Chapter 26

132 4 3
                                    

Third Person's POV

Kinabukasan, nasa opisina na si Leanne ng makatanggap siya ng letter galing kay Kyla.

Leanne,

Meet me at the park today.

Kyla

Nagtataka man kung bakit gustong makipagkita ni Kyla sa kanya ay pumunta parin siya. Ibinilin nalang niya kila Troy at Secretary Kim ang mga dapat gawin.

Pagkapunta niya sa park, naglakad-lakad siya para makita si Kyla. Nakita niya itong nakaupo sa isang bench, tulala na nakatingin sa kawalan. Umupo naman siya sa tabi nito.

" Anong kailangan mo? " Tanong niya dito. " Gusto ko lang sana magkwento sayo. " Sagot naman ni Kyla sa tanong niya. " Don't waste my time, Kyla. "

Pilit na ngumiti si Kyla at hanggang ngayon hindi parin niya nililingon si Leanne.

" The first time I saw Dane, I knew that I already fallen in love with him. Pumasok agad sa isip ko na .. siya ang lalakeng gusto kong makasama habambuhay. Then that day came ..

Flashback ...

Kakauwi ko lang sa bahay galing sa photoshoot nang ipatawag agad ako ni Dad sa office niya dito sa bahay. Pagkabukas ko ng pinto ay kakababa lang niya ng telepono.

" Hi Dad! " Pagbati ko sa kanya. Umupo na ko sa sofa na nandito sa loob. " Dear, you're going to meet your future husband! Isn't that exciting? " Natutuwang sambit niya. " What?! "

Lumipas ang mga buwan, at dumating na nga araw kung kelan ko siya makikita. Nasa kumpanya kami ng bestfriend ni Dad at kasalukuyan kaming nasa opisina niya. Kinakabahan ako kasi hindi ko naman kilala kung sino yung lalakeng yun. Kung pogi ba siya? Panget ba siya? Maskulado ba siya? Payat kaya siya?

Nagulat ang lahat nang biglang bumukas nang pagkalakas-lakas ang pinto ng office. Pumasok ang lalakeng at sinigawan ang kaibigan ni Dad, ngunit ngumiti lamang ito sa kanya. " Job well done, son. Anyways, I want you to meet your future wife. Her name is Kyla. "

Nilingon ako ng lalake. Siya?!

Pero yung mata niya punong-puno ng galit at sakit. Patuloy paring tumutulo ang mga luha niya galing sa dalawa niyang mata. At sinabi ang mga katagang ..

End of Flashback ...

" ... I will never love her. " Malungkot na sambit ni Kyla.

Hindi alam ni Leanne ang gagawin niya, kung maaawa ba siya kay Kyla o magagalit. " Kelan mo nakita si Dane noon? " Tanong niya.

" I saw him at the mall. Galing sila sa isang shop, kasama niya ang kaibigan niyang lalake nun. That was the time I knew that I already fallen in love with him. " Napangiti siya ng pilit, at tinignan si Leanne.

" Leanne, hanggang ngayon .. ikaw parin ang mahal niya. Hanggang ngayon .. ikaw parin ang laman nang puso at isip niya.

Ginawa ko na ata ang lahat nang pwedeng gawin basta makalimutan ka lang niya, pero wala talaga eh. Pangalan mo parin ang nakaukit sa puso at isip niya.

Mahal na mahal ko siya, Leanne. Pero kasi sa ginagawa niya, parang hindi ko na ata kaya. Parang magiging useless lang ang lahat kapag kinasal kaming dalawa, hindi naman niya ako mahal eh. So, ano pang dahilan para ituloy ang kasal?

But I can't leave him, because I love him so much that even though it really hurts .. I'm still willing to understand him. Ganun naman diba kapag mahal mo? Iintindihin mo hangga't kaya mo kasi mahal mo.

Kaya Leanne, please nakikiusap ako sayo. Don't take him away from me. He's my life, my only life. I can't imagine myself without him. " Umiiyak na sambit ni Kyla.

Naiinis at naaawa siya para kay Kyla. Naiinis, kasi bakit ba siya nagmamakaawa? Eh wala naman siyang balak agawin si Dane sa kanya. Naaawa, kasi bilang babae .. ramdam niya yung sakit na nararamdaman ni Kyla.

" You know what? Wag kang magmakaawa sakin na wag kong agawin sayo si Dane. Wanna know why? ... kasi wala naman akong balak na agawin siya sayo. To be honest, sa kanya ka magmakaawa. Bakit? Kasi siya yung kusang lumalapit sakin. "

Pagkatapos niyang sabihin ang mga yun ay iniwan na niya si Kyla sa park.

-

Author's Note:

Ayun! Alam na natin past ni Kyla 😁

Ang short na nga ng update ko, ang lame pa 😭 Sorry tlaga! Sunod-sunod na araw kasi akong pagod eh. 😩 Bawi ako, I PROMISE!

What can you say about this update? 👍 or 👎 ?

Lablab ❤

The Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon