Snow Brianna G. Hernandez's Point of View
"SIRA BA ULO MO?" Sigaw ko sa unggoy nato ngayong nasa kwarto ako ng Skull
Nasa likod ko si Charlene, nasa likod naman niya yung 4 niyang kaibigan. Aba, di ata tama 'to.
"Ikaw? Sira ba ulo mo? Sino nagsabi sayong papuntahin mo magulang ko dito?" Balik niyang tanong
"Do you think I'll make your apology that easy despite of all the things you and your school have done to me?" Galit kong sabi
"Kasalanan mo. Ksasabi mo lang, school ko 'to." Yabang niya
"Kasalanan mo rin, tanga ka maglakad."
"Hindi ako tanga!"
"Eh ano ka? Inenglish kita tapos tagalong isasagot mo?"
"Nasa Pilipinas tayo!"
"Oo pero mayaman ka, diba may ari ka ng school? International school pa nga eh. Bat di ka sumagot ng English?"
"I can speak in English!" Ayun, nabwiset na siya sa panlalait ko. Ano pa kayang pwedeng panlalait?
"Okay."
Naiinis talaga ako, sino ba siya para iannounce na sakanya ako? Tao ako, hindi bagay para magkaroon ng may nagmamayari sakin.
"Bawiin mo yung sinabi mo kanina." Matigas na utos ko
"Pano kung ayaw ko?" Nakapamulsa siyang nakatayo at ngumiti ng nakakaloko
"Sino ka para may magari sakin?!" Inis kong tanong
"Sino ka para kwestyunin ako? Pinagaaral ka lang naman naming dito. Hahaha! So I can do whatever I want."
"Tss. Kayang kaya ko bayaran yung tuition fee ko mula unang taon hanggang ngayon ng isang bagsakan kung gugustuhin ko." Bulong ko
Kim Gabriel Hipolito's Point of View
Kanina pa nagaaway yung dalawa dito sa kwarto namin. Hindi kami sanay na apat na may babae dito. Unang una si Snow at yung kasama niya na makapasok ditto maliban samin.
Di naman kasi naming alam na ganun ang iaannounce ni Zak. Kaya pala pangiti ngiti ang loko kanina at resbakan nalang daw namin siya.
"Mukhang galit na galit si Snow." Bulong ni Matt
"Sino ba namang hindi? Kaaway mo tapos sasabihin sakanya ka na? Ayos diba? Haha!" Bulong naman ni Vince
"Maya maya niyan magsasapakan na yan. Pustahan kung sinong mauuna. Isang libo." Natatawang sabi ko
"Zak!" Pusta ni Vince
"Si Izaak, syempre." Pusta ni Matt
"Ako, si Snow ang pusta ko." Sabi ko
Mas malakas kutob ko na si Snow ang unang mananapak, siya ang agrabyado eh. HAHAHAHA!
"I already brought many recognition to YOUR school! Wag mong isumbat sakin yan, pinakikinabangan din ako ng school MO. Hindi ako katulad MO na, may-ari neto pero WALANG PAKINABANG! Kaya siguro takot na takot ka sa magulang mo kasi nagiisa kang lalaki, ikaw pa yung failure." Sabi ni Snow na may pagdiin sa ibang words
BINABASA MO ANG
Let Me Be
RomansLet Me Series #3 Snow Brianna Hernandez, isang malaking NERD na nagaaral sa kilalang school dahil sa maganda nitong pagtuturo pero maraming hindi nakakaalam kung ano ba ang mayroon sa eskwelahan na iyon. Kung sino sino ang mga nagaaral at kung sin...