Special Chapter-Part 3

176 6 0
                                    

Third Person's POV

Ihahatid na ni Billy si Dana pauwi, at kasalukuyan na silang nasa byahe habang si Billy naman ang nagmamaneho. Napangiti si Dana kasi welcome-welcome na agad siya sa pamilya ni Billy.

Nung una, nahihiya siya kasi secretary lang naman siya ni Billy. Pero hindi ibigsabihin na secretary lang siya ay mahirap siya, sa katunayan, mayaman din naman ang pamilya ni Dana. Gusto niya lang talaga maging independent.

Oo, totoong nililigawan na siya ni Billy. Hindi nga rin siya makapaniwala na nililigawan siya ng isang Billy Valle. Naalala niya nung dati'y umattend sila sa Royal Ball-PH.

Flashback ..

Nakapasok na silang dalawa sa loob ng venue, agad naman silang nilapitan ng waiter at tinuro ang table nilang dalawa. By partners kasi ang bawat table sa loob ng venue.

Nang makaupo na sila ay agad silang nilapitan ng mga businessman, nakipagshakehands naman silang dalawa. " It's nice to see you here. Billy. " Sambit ng matandang businessman. " Same, sir. "

" Who's this gorgeous lady with you? " Nakangiting tanong ng matanda. " Her name is Dana, my girlfriend. " Gulat namang napalingon si Dana sa kanya. " Nice to meet you, Dana. " Tinanguan at nginitian lamang siya ni Dana.

Maya-maya pa ay umalis na ang matandang lalake, naging poker face naman ang mukha ni Billy at hinapit niya sa bewang si Dana para lumapit pa lalo sa kanya ng lumapit sa kanila ang isang binata. " Hey there, Billy. "

" Matt. " Simpleng sambit ni Billy sa pangalan ng binata. " Himala ata at ikaw ang umattend ngayon. Haha! Where's Kuya Charles? " Nakangising tanong ni Matt sa kanya. " He's very busy, kaya ako ang pinaattend niya. "

Tinanguan lamang siya ni Matt, at dumako naman ang paningin niya kay Dana. " And who's this sexy lady with you? I bet, isa na naman siya sa mga flings mo. " Nakangising sambit ni Matt. Kaya naman nainis si Billy sa kanya. " Shut up, Matt. He's my girlfriend. " Seryosong sabi ni Billy.

" Oh wow! Girlfriend? I never thought that the famous bachelor in town is now a serious and loyal man to his girl. " Nakangising sambit ni Matt na para bang inaasar si Billy. " For sure naman Billy, hindi ka seryoso sa kanya. Ang dami mo ng pinaiyak na babae, kaya imposible namang hindi siya mapapasali dun diba? " Nakangising tanong niya.

" Correction, hindi ko sila pinapaiyak. " Walang emosyong sagot ni Billy. " Okay, sabihin na nating hindi mo nga sila pinapaiyak. But I'm pretty sure na sasaktan mo lang din naman ang magandang binibini na ito. "

Ramdam ni Dana na naiinis na si Billy sa mga pinagsasabi ni Matt. " Kaya Miss, sakin ka nalang. I promise you na hindi kita sasaktan. Kasi lagi kong ipaparanas sayo what heaven feels like. " Sambit ni Matt at tsaka hinawakan ang kanang kamay ni Dana.

Nakita naman iyon ni Billy ay inilayo si Dana kay Matt, kaya nabitawan na ni Matt ang kamay ni Dana. " She's mine, Matt. Back off! " Inis na sambit ni Billy. Hinila na niya si Dana palabas ng venue.

Nagtataka naman si Dana kung saan siya dadalahin ni Billy, huminto si Billy sa paglalakad kaya napahinto din siya. Tsaka niya lang na-realize na nasa garden sila, at katapat nila ang isang fountain. Nakasimangot na umupo si Billy sa isang bench. Agad naman siyang tinabihan ni Dana pero may pagitan sa kanilang dalawa.

" Nabastos ka na naman. Tss. Ang ikli na naman kasi ng suot mo! " Naiinis na sambit ni Billy. Hindi naman makapaniwala si Dana, kasi feeling niya sinisisi pa siya nito kasi maikli ang dress na suot niya. " Wow ah? Baka nakakalimutan mo, sayo galing itong dress na suot ko! "

" Yun na nga eh. Galing nga sakin, pero alam mo namang maikli sinuot mo parin! " Naiinis na sigaw ni Billy. " Edi sana sinabihan mo ko kanina na magpalit nalang ako! Nakakainis ka. I hate you! "

Naiinis na tumayo si Dana at naglakad palayo, tsaka lamang na-realize ni Billy na mali ang mga sinabi niya. " Haysss! Ano ba yan, Billy?! Siya na nga ang nabastos, papagalitan mo pa! "

Agad niyang hinabol si Dana, nang maabutan niya ito ay hinawakan niya ang kamay at iniharap sa kanya. " I'm .. I'm sorry. I didn't mean to say those things to you. I didn't .. I didn't mean to shout. It's just that .. naiinis lang ako sa pambabastos sayo ni Matt kanina. " Mahinahong sambit ni Billy habang nakayuko.

" Tss. Okay fine. Nainis lang ako kasi feeling ko sinisisi mo ko sa pagsuot ko nitong dress na 'to, eh sayo naman 'to galing. " Inirapan niya si Billy, kaya napakamot si Billy sa batok niya. " Kaya nga eh. Sorry. "
" Nahh, it's okay. Uwi na tayo! " Hinila ni Dana si Billy sa braso nito, hindi naman na nagpumiglas si Billy.

Lumipas ang ilang araw, mas lalo silang nagiging close at nagiging sweet sa isa't-isa. Syempre, hindi parin mawawala ang barahan at asaran nila sa isa't-isa. Hanggang sa inamin ni Dana ang nararamdaman niya para kay Billy, at ganun din ang ginawa ni Billy. Hindi nagtagal ay niligawan na siya ni Billy. Nung una hindi siya makapaniwala na ang isang Billy Valle na dati lang niyang pinapangarap ay nililigawan na siya.

End of Flashback ..

Napansin ni Billy na pangiti-ngiti si Dana habang nakatingin sa bintana. " Hey? Baliw ka na? " Natatawang tanong niya kay Dana. Natawa naman si Dana at hinampas siya sa balikat. " Baluga! May iniisip lang ako. "

" Katabi mo lang ako, iniisip mo parin ako. Ano ba naman yan Dana? Ganyan ka na ba talaga kainlove sakin? Hahaha! " Natatawang sabi ni Billy. " Luhh? Gusto mo bang bustedin kita? "

" Ito naman, joke lang eh. Hindi ka naman mabiro, babe. " Panglalambing niya kay Dana. Natawa nalang si Dana sa kalokohan ni Billy. " Pero seryoso na, ano ba iniisip mo? "

" Naisip ko lang na napakaimposible kasi talagang ligawan ako ni Billy Valle, at napakaimposible din na tanggap agad ako ng mga Valles .. eh secretary lang naman ako. " Hindi makapaniwalang sambit ni Dana. Napailing nalang si Billy at hinawakan ang kaliwang kamay ni Dana gamit ang kanang kamay niya.

" Well, ngayon babe maniwala ka na. Kasi itong lalake na ito, na kilala bilang The Greatest Bachelor in Town ay seryosong umiibig sa nag-iisang nasa tabi ko. And babe, kaming mga Valle .. walang pinipiling estado sa buhay ng isang tao. Tsaka, mayaman ka naman babe eh. Sadyang gusto mo lang talagang maging independent, parehas talaga kayo ni Leanne. " Mahabang sambit ni Billy.

" Hmm, paano kung matagalan pa bago kita sagutin? " Tanong ni Dana sa kanya. " Sabi nga ni Marvis kanina, I'm willing to wait even though it takes forever. " Nakangiting sagot ni Billy. Nginitian na lamang siya ni Dana. Hinalikan naman ni Billy ang kamay niya.

-

Author's Note:

Yiss naman! Luma-lovelife si Billy 😂 hahahaha. Lakas ng impluwensya ng mga linya ni Marvis 😂👏

Malapit nang magtapos! 😱

What can you say sa lovelife ni Billy? 😂 hahahaha. 👍 or 👎 ?

Lablab ❤

The Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon