Chapter 15

159 6 2
                                    

Kyla's POV

" Girls, my Dane was being so weird lately. Madalas siyang nakatulala, tapos kapag uuwi na kami galing sa Diamond Hotel .. lagi niyang sinasabi na marami pa daw siyang pipirmahang papers sa office. Eh I'll always asked his secretary kung nandun siya, pero sabi wala daw. " Napatigil naman silang dalawa sa ginagawa nila, " OMG! Baka may other woman siya. Shocks! " Sambit ni Sherlyn.

" Sherlyn is right, Kyla! Baka nga may other woman si Dane! You should do an investigation or maybe you can follow him after he drives you home. " Napaisip naman ako sa sinabi ni Tina. " But I have to trust Dane, I know he loves me. And malapit na kaming ikasal. "

Nagkatinginan naman silang dalawa, at tumabi sa magkabilaan ko. " He's being suspicious lately, right? And you really need to follow him after he drives you home, para makasigurado ka na wala talaga siyang ibang babae. " Sabi ni Tina.

" Tina is right, Kyla. " Napabuntong-hininga nalang ako, I think I don't have any choice.

Third Person's POV

Lunes na at ngayon ang next schedule meeting nila Dane at Kyla sa Diamond Hotel. Nasa Conference Room na silang tatlo, at wala naman sa mood si Leanne.

" Okay, umm, so how many guests ang nasa kasal niyo? " Tanong niya sa dalawa, " Mine, nasa 200 persons. " Sagot ni Kyla, kaya naman napatingin sa kanya si Dane. " That's too many! " Sambit naman nang fiance niya. " Babe, syempre kasama na dun yung relatives, friends, and mga business partners nila Mom and Dad. Kaya natural na marami talaga. "

Nilista naman yun ni Leanne sa laptop niya, " How about you, Sir Marvis? " Nilingon naman siya nito at nginitian. " 100 persons lang. " Napairap naman siya sa pagngiti sa kanya ni Dane. Napansin naman yun ni Kyla kaya nagtaka siya ng bonggang-bongga.

Maya-maya naman ay pumasok si Troy sa Conference Room na may dalang bouquet of flowers. Inabot naman sa kanya ito ni Troy, " What's this for? " Nagtatakang tanong ni Leanne sa kanya, nginitian naman siya nito. " Pinapabigay po ni Sir Marvis, Miss Leanne. "

Pagkabigay niya kay Leanne ay umalis naman agad siya. Binasa ni Leanne ang note na nakalagay dito.

 Binasa ni Leanne ang note na nakalagay dito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

To the most beautiful woman, my Love.

I'm very very sorry kung hindi kita nasundo kanina. Late na kasi ako nagising at late na din ako nakatulog kagabi because of some paper works. I'm very very sorry, Love. Dinner date tonight, I promise I'll make it up to you.

I love you very very much, Love.

Your future husband,
Marvis ❤

Muli namang nakaramdam nang lungkot si Dane kasi nakita niyang kinilig si Leanne sa note na binasa niya, napansin din naman ulit yun ni Kyla at muli siyang nagtaka sa expression nang fiance niya.

After nang meeting nila ay hinatid siya agad ni Dane sa bahay niya. Ang hindi alam ni Dane ay palihim siyang sinundan ni Kyla sa Gold&Silver. Nakita niyang umiinom si Dane kasama ang kaibigan nitong si Tyler, umupo naman siya malapit sa kinauupuan nang dalawang binata.

" Bro, kinilig siya nung nakatanggap siya ng bouquet dun sa CEO nila na sa tingin ko ay nanliligaw na sa kanya. " Narinig niyang sambit ni Dane, napaisip naman siya kung sino ang tinutukoy nang binata. Nagulat siya ng maisip niya kung sino ang tinutukoy nang fiance niya ..

si Leanne.

Agad-agad naman siyang lumabas nang bar at sumakay nang kotse. Dun na siya umiyak dahil sa narinig niya, naguguluhan din siya kasi hindi niya alam kung anong koneksyon nang dalawa sa isa't-isa. Kinalma niya muna ang sarili at nagdrive pauwi sa bahay niya. Pagkauwi niya ay dumiretso agad siya sa kwarto niya at tinawagan ang taong alam niyang matutulungan siya. " Hello? I need your help. Alamin mo kung ano ang past nila Dane Lopez at Leanne Valle. I want to have it as soon as possible. Okay? Thank you. "

Huminga siya ng malalim at humiga sa kama niya. " Dane, wag mo naman sanang gawin sakin 'to. " Malungkot niyang sambit.

Sa Diamond Hotel naman, nakabalik na sa Wedding Department si Leanne bitbit ang bouquet na pinabigay sa kanya ni Marvis. Napapangiti na lang sina Troy at Secretary Kim, pagkapasok ni Leanne sa office niya ay siya namang pagsunod sa kanya ng dalawa at umupo sa dalawang chairs sa harap nang table niya. " Kamusta naman Miss Leanne? Hindi ka na nagkukwento samin ah. Medyo nakakatampo. " Nagtatampong sambit ni Troy.

" Sorry. Medyo busy din kasi ako eh. " Nagkatinginan naman sina Troy at Secretary Kim, " Busy po ba talaga sa dalawang weddings o kay Sir Marvis? " Tanong sa kanya ni Secretary Kim, kaya naman natawa nalang siya. " HAHAHA! Pwede both? So, ano gusto niyong ikwento ko sainyo? " Natatawa niyang tanong sa dalawa. " Lahat. " Nakangising sagot ni Troy, kaya naman natawa silang tatlo.

Kinuwento ni Leanne lahat nang nangyari, mula sa pagyaya sa kanya ng mga dates ni Marvis, sa double date nilang apat nina Sam at Krystal, sa confession sa kanya ni Marvis, noong pumunta sila ng Amusement Park, nung nagtanong si Marvis kung pwede manligaw at sa pagpayag niya, noong pumunta si Marvis sa mansion nila para ipaalam sa mga Kuya niya na manliligaw siya, at ang pagbibigay sa kanya ni Marvis nang mga bulaklak.

" Grabihan pala mainlove yan si Sir Marvis, sobra-sobrang in love siya sayo Miss Leanne. Sa lahat nang efforts niya na kinuwento mo kanina, Miss Leanne .. masasabi kong seryoso talaga siya sayo. " Nakangiting sambit ni Troy, kaya naman napangiti din siya. " To tell you the truth Miss Leanne, nung hindi ka pa nagtatrabaho dito sa hotel .. hindi namin nakikita si Sir Marvis na may kasamang babae o nababalitaan man na may nililigawan siyang babae. Pwera po kay Madam, yung mama po niya. " Pagkwento naman ni Secretary Kim.

Napangiti naman siya lalo dahil sa kwento ni Secretary Kim, " Totoo po yung sinasabi ni Ate Kim, as in wala po talaga siyang dinadala o sinasamang babae. Iniisip nga po namin na bakla siya kasi kahit isang beses hindi namin siya nakitang may kasamang babae, pwera na lamang sa mga babaeng employees dito. Tsaka po si Director Patricia, matagal na po siyang may gusto kay Sir. Hindi nga lang siya napapansin ni Sir Marvis, hindi kasi siya type. HAHA! " Natawa naman silang tatlo dahil sa huling sinabi ni Troy.

" Ang hard mo kay Patricia ah. HAHA! " Natatawang sambit niya, " Totoo naman po kasi. Pero nag-iba po ang aura ni Sir Marvis simula nung nagtrabaho ka dito sa Diamond Hotel. " Tumango naman si Secretary Kim bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Troy. " Sa tingin ko, meant to be kayong dalawa ni Sir Marvis. " Nakangiting sambit ni Secretary Kim. 

" HAHA! Talaga? Ilang beses ko ng narinig yan, pero hindi naman totoo. " Natawa naman si Secretary Kim sa sinabi niya, " Noon yun Miss Leanne, malay mo naman totoo na yung ngayon. " Nakangiting sambit ni Secretary Kim. " Sana nga. "

Nakatanggap si Kyla ng tawag, kaya agad naman niya itong sinagot. " Hello? Sige, nasend mo nalang sa email ko? Ipapadala ko na mamaya ang bayad. Thank you. Okay. Bye. " Binaba na niya ang tawag at binuksan agad ang email niya. 

Kung kanina malungkot siya dahil sa narinig niya, mas lalo siyang nakaramdam nang lungkot at hindi na niya napigilan pang umiyak.

-

Author's Note:

Hala?! 😱 Ano kaya yung nalaman ni Kyla sa past nila Dane at Leanne? 😉 Hulaan niyo! 😂

2 published chapters today! 😍👏

What do you think of this chapter? 👍 or 👎 ? 😊

Lablab ❤

The Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon