Rainheart Zace Hernandez's Point of View
Andito kami ngayon nila Ate Snow sa bahay nila Lolita para magpaayos para sa acquaintance party mamaya or more like ako lang ang nagpapaayos at naglalaro lang sila Axzel at Ate Snow ng Mobile Legends.
"Snow, aren't you going to attend the party?" Tanong ni Lolita
By the way, Lolita si Lola Elle. Mother ni Daddy Ice. Gets na? Pangit daw kasi kapag Lola eh hindi naman daw siya mukhang lola which is right naman.
"Lolita, pupunta yan!" Ako na sumagot baka mamaya magbago pa isip eh
"Eh bat di ka pa naliligo, anak?"
"Mamaya na, my." Nakasimangot niyang sagot. Umiling iling nalang si Lolita
Probably hindi na siya magpapaayos at kung ano ang on the go get up niya, ayun nalang din ang itsura niya mamaya sa acquaintance party.
Sanay naman na ang tao sa school na makita siyang unprepared but she's the most popular girl ngayon... ayun nga lang, di dahil sa ganda kundi dahil sa binubully siya.
Hayy, hindi ko alam kung bakit kung kailan graduating na siya tsaka niya naencounter ang ganitong kamalasan. Siguro biglang may tumubong balat sa pwet niya.
"VICTORY!" Rinig ko galing sa phone nila ni Axzel, sabay pa eh.
"Alright, maliligo na ko. Ikaw, ate?" Tanong ni Axzel
"Isa pa! Isang star nalang magra-rank na ko eh!" Angal ni Ate Snow
"Magso-sound check pa kami ni CCL, kailangan ko na magprepare." Natatawang sabi ni Axzel
"Sige na. Chupi ka na." Umirap nalang si Ate Snow.
Tinignan ko yung sarili ko sa salamin. The best talaga magayos si Lolita, parang napapaganda niya lahat. Syempre alam ko namang maganda na ako, dugong Hernandez yata 'to pero lalo niya pa ko napaganda.
"Yieee! Pang muse ata 'to, Lolita eh. President po ako hindi muse." Natatawang sabi ko
"Ayaw mo yun? 2 in 1, president na nga muse pa oh diba kabog!"
"Sus, nagbolahan pa ang mag-lola." Bulong ni Ate Snow na dumaan sa likod namin at humiga sa kama niya
"Inggit ka lang kasi hindi ka maganda." Pagbibiro ko sabay belat
"Edi parang sinabi mo na rin na hindi maganda si mommy." Natatawang sabi niya
"Photocopied!" Sabay nilang sabi ni Tita kaya napairap nalang ako sabay tawa.
I know! Maganda talaga si Ate Snow kahit walang ayos at makeup maganda talaga siya kasi nga kamukhang kamukha niya si Lolita na maganda nga talaga. Minsan iniisip ko kaya siguro confident din 'tong si Ate Snow na hindi mag ayos kasi alam niyang maganda na siya.
Maganda na pa-cool. Hahaha!
Izaak Austin Vienna's Point of View
"Bro, anong balak mo mamaya dun sa biktima mo?" Tanong ni Vince
"Biktima ka diyan, ako ang biktima!" Singhal ko
BINABASA MO ANG
Let Me Be
RomanceLet Me Series #3 Snow Brianna Hernandez, isang malaking NERD na nagaaral sa kilalang school dahil sa maganda nitong pagtuturo pero maraming hindi nakakaalam kung ano ba ang mayroon sa eskwelahan na iyon. Kung sino sino ang mga nagaaral at kung sin...