayoko namang pag-intayin ang customers ko.

Pumasok na ko sa loob ng Conference Room, naabutan ko na nag-uusap na sila. "Sorry I'm late." Nagbow ako sa kanila.

"Miss Kyla, she is Ms. Leanne Valle our Wedding Director and our Wedding Planner." Pagpapakilala sakin ni Patricia, inabot ko sa kanya ang kamay ko para makipagshakehands.

"Hi, nice meeting you Miss Kyla." Pagbati ko sknya.

"Hi, nice meeting you too Director Leanne." 

Umupo na ko sa tabi nila Patricia at Secretary Kim.

"I hope you don't mind, I just want to ask.. where's the groom?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Ahehehe.. May pinuntahan lang po siya saglit, pero babalik din daw po siya agad."

Tumango ako sa sagot niya.

"So, shall we start?"

Pinakita ko sa kanya ang folders ng mga halls kung saan pwedeng ganapin ang kasal nila, pati na rin ang mga flowers at mga themes na pwede niyang magustuhan.

"Pwede ko bang makita yung mga halls?" Pagtanong niya.

"Of course, Miss Kyla. Secretary Kim and Manager Patricia kindly assist her to our halls please."

Tumango silang dalawa. 

Nauna na silang lumabas, kinuha ko na ang mga folders at ilalagay ko na ito sa shelf.

"Umm, excuse me Miss? Nasan pala yung mga nagmi-meeting dito?"

Napalingon naman ako bigla sa nagsalita sa likod ko.

"Pumunta na po sila sa.."

Nabitawan ko ang mga folders na hawak ko at hindi ko na rin natuloy ang sasabihin ko dahil sa lalakeng nakatayo ngayon sa harapan ko..

"D-Dane.." Utal kong sambit sa pangalan ng lalakeng nasa harapan ko, bakas din ang gulat sa itsura niya.

"L-Leanne?" Nauutal din niyang banggit sa pangalan ko.

Agad akong tumalikod para lumabas ng Conference Room kaso hinawakan niya ko sa kamay kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Leanne, wait!"

Naiyukom ko ang isang kamay ko na hindi niya hawak, hinigit ko na ang kamay ko na hawak niya.

"Ano bang ginagawa mo dito?!" Galit na sigaw ko sa kanya, nagulat naman siya sa pagsigaw ko sa kanya.

"Umm.. Ahh.." Nauutal niyang sagot, nakakainis na ah!

"Ano?!" Sigaw ko ulit sa kanya.

"A-Ako yung f-fiance nung babae dito kanina na may appointment ng s-sainyo." Nauutal niyang sagot.

S-Siya? Siya y-yung la-lakeng papakasalan ni Miss Kyla?

"Ganun ba? W-Wala na sila dito, pumunta na sila sa mga Halls, s-sumunod ka nalang sa k-kanila."

Lalakad na dapat ulit ako kaso hinawakan niya ulit ang kamay ko kaya napatigil na naman ako.

"H-Hindi mo ba ako sasamahan papunta dun? Hindi ko kasi a-alam kung saang floor yung Wedding Halls niyo d-dito."

Tss.

Ano naman ngayon kung hindi mo alam kung saan floor yun?! Edi magtanong ka sa Receptionist namin! Haist. Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Troy, agad kong hinigit yung kamay ko na hawak ni Dane.

"Miss Leanne, hinahanap ka na po nila Miss Patricia sa Hall #1." Paalala sakin ni Troy.

Nice! Good job Troy, you saved me from this douche!

"Ganun ba? Pupunta ka ba ulit dun, Troy?" Tanong ko sa kanya.

"Opo, Miss Leanne. Bakit po?" Nagtataka niyang tanong sakin.

"Sir Dane, sasamahan ka na ni Troy sa Halls. Troy? Samahan mo nalang muna siya pumunta dun ah, nakalimutan ko na pinapapunta pala ko ni Marvis sa office niya." Sabi ko kay Troy, tumango siya at nginitian ako ng nakaloloko.

"Ayy naku Miss Leanne, level up na talaga ang relationship niyo ng CEO natin. HAHA!" Asar niya sakin, natawa nalang ako sa kalokohan niya.

"Loko ka talaga. HAHA! Punta na kayo sa Hall baka inaantay na nila kayo dun, aayusin ko muna itong mga nahulog na folders."

Tumango naman si Troy.

"Tara na po, Sir. "

Tinanguan nalang siya ni Dane at bago siya makalabas dito sa Conference Room ay tinignan niya muna ako. TSS.

Pagkalabas nilang dalawa ng Conference Room, napaupo nalang ako sa sahig at isa-isang tumulo ang luha ko. Bakit kasi nagbalik ka pa?! Bakit pa kasi kailangang magkrus ulit ang landas nating dalawa Dane?! Bakit ngayon pa kung kelan unti-unti na kitang nakakalimutan?! Bakit?!

-

Ano nga ba parte ni Dane sa buhay ni Leanne? 

Don't forget to VOTE and COMMENT. Let me know your thoughts, and let's talk in the comment box.

Lablab ❤

The Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon