Chapter 14 - Madam Snow

247 6 2
                                    

Snow Brianna Hernandez's Point of View

"Ewww, bakit andito nanaman siya? I thought she's dropped out already." Ang dami nanamang nagbubulungan

"Wala talagang pinag bago, she's jologs padin!"

"Hindi na nahiya, talagang pumasok pa uli."


Kakabalik ko lang, ang sasama na agad ng mga tingin nila sakin. Bahala sila sa buhay nila, basta ako, back to normal na. Enjoy na enjoy akong naglalakad papuntang classroom habang kumakain ng strawberry yogurt ko nang may biglang sumabay sakin sa paglalakad pagkatingin ko, halos mapahinto ako.


"James?" Nagtataka, nagugulat at kinikilig kong tanong, sabay talaga yang tatlo!

"Hi!" Magiliw niyang bati, "okay ka na ba? I heard that you only have been discharged yesterday?"

"A-ah, oo, okay na ako." Tsk! Bakit ka nauutal, Snow! Pakiramdam ko pa parang lalagnatin ako sa kilig, "kaya ko naman na pumasok, madami na din akong namiss na lectures."

"Ako na magdadala ng bag mo, baka mabinat ka." Aalma palang ako pero hinablot niya na agad sakin yung bag ko at isinukbit yun sa balikat niya. Sobrang gwapo at gentleman naman nito! Kung ganito araw araw edi sana palaging maganda yung araw ko.

"Kahit hindi na sana, okay lang naman, magaan lang naman yan." Nahihiya kong sabi pero okay lang kahit araw araw pa sabi ko sa loob ko

"I insist, gusto ko din sana na araw araw kitang ihahatid sa room mo... Kung okay lang sayo."

"Ha?"

"Ganitong oras ka ba laging dumadating? 7am?"

"Ha? Bakit?" Napalunok ako at kaunting tumingkayad hanggang maabot ko yung tenga niya tsaka bumulong, "Nanliligaw ka na ba?"

Natawa siya sa sinabi ko, "Not yet."


Napanguso ako, gusto kong umalma pero nakakawala ng angas ko yun. Bahala na nga siya kung kailan niya gusto pero at least, may balak!


Lalong dumami yung nakatingin at nagbubulung-bulungan dahil kasabay ko si James maglakad at paniguradong nakita din nila na kinuha niya yung bag ko. Ngayon ko lang sasabihin 'to, sana lamunin ako ng lupa sa hiya. Feel ko hindi ako karapatdapat maglakad kasabay niya.


"Dito na pala classroom mo." Nakangiti niyang sabi habang inaabot yung bag ko

"Oo nga eh," dismayado kong sagot, "Ingat ka ha, salamat sa paghatid at sa bag ko." Ngumiti na ako

"No worries!" Tumalikod na siya at itinaas yung kamay bilang pagpapaalam.


Ramdam na ramdam ko Yung pag-init ng mukha ko, pulang pula siguro ako! Bakit naman kasi ganun? Kahit likod niya ang gwapo gwapo, walang kupas!


"Tsk! Kilig na kilig?" May epal na kumocomment sa gilid ko

"Tss."

"Hindi excuse yung galing kang hospital para malate ka." Sabi ni Izaak, tinignan ko naman agad yung relos ko, hindi pa naman ako late ah?!


Hindi ko nalang siya pinansin at tumuloy na sa may upuan ako. Napatagilid yung ulo ko nang mapansin kong kakaiba yung upuan at lamesa ko sa iba. Tinignan ko yung Skull na ang lalaki ng ngiti sakin

Let Me BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon