Chapter 1- Strawberry

971 26 3
                                    

Ella Gomez-Santos' Point of View

Fresh from states, dumiretso ako dito sa hospital dahil ang kapatid kong demanding nasa operating room na daw at nagla-labor. Akala mo naman talaga unang beses manganak!

"Kayo po ba yung sister ni Mrs. Elle Hernandez?" Tanong sakin nung nurse

"Yes, busy ba siya sa operating room?" Pagbibiro ko

"Special request niya daw po kayo sa loob, kailangan niyo daw po siya videohan for the very last time." Para akong naaning sa 'for the very first time' nung nurse, feeling ko naririnig ko si Elle.

Wala akong nagawa at pumunta na sa operating room pero bago ako makapasok, pinaghugas muna nila ako ng kamay at pinasuotan muna nila ako ng gown tsaka gloves.

Para kaming nanonood ng liveshow sa pagire ni Elle. Oo, KAMI. Lahat ng barkada niya andito, pati si Ice syempre si Ircy wala dahil nasa Singapore, nagpapalaki ng tiyan. Tsk tsk!

"Ire pa po Mrs. Hernandez! Konti nalang!" Sigaw nung doctora

"Ire pa, Vanilla! Umire ka lang ng umire dahil babae na yung doctor mo, sa wakas!" Nakangiting sabi ni Ethan habang si Elle naman gustong gusto na siya batukan

"EH KUNG IKAW KAYA UMIRE DITO?!"

"Hehehe! Love you." Hinalikan niya yung noo ni Elle

"Mrs. Hernandez, wag po kayong titigil. Inhale... Exhale...Inhale... Exhale... Ire!" Sigaw ulit nung doctor

Halatang hirap na hirap si Elle ngayon, hindi tulad dati. Matanda narin kasi siya para manganak pa, pwede na ngang tawaging menopausal baby itong si Snow.

"Ayan na! Ayan na, Mrs. Hernandez! Nakikita ko na yung ulo ng baby! Sige pa, ire pa!"

Andito ako sa may bukana niya at halos maiyak ako nang makita ko yung ulo ng baby. Pangatlong beses ko ng role 'tong magvideo sa panganganak niya pero parang hindi parin ako nasasanay. Siguro kasi nakikita ko kung gano naghihirap si Elle na ilabas yung magiging pamangkin ko.

No sweat kasi ako nung ipanganak ko yung 3 kong lalaki dahil caesarean ako. Ganun daw pag maganda, de joke lang!

"It's a girl!" Anunsyo nung doctora pagkalabas nung baby

Pinalo niya ng ilang beses si Snow sa puwit pero ang tagal umiyak, nakailang palo na siya pero wala parin. Nagkumpulan na kami sa doctora, si Ethan naman naiwan kay Elle na hawak hawak ang kamay.

"Baby Snow, it's not bad for you to cry." Bulong ni Ice

Pagkapalo ulit nung doctora....

"UWAAAAAAAAAH! UWAAAAAAAAAH!"

Nakahinga kami ng malalim at natawa. Ano ba namang bata to, bakit ayaw umiyak? Kailangan pang pagsabihan bago gawin.

Pagkatapos linisan ni Snow itinabi siya kay Elle na pagod na pagod, mangiyak ngiyak naman si Ethan na tinitignan yung anak at asawa niya.

"Thank you, Vanilla." Hinalikan niya sa noo ang asawa

"Thank you ka diyan, last na 'to. Sa susunod, ikaw na ang pahihigain ko rito." Joke ba yun ng kapatid ko?

Pinagmasdan ko yung mukha ni Snow at napagtanto ko na kamukhang kamukha niya si Elle. Kamukhang kamukha. Mukhang anghel. Ganyang ganyan din yung mukha ni Elle nung ipinanganak siya. Para silang phinotocopy.

Tandang tanda ko, kung ano yung mukha ni Elle dati, ganun din ang mukha ni Snow ngayon. Magkaparehong magkapareho.

After 17 years.....

Let Me BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon