✰Celebrity Chapter#53✰

7.1K 249 25
                                    

✰Celebrity Chapter#53✰

" My Princess "

<Chien Hoon's POV>

Naku naku naku naman nakakailang naman oooh~ dito kasi sila matutulog sa bahay para daw less hassle ano ba naman yan eeh! pagkatapos ng pangyayari kahapon parang nahihiya ako.

[Flashback]

Naglalakad lakad ako sa may garden naghihintay kay Prince sabi nya kasi magkita na pang daw kaming dalawa dito kasi may pupuntahan lang daw sya eh kanina pa sya wala nag aalala na ako.

Mabuti pang puntahan ko na lang kesa naman mamatay ako sa lamig kakahintay dito sa kanya, kalat na sa campus na nanliligaw sakin si Prince kaso lahat sila tikom ang bibig alam kasi nila na bawal ipagkalat dahil kahit na hindi sila magpakilala nakikilala pa rin sila.

Habang naglalakad lakad ako halos lahat sila nakatingin sakin, anong meron? ganun na pala ako kaganda hahahaha langya nahahawa na ako sa kayabangan ni Prince naku naman oh.

" Chien " tawag sakin ng isang model

Pano ko nalaman na model sya? simple lang dahil sa uniform nya! ang mga uniform dito ay nakadipende sa trabaho mo kung all in one ka mas maganda ang uniform

" Bakit? "

" Hinahanap mo ba si Prince? "

Nakakahiya naman kung sasabihin ko ang totoo, mabuti pa sabihin ko na lang na hindi

" Hindi bakit? "

" Ah nakita ko kasi sya sa white room may kausap "

" Ah ganun ba? thanks sa info kaso di ko sya hinahanap! I need to go marami pa akong aasikasuhin "

" Okay "

Nasa white room? ano namang ginagawa nya dun? Nakakainis ah! talaga bang may kausap sya? Nung makarating ako sa white room agad kong binuksan ang pinto at nakita ko syang may nakakapit sa braso nya at dahil maingay pala ang pinto ng white room eh napatingin sila sakin at nagulat.

Para akong nabato sa una pero nung nakita kong palapit sya tumalikod na ako pero walangya lang hirap mag madali ng lakad lalo na pag nakaheels sya.

" Chien " tawag nya at saka hinawakan ang kamay ko

" Alis na ako " sabi nung babae at naglakad

" Thanks "sabi pa ni Prince

Di ko alam sasabihin o gagawin ko parang feeling ko ang sakit sakit! feeling ko di ko kaya! Shems naman ano ba kasi tong nararamdaman ko? Ganito ba talaga pag inlove? Nakakaramdam ng ganito?

✰ Elite Celebrity✰     ✰  ✰Complete✰ ✰Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon