Chapter 32

138 5 1
                                    

Third Person's POV

Kinabukasan, pagkapasok ni Leanne sa office niya may nakapatong na bouquet sa table niya. Excited niya itong kinuha, umaasa na galing kay Marvis. Kaso .. hindi pala.

To: The girl I love from the very start

Hi! Flowers for you :)

From: The guy who still loves you

Nairita si Leanne sa nabasa niya. Agad siyang umalis nang hotel bitbit ang bouquet na pinadala ni Dane para sa kanya. Saan siya pupunta? .. Sa company ni Dane.

Pagkadating niya dun ay hindi niya pinansin ang gwardiya, tuloy-tuloy lang siyang pumasok. Alam naman kasi niya kung saan ang office ni Dane.

Pagkadating niya sa office nito, pumasok nalang siya ng basta-basta. Kaya naman nagulat si Dane sa pagpasok niya at napahinto siya sa ginagawa niya.

Pabagsak niyang hinagis sa table ni Dane ang bouquet na bitbit niya. " Ano na naman ba ito Dane?! "

Nagulat ulit si Dane dahil sa pagsigaw ni Leanne sa kanya. " Umm .. Flowers. I just .. I just want to give you a bouquet of flowers. " Nauutal niyang sagot. " Will you please stop doing this?! "

" Gusto ko lang naman bumawi sayo Leanne. Gusto kong bunawi sa mga kakulangan ko sayo noon. I just want to make things right. " Malungkot na sambit ni Dane. " You're not making things right, Dane! You're making things so complicated! "

Natahimik si Dane sa sinabi ni Leanne. " Why am I making things so complicated? Hiwalay na ba kayo ni Marvis, tapos babalik ka na sakin? Babalik ka na ba sakin Leanne? " Napapikit nalang ng mariin si Leanne.

" You know what? You're so PATHETIC and DESPERATE! From the very start, alam natin na ikaw ang nang-iwan! Why are you expecting na babalikan kita? " Nakangising tanong ni Leanne sa kanya.

" For the last time Dane, tigilan mo na ko. Mahal na mahal ka ni Kyla, and I know you are aware about that. Please lang Dane, wag mong gawin kay Kyla ang ginawa mo sakin noon. " Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang yun ay nilisan niya ang opisina ni Dane.

Naiwan naman si Dane na tulala pagkatapos niyang marinig ang mga yun. Para siyang sinaksak nang ilang beses sa mga salitang binitawan ni Leanne sa kanya. Sakto namang pumasok ang kaibigan niyang si Tyler.

Nagulat si Tyler kasi sumalubong sa kanya ang devastated na mukha ni Dane. Hindi ito ang unang beses na makita niya itong ganito, maraming beses na niya itong nasaksikhan na ganito. Ang pinakadahilan? .. Si Leanne.

" Bro, nakasalubong ko si Leanne sa baba. What happened? " Nag-aalala niyang tanong. " She wants me to stop chasing her. "

Napabuntong-hininga nalang si Tyler sa sagot ni Dane. " Because she's already tired running away. I think it's already time for you to stop chasing her. " Tumayo si Dane. " But I love her so much, Tyler! I can't just give up! "

 " But I love her so much, Tyler! I can't just give up! "

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon