Chapter 19

150 6 6
                                    

Third Person's POV

Dahil sa sinabi ni Marvis, hindi mapigilang mapula sa kilig si Leanne. " HAHA! Look Mom and Dad, she's blushing. She's really cute when she's blushing, right? " Natatawang sambit ni Marvis kaya naman pabiro siyang hinampas ni Leanne sa braso. Samantalang natutuwa naman ang Mom at Dad ni Marvis dahil sa sweetness nang dalawa, " Nice meeting you ija. " Nakangiting sabi ng Dad nila Marvis. " You're right, son. She's really cute when she's blushing! Haha. Anyways, you can call us Tita and Tito.  I can't wait to be your mother-in-law someday. Wait? Eh hindi ka pa nga niya sinasagot, anak. Hahaha! "

Natawa naman silang tatlo, maliban kay Marvis na napasimangot dahil sa sinabi ng Mom niya. " Kaya nga SOON, Mom eh. " Lalo namang natawa si Leanne dahil sa parang bata mag-inarte si Marvis.

Pagkatapos nang lunch nila ay dinala siya ni Marvis sa garden nila. Tinitignan ni Leanne ang magagandang bulaklak na nakatanim dito, " Ang gaganda ng mga flowers dito. Talagang inalagaan sila ng maayos. " Nakangiting sambit niya. " Mom planted them, and she really like flowers. "

Umupo silang dalawa sa kubo na nandun din sa loob nang garden. " Umm .. so, your Mom and Dad knows that you're courting me? " Nahihiyang tanong niya. " Yep. I told them everything, they knew that I like you since you started working in Diamond Hotel. Only son nila ko, kaya open talaga ko sa kanilang dalawa. "

" I love how Tita and Tito still have a time to bond with you, even though they are a very busy parents. " Nakangiting sambit niya. " Nag-iisa lang din naman kasi nila kong anak, they don't want to feel unimportant to them that's why they always have a time for me. "

Nang makabalik na sila ng Diamond Hotel, hinatid muna siya ni Marvis sa Wedding Department. Pagkaupo niya sa swivel chair niya ay pumasok naman si Secretary Kim sa office niya, " Miss Leanne? Hinahanap ka po kanina ni Sir Dane, sabi niya may idi-discuss daw po sana siya sayong importanteng bagay. " Napakunot ang noo niya ng marinig iyon. " Importanteng bagay? Like what? " Nagkibit-balikat nalang si Secretary Kim.

" Umalis na po kasi kani-kanila lang kasi mahigit 1 hour na po siyang nag-iintay sa lobby nang department natin. Pagkaalis naman po niya ay ang pagdating naman po ni Ma'am Kyla, hinahanap ka din po. Gusto ka daw po niyang makausap. Inaantay ka po niya sa Conference Room. " Tinanguan siya ni Leanne, tumayo siya at inayos ang damit niya. " Thank you for the information, Secretary Kim. " Nagbow na lamang ito sa kanya at nilisan ang office niya.

Pagkadating niya sa Conference Room ay naabutan niyang nagse-cellphone si Kyla habang nakakunot ang noo, nilapitan niya ito. " Ma'am Kyla? Hinahanap niyo daw po ako? " Magalang na tanong niya. Tinignan siya ni Kyla, tumayo ito sa pagkakaupo niya ..

SLAP.

Sinampal siya nito ng malakas kaya napabaling sa kanan ang mukha niya. Nagulat naman si Leanne sa pagsampal sa kanya ni Kyla, kaya tinignan niya ito ng may gulat na expression. " What the?! Why did you slapped me?! " Inis at gulat na tanong niya. " Gusto mo bang malaman kung bakit kita sinampal?! Gusto mo bang malaman?! " Galit na sigaw sa kanya ni Kyla.

Hindi siya sumagot, at nagtitigan lang silang dalawa. " Kasi ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako magawang mahalin ni Dane! Ikaw ang dahilan nang lagi naming pag-aaway! Ikaw ang dahilan kung bakit gusto niya laging pumunta dito! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nasasaktan! Nang dahil sayo lagi akong umiiyak! Nang dahil sayo wala siyang pake sakin! " Umiiyak na sigaw nito kay Leanne.

Kumunot naman ang noo ni Leanne dahil sa pinagsasabi ni Kyla sa kanya. " I don't know what you're talking about! Wala akong alam sa pinagsasabi mo! Pake ko naman sa fiance mo?! " Dahil sa galit ay hindi na din niya mapigilang sumigaw. " Kala mo ba hindi ko alam ang lahat?! Kala mo ba wala akong alam sa past niyo?! Well, you're wrong Leanne! I know everything! " Sigaw niya kay Leanne.

Muli siyang nagulat sa sinabi ni Kyla, hindi niya inaasahan na malalaman nito ang past nilang dalawang ni Dane. Nagulat man ay hindi niya ito pinahalata kay Kyla. " I already told you na kung ano man ang past namin ng fiance mo, past na yun! Hindi na dapat balikan! Bakit ba ang big deal sayo nun?! I already moved on from our past, why can't you just move-on?! " Galit na sigaw niya.

" You don't know what I feel, Leanne! You don't! Kasi hanggang ngayon mahal na mahal ka parin niya! Ako lagi ang kasama niya pero ikaw parin ang laman nang puso't-isip niya! Hindi pa siya nakakamove-on sayo! " Umiiyak na sigaw ni Kyla kay Leanne. " Hindi ko na kasalanan kung hindi pa siya nakakamove-on! At hindi ko rin kasalanan kung hanggang mahal niya parin ako. Maybe because you're not good enough for him. "

Nainis lalo si Kyla dahil sa sinabi ni Leanne, sasampalin niya dapat ulit ito ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Dane na hinihingal. " Kyla! Stop it! "

Imbes na ang fiancee niya ang lapitan, si Leanne ang nilapitan niya. Nakita niyang namumula ang pisnge nito, nagalit siya kay Kyla kasi alam niyang sinampal nito si Leanne.

" Why did you slapped her?! What did you do, Kyla?! " Galit na sigaw nito sa fiancee niya. " Imbes na ako ang una mong lapitan, yang KABIT mo pa ang inuna mo! " Umiiyak na sigaw ni Kyla sa kanya. " Hindi ko siya kabit, Kyla. I know you know that! "

" Sakin ka dapat nag-aalala, hindi sa babaeng yan Dane! Fiancee mo ko, magiging asawa mo na ko! Why can't you love me, Dane?! " Umiiyak na sambit ni Kyla. " I can't love you Kyla, kasi mahal na mahal ko parin talaga si Leanne. " Sagot niya.

Nagulat si Kyla sa sagot ni Dane sa kanya, kaya tumakbo siya at lumabas sa back door nang Conference Room. Naiwan namang sina Dane at Leanne sa loob, " Hey? Are you o-- ? " Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng bigla siyang sampalin ni Leanne.

" Pwede ba, Dane?! Tigilan mo na ko! MOVE-ON! " Sigaw sa kanya ng dalaga. Nasaktan siya sa sinabi nito, at tinitigan si Leanne. " But .. But I still love you. Hindi yun nagbago, Leanne. Mahal na mahal parin kita. Ikaw parin ang babaeng laman nang puso't-isip ko, at hindi yun nagbago. " Malungkot na sambit niya.

" I don't love you anymore, Dane. " Pagkatapos niyang sambitin yun ay lumabas na siya ng Conference Room at duniretso sa Comfort Room. Mabuti nalang ay walang tao, kaya dun siya umiyak nang umiyak. Umiiyak siya hindi dahil sa mahal niya parin si Dane, kundi umiiyak siya kasi naiinis siya.

Samantalang hindi naman na mapigilan ni Dane ang lumuha dahil sa sinabi sa kanya ni Leanne bago ito umalis.

-

Author's Note:

Anla?! Puro iyakan! 🙊 Kawawa si Dane at Kyla. Nagmamahal sila ng taong hindi sila mahal, parang ako .. DATI 😂 Naranasan niyo na bang magmahal nang taong hindi kayo mahal?

What do you think of this chapter loves? 👍 or 👎 ?

Lablab ❤

The Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon