Chapter 12 - Not Yet

292 7 1
                                    

Izaak Austin Vienna's Point of View

"Tama bang hinayaan lang natin si Snow dun?" Nagaalala na sabi ni Matt

"Kaya niya na yun! At least, bayad na tayo and besides, it's like hitting two birds with 1 stone." Sabi ni Vince

"I really don't think that it is a good idea, bro. I mean, tinulungan niya tayo. Don't you think that we're too harsh on her?" Sabi naman ni Kim


Sinulyapan ko yung Skull namin na nakapatong sa table dito sa tambayan namin. I really can't give up our Skull for her. Hindi siya karapatdapat.


"Kinakabahan ako." Mahina kong sabi, "She's not just a nobody, bro."

"Madali lang yun, mahirap naman siya. Scholar lang. Hindi nagbabayad. Kaya kung umalis man, hindi kawalan." Sabi ni Matt, mukhang di nila narinig yung huli kong sinabi


She isn't. She's a Hernandez. Gusto ko sabihin. Pero, hindi ba sobra sobra na?


Ano na kayang nangyari dun?!


Elle Gomez-Hernandez's Point of View

"WHAT?!" Sigaw ko sa set


Sigaw ko talaga! Anong nangyari sa bunso ko?!


Dali dali akong umalis sa trabaho papuntang hospital. Tinawagan ko ang magkapatid tsaka si Ethan na pumuntang hospital. Naiiyak ako, ano nanaman kayang pinag gagawa ng batang yun!


Nakakapanibago rin na papunta akong hospital dahil kay Snow dahil madalas, siya ang nagpapapunta ng pasyente sa hospital.


"Where's Snow Hernandez?" Tanong ko sa nurse sa emergency room

"Wala po kaming patient na Snow Hernandez, ma'am. But we have Snow Gomez."

"Where is she?" Nanginginig ako

"Nasa ward 3 po, ma'am."


Naabutan ko si Snow na nakahiga sa hospital bed, may mga sugat sa braso at binti. Butas pa yung uniform niya sa mga braso, may gasgas sa kanang bahagi ng mukha at may benda sa ulo.


"Ay, hello po. Kayo po ba yung mother ni Snow?" Tanong sakin ng dalagang nakaupo sa tabi niya, tumango ako at pilit na ngumiti

"Iha, anong nangyari kay Snow?" Mahinahon kong tanong ko, pinipigilan na mangatog ang boses

"Lolita, si Ate Snow?!" Hinihingal na sabi ni Rainheart

"Lolita!" Sigaw ni Axzel nang makita niya ako

"What happened to her? Ano bang nangyayari sa school niyo?" Tanong ko, "Iha, paki-tawag ang doctor." Pakiusap ko sa kaibigan niya

"Vanilla! Asan si Snow?" Sigaw ni Ethan

"Kayo po ba ang parents ng patient?" Sabi nung doctor

"Yes doc, we are." Sagot ng asawa ko at hinawakan yung kamay ko

"I'm Dr. Jayson. I'm the one who checked your daughter. Dahil sa malakas na pagkakabagsak, nagkaroon siya ng mga bali sa kamay at paa niya. Tumama rin ang kanang bahagi ng ulo niya kaya nawalan siya ng malay. But don't worry, she's safe. Wala namang hemorrhage na natamo ang kaniyang ulo dahil sa pagkakabagsak. She just needs some rest to recover from her injuries but it might take 3-5 weeks to be fully recovered."

Let Me BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon