Chapter 16

163 6 1
                                    

Third Person's POV

Kinabukasan, pumunta si Kyla sa Wedding Department. Hindi niya pinaalam kay Dane na pupunta siya. Sakto namang nakasalubong niya si Leanne sa hallway, " Ma'am Kyla? What are you doing here? Bukas pa po ang next schedule niyo. " Sambit niya. " I need to discuss with you some important things. "

Nagtaka naman si Leanne sa pagiging seryoso ni Kyla, tuwing may meeting kasi sila napakajolly nito at laging nakangiti. Ngunit ngayon, kakaiba ang aura niya.

Tumungo naman sila sa Conference Room, " Ano po yung pag-uusapan natin? " tanong niya. Huminga si Kyla ng malalim at tinignan siya ng seryoso, " Umm, about sana sa wedding video namin ni Dane. May ganun ba kayong inoofer dito? " Nakahinga si Leanne nang maluwag dahil sa tanong ni Kyla sa kanya.

Feeling niya kasi may mali kay Kyla ngayon, yun ay ang pagiging seryoso at pormal niya. " Yes, Ma'am Kyla. Ano bang klase ng video ang gusto niyo? Prenup video? " Tumango si Kyla bilang pagsagot. " Okay, si Mr. Peejay nalang po ulit ang kukunin namin. Yun lang po ba? "

Umiling si Kyla bilang pagsagot, " Leanne, magkaano-ano kayo ni Dane dati? " Diretsahan niyang tanong kay Leanne. Kaya naman nagulat siya sa tanong ni Kyla sa kanya, pero hindi niya ito pinahalata. " Umm .. ahh .. I don't know what you're talking about, Ma'am Kyla? " Nauutal na tanong niya.

" Please Leanne, sagutin mo nalang yung tanong ko! Mag-ano kayo ni Dane dati?! " Sigaw sa kanya ng dalaga, nainis naman siya dahil sa kakulitan ni Kyla. Tinignan niya ito ng seryoso at tumayo, " Kung ano man ang meron saamin sa past, past na yun. Wala na kong balak pang balikan kasi tapos na yun. Kung yan lang naman ang sasabihin mo, you're just wasting my time. "

Tinalikuran niya ito at nauna ng lumabas sa Conference Room, naiwan naman sa loob si Kyla na umiiyak. Kasi lahat nang nalaman niya sa past nang dalawa ay totoo.

" Calling the attention of Miss Leanne Valle. Sir Marvis wants to talk with you on his office right now. That's all, have a good day everyone. " Napatigil si Leanne sa paglalakad, at tumungo sa office ni Marvis. Papunta na dapat siya sa office niya para magpalamig nang init nang ulo, kaso bigla siyang pinatawag ng mabait niyang manliligaw.

Kumatok muna siya ng tatlong beses bago pumasok sa office ni Marvis.

Pagpasok niya ay nakangiti sa kanya si Marvis, samantalang inirapan naman niya ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagpasok niya ay nakangiti sa kanya si Marvis, samantalang inirapan naman niya ito. Kaya naman nagtaka si Marvis sa pagiging masungit nito ngayon, nilapitan niya ang dalaga at hinila sa sofa para maupo.

" Love, what happened? Nung huli kitang nakita kanina nakangiti ka pa, tapos ngayon naman nakasimangot ka at .. malungkot? Ano bang nangyari? " Nag-aalalang tanong sa kanya ng binata, hindi naman sumagot si Leanne. Kaya ang ginawa niya ay sinandal na lamang nito ang ulo niya sa balikat nang binata.

Hindi niya namamalayan na lumuluha na pala siya, nang makita ni Marvis na umiiyak ito ay agad naman siyang nataranta. " Love, why are you crying? May mali ba kong nasabi? Tell me, please. " Pinunasan ni Marvis ang mga luha niya, pero tuloy-tuloy parin ito sa pagtulo. Niyakap na lamang siya ni Marvis, " Hindi ko man alam kung ano ang dahilan nang pag-iyak mo, pero sana naman wag ka ng umiyak pa. Kasi sa tuwing nakikita kitang umiiyak, nasasaktan ako. "

Nagyakapan silang dalawa, at maya-maya pa ay tumigil na sa pag-iyak si Leanne. Bumitaw sila sa pagyayakapan, pinunasan ni Marvis ang mga natitirang luha niya sa mata gamit ang panyo niya. Hinalikan naman siya ni Marvis sa noo, " Kung ano man ang problema mo, just open it up to me. I'm willing to spend my whole time listening to your problems. Don't be afraid to trust me, I promise you will not regret anything. "

Napangiti si Leanne sa sinabi ni Marvis sa kanya, kaya naman niyakap niya ito ng mahigpit. " I'm willing to open up my problems with you, because I trust you with all my heart. " Sambit niya habang magkayakap silang dalawa. " Thank you for trusting me, Love. "

Si Kyla naman ay sinugod ang fiance niya sa company nito. Binuksan niya ng pagkalakas-lakas ang pinto ng opisina nito, " What the?! What are you doing Kyla?! Hindi ka ba marunong kumatok ha?! Can't you see I'm bu-- "

PAK.

Isang malakas na sampal ang natanggap ni Dane sa kanya, kaya ito napatigil sa pagsasalita. Tinignan siya ni Dane, at nakita itong umiiyak. " What's your problem?! " Sigaw niya ulit kay Kyla. Hindi naman siya makaramdam nang awa, kasi nagalit na din siya sa biglaang pagsampal nito sa kanya na hindi niya man lang alam ang dahilan.

" Hanggang kelan mo sakin ililihim 'to, Dane?! Hanggang kelan?! " Umiiyak na sigaw niya sa binata. Naguguluhan naman si Dane sa sinasabi ni Kyla. " Ano bang pinagsasabi mo?! "

-

Author's Note:

Hala lagot! Ano kaya yung iniiyakan ni Kyla? 😕

What do you think of this chapter? 👍 or 👎 ? 😊

Time check: 1:31 am. 😱 Good mornight na bebes! 😘

Lablab ❤

The Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon