✰Celebrity Chapter#32✰

8.5K 265 4
                                    

✰Celebrity Chapter#32✰

 

" The Dancing Prince and the Dancing Princess "

<Allieyah Park 's POV>

Nakakabaliw pala pag nasanay ka na maraming ginagawa. Gaya ngayon hindi na ako sanay mag pahinga gusto ko na langing nasa trabaho para naman makagala. Si Aia sa pagkakaalam ko nasa galaan ngayon ewan ko lang kung sinong kasama si Chien at Mhyleen kasi nasa kwarto lang nila.

*ding dong*

Kakadingdong nito -_-

"Wala dito si Marian" dinig kong sigae ni Chien kaya naman napatawa ako.

Lumabas na rin ako sa kwarto ko para malaman kung sinong tao ang nang istorbo samin. Paglabas ko sakto namang lumabas si Mhyleen habang si Chien pababa na ng hagdan.

 

"Narinig mo sinigaw ni Chien" Natatawang sabi ni Mhyleen at nagnof naman ako.

Sabay kaming bumaba at biruin mo nga naman hindi inaasahang bisita bakit kaya nandito tong mga taong impaktitong mga to sa bahay namin. Wala naman silang atraso samin esti kami sa kanila.

"Oh bat kayo napadpad dito sa bahay namin ha?  Alam nyo bang issue kakalabasan nito -_- " bungad sa kanila ni Mhyleen

"Easy girls wait muna natin sila Aia at Kyle nag date daw yung dalawang yun eh" sabi ni manager K

Sabi na nga ba may date yun eh kilalang kilala ko na si Aia once na yun nagdress may date yun panigurado. Gaya kanina nakadress sya nung nakita ko syang pumasok sa isang kotse.

Si Darryl, Prince at Lance the feelingero ay nandito kasama si manager K at manager L ewan ko nga kung bakit ee basta sabi pagdating na lang nila Aia at Kyle saka sasabihin yung dalawang yun masyadong pa VIP. Tsk naman tagal.


"Allieyah babe " hulaga -_- Abah sino pa ba ang tatawag sakin ng ganyan kasagwa

"Pwede ba Lance tigil tigilan mo ako sa kakababe mo hindi mo ako babae tandaan mo yan "

"Whooaaa si Allieyah dear nagtataray nanaman " pang aasar ni manager K tiningnan ko naman sya ng matalim na parang nakakamatay pero sana nakamamatay talaga *de joke*  kaya  ayun napatahimik

"Wag assuming Allieyah kaya kita tinawag na babe kasi mataba ka " sabi nya

Okay napatameme ako dun ah nag assume na ba ako?  bakit parang nasasaktan ako ngayon? Lels may mali sa pakiramdam ko never ko pa tong nararamdaman naman baka kailangab ko na magpacheck up!  Oo tama,  bukas na bukas magpapacheck up ako.

Maya maya pa ay dumating na ang dalawa naming hinihintay grabe lang ah halos mamatay na kami dito kakahintay sa kanila.

"Wow may balak pa pala kayong siputin kami " iritadong sabi ni Chien

"Pasensya naman ah baka importante din tong nilakad namin " inis ding sabi ni Aia

"Tama na yan makinig na lang kayo sa sasabihin ni Luke "

"Mas importante tong sasabihin namin ni Keiko kaya dapat makinig kayo "

"Ayaw pang sabihin ee dami pang satsat " sabat pa ni Mhyleen

Okay sila na esti kami ng mga babae ang may mainit na ulo gayon eh anong magagawa ko meron ako ngayon ewan ko lang sa mga to.

"This is all about your career guys,  tomorrow may pupuntahan tayo tinawagan kasi ako ng wish ko lang!  Merong nagsulat daw na gustong gusto kayo makita certified fan daw sya lalo na ng Mhyryl love team " mahabang paluwanag ni manger L

✰ Elite Celebrity✰     ✰  ✰Complete✰ ✰Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon