✰Celebrity Chapter#51✰

6.2K 226 3
                                    

✰Celebrity Chapter#51✰

" Her decision "

<Allieyah Park's POV>

Ang sakit ng ulo ko bakit ganito? Tiningnan ko ang kamay ko nakitankong may dextrose nasa hospital ata ako nung dinilat ko na ng maayos ang mata ko.

" Oh God! Allieyah your awake " agad na sabi ni Aia at tinawag nya ang doctor at nung nacheck up na ko sabi magpahinga na lang daw ako.

" Anong nangyari? bakit ako nandito? at nasan si Chien at Mhyleen?  " tanong ko sa kanya

" Easy isa isa lang! anong nangyari? ewan hindi ko rin alam, nasan si Mhyleen at Chien? Nasa labas bumili ng breakfast,  bakit ka nandito? kasi sabi ng doctor dahil sa pagod, stress at shock kaya ka nahimatay! Nakita ka kasi naming walang malay sa banyo "

Oo nga pala sa sobrang sakit nung naramdaman ko sa nalaman ko kaya ako nahimatay napaka sensitive talaga ng katawan ko nakakainis naman!

" Mamaya maya makakalabas ka na hintayin lang natin sila Mhyleen " pagsabi nya nun biglang bumukas ang pinto at niluwa sila Mhyleen

" oh my Thank God! " sabi ni Chien at tumakbo papunta sakin " Okay ka na ba? Kumusta pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Yung ulo mo kumusta? Di ka naman nagka amnesia di ba? Naaalala mo pa naman ako di ba? di ba? di ba? "

Natawa na lang ako sa sunod sunod na tanong ni Chien tapos binatukan naman sya ni Aia kaya napapout na lang ang cute talaga ng batang to haha kahit sya pinakabata mag isip sami sya pa rin ang pinaka cute samin.

" Gaga ka talaga dami mong tanong " sita sa kanya ni Aia

" Sorry " sabi ni Chien at nagpout saka naman kami tumawa " Anong nakakatawa? "

" Mukha mo hahahaha joke lang! So Allieyah musta na pakiramdam mo? " sabat naman ni Mhyleen

" Ang sama nito " -Chien

" Manahimik ka na kasi Chien haha ayos na ko, anyway highway uuwi ako mamaya sa bahay namin " sabi ko sa kanila at nashock naman sila

" Di ba~ " sabi ni Aia at nakuha naman agad namin ang point nya

" Maninigurado lang ako mamaya saglit lang yun " sabi ko at nag nod sila

Nagkwentuhan lang kami at nagtawanan after one hour nag prepare na kami para sa pag alis ko sa hospital na to sabi ni Mhyleen may date daw ang HBB at TCLG nung nalaman ko umoo ako kaso sana pala di na lang.

Pagdating namin sa Starbucks napatingin kami sa isang babae na katabi ni Lance, si Daniella.

✰ Elite Celebrity✰     ✰  ✰Complete✰ ✰Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon