Chapter 11 - Breaking the Skull

233 7 1
                                    

Kim Gabriel Hipolito's Point of View

Dinala kami nila Axzel, Rainheart at Snow sa isang malaki at magandang bahay pero hindi na kami pinapasok ni Snow sa loob kundi pinapunta niya kami sa may bakuran sa likod.


Iika ikang inalalayan ni Matt si Vince habang naglalakad, isang suntok lang mukhang napuruhan na siya, mukhang malakas talaga ang pagkakatama.


"Hintayin niyo ko dito." Utos ni Snow


Nung makaalis siya, nagkatinginan kaming apat.


"Kaninong bahay to?" Tanong ni Matt

"Kila Rainheart myloves siguro?" Palinga linga kong sagot

"Malamang, alangan namang kay Snow." Natatawang sabi ni Vince, parang may pinaparating

"Bro." Banta ko sa kaniya

"What?" Tumawa siya pero pinunasan yung dugo sa may noo niya, "Mahirap siya diba? Tulad nung mga taga Zeal na yun. Bakit pa kayo magtataka kung sa kaniya 'to? Syempre alis na siya sa listahan."

"Magpasalamat tayo at dumating siya." Sagot ni Matt

"Dumating nga siya pero hindi man lang niya naisip na dalhin ako sa hospital!" Galit na sabi ni Vince

"Dahil kasalanan mo yan." Nagulat kami nang biglang dumating si Snow

"Pano ko naging kasalanan eh sila ang sumugod?" Napailing ako sa sinabi ni Vince


Sa aming apat, si Vince talaga ang pinaka may problema sa ugali. May pagka-mayabang at arrogante. Si Izaak, nagmamayabang lang yun pero kung tutuusin siya ang pinaka malambot ang puso.


"Naisip mo ba kung bakit sila sumugod? Malamang diba dahil sa kayabangan mo." Inis na sagot sa kaniya ni Snow

"Eh bakit ka ba nangingielam!" Sigaw ni Vince

"Eh bakit ba dinamay mo pa sila Rainheart sa kagaguhan mo! Eh kung wala naman sila dun, anong pakielam ko kung mapuruhan ka!" Sigaw din ni Snow sa kaniya

"Ganyan naman kayong mahihirap, kapag naaagrabyado puro away lang ang alam. Kaya kinakampihan mo sila kasi kauri mo yung mga yun." Natatawa pero inis na sabi ni Vince, "Magsama sama kayong mahihirap!"

"Vince! Tumigil ka na!" Awat ni Izaak, "May utang na loob tayo sa kaniya. Kung hindi siya dumating, pare-parehas nating hindi alam kung nasaan na tayo ngayon."

"At aminin man natin o hindi, alam natin na hindi natin sila kaya." Sabat ni Matt

"What do you want me to do?" Tanong ni Vince

"Ano pa bang kailangan mong gawin?" Pabalang na sagot ni Snow

"Just lower your pride, bro. Tayo din naman ang may kasalanan. Hindi pwede madamay ang buong school nang dahil lang sa kagagawan natin. Let's just say sorry to them." Sabi ko

"At ayusin mo, patay nanaman ako sa angkan ko." Singit pa ni Izaak

"Hell no!" Sagot ni Vince, "Pera lang ang katapat nang mga iyon."

"Hindi lahat ng pera mo ay matatapatan ang pagkatao ng isang tao. Hindi mo man lang ba naisip na yung batang pinuruhan mo ay may pangarap din katulad mo? May mga magulang at mga kapatid na umaasa sa kaniya. Tapos ginaganun ganun mo lang? Dahil ano? Mahirap siya?" Sabi ni Snow

Let Me BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon