Chapter 13 - Bantay

171 5 0
                                    

Snow Brianna Hernandez's Point of View

"You have been slain!" Rinig ko mula sa nilalaro ni Axzel. Siya ang bantay ko ngayon hangga't nasa canteen ang parents ko at hangga't di pa daw dumadating yung bantay ko. Sana nga talaga 'wag na silang dumating!


Tuwing naalala ko yung nangyari sakin, umiinit talaga yung dugo ko eh. Iwanan daw ba ako nung mga lalaking yun? Ang yayabang wala naman palang kwenta!


"BWAHAHAHAHA! Epic comeback, beybeh!" Sigaw ni Axzel, tuwang tuwa mukhang nakakuha nanaman ng star

"Ano, ate? Naiinggit ka? Laro na tayo, kayang kaya mo naman eh." Pagyaya niya sakin pagkatapos ng laro, sinamaan ko siya ng tingin.

"Nakita mong naka-benda 'tong kamay at paa ko eh." Umirap ako, "Sino gamit mo? Malakas daw yung bagong hero ah?"

"Tch! Bakit naman kasi andun ka? Dapat hinayaan mo nalang yung Skull na yun na ayusin yung problema nila, nakisali kapa." Pagalit niya sakin

"Malay ko bang iiwanan ako ng mga ugok na yun. Nakakagigil talaga! Gusto ko silang ipalit sa kinahihigaan ko!" Inis kong sabi

"Maiba ako, kamusta kayo ni James? Andito daw siya kagabi ah?" Nangaasar siyang tumawa, "Tita, kabanda ko yun baka naman biglang maging Tito ang tawag ko sa kanya ah?"

"Can't you just be happy for me bwiset ka!" Namumula kong sabi


Sabi niya kasi kagabi, not yet daw. Eh kelan pa? Hehehe!


May kumatok sa pintuan kaya bigla kaming natigil ni Axzel sa paguusap at napatingin doon. Sila Mommy at Daddy pala.


"Kamusta kana, anak?" Tanong ni Daddy

"Okay lang, Dy. Malakas padin. Pwede ko nang ipalit yung mga yun dito." Nakanguso kong sagot

"Wag kang mag-alala, anak! Paniguradong maghihirap yung mga yun sayo. Pahirapan mo hangga't sa magsisi!" Nakanguso din na sabi ni Mommy

"Oh oh, magkamukha nanaman kayong mag-ina. Hahaha!" Natatawang sabi ni Axzel kaya nagkatinginan kami ni Mommy tsaka natawa na din.


Minsan hindi ako naniniwala kapag may nagsasabing kamukha ko si Mommy kasi sobrang ganda niya pero dahil sa taglay kong kayabangan, alam ko din naman sa sarili ko na kamukha ko nga talaga siya.


"Paano pala kung sila ang magbabantay sakin? HIndi na kayo pupunta dito?" Tanong ko

"Pwede ba yun? Sila lang ang magiging katulong mo pero andito padin kami." Nakangiting sagot ni Mommy

"Tsk, tsk, kawawa naman yung matatapat kay Ate tsaka kay Lolita." Singit nanaman ni Axzel

"Alam mo na kung gaano ako nahihirapan sa kanilang dalawa?" Pagbibiro si Daddy

"Nahihirapan ka na?" Mataray na tanong ni Mommy sa kanya

"Syempre hindi! Hehe! Joke lang yun, Vanilla. Mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin kaya kahit gaano pa kahirap, napapalitan yun ng sobrang pagmamahal na binibigay niyo sakin." Sabay nakaw ng halik kay Mommy


Hays, napaiwas nalang kami ni Axzel ng tingin. Wala talagang kasawa-sawa sa pagiging cheesy 'tong mga magulang ko.


"Lolito, Lolita, Ate Snow, papasok muna ako. Babalik din ako mamaya, kasama si Rain." Pagpapaalam ni Axzel

Let Me BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon