Chapter 6 - Public Apology

240 13 2
                                    

Izaak Austin Vienna's Point of View

Tsk, Monday na. Parang ayaw ko pumasok. Kailangan ko na kasi gawin yung public apology na kapalit na hiningi nung Snow na yun.


Pero bakit ko nga ba siya susundin? Sino ba siya? Pwede namang hindi ko gawin yun.


Pero tinulungan niya ako sa parents ko. Ayun lang naman hinihingi niya, bakit hindi ko pa gawin?


Aish! Bahala na nga mamaya!


Gwapong gwapo ako na nagready para pumasok. Syempre kung magpu-public apology ako kailangan gwapo parin ako. Palagi naman pala akong gwapo.


Skull calling...

"Anong balak mamaya bro? Itutuloy mo?" Tanong ni Kim

"Wag mo na ituloy, Zak. Baka makarating pa sa Lolo mo." Paalala ni Matt na bigla ko ngang maalala, mayayare ako kung sakali

"Pero bro, isipin mo nalang na makakapag handle ka na ng business niyo in no time dahil kay Snow. Partida, hindi man lang siya nasinghalan ni Tita. Gustong gusto pa siya." Paalala rin ni Vince

"WAG NGA KAYO MAGULO! AKO NA BAHALA! KUNG AKONG TRIP KO MAMAYA, AYUN NALANG!" Inis kong sabi

"Basta kami, labas kami dyan ah. Sa room lang kami makikinig ng announcement mo. BWAHAHAHA" Pangaasar ni Matt

"Announcement mo mukha mo. Paayos ko pa yung stage para makita nila kagwapuhan ko kahit nagpu-public apology ako." Sagot ko

Toot.. toot.. toot.. toot..


Mga sira ulo, binabaan ako.


Kailangan ko yata gumawa ng speech. Yung tipong hindi lang ako ang may kasalanan, dapat siya rin! Yung tiping gwapong nakakaawa parin ako para siya parin ang sisisihin. BWAHAHAHA!


Hindi ako makapaghintay na makita yung naiinis na mukha nung Snow na yun. WAHAHAHA!


Nagmamadali ako para pumasok sa school. Ipapahanda ko ang stage sa quadrangle tsaka ko pupuntahan yung Snow na yun at papaupuin sa harap ng stage. BWAHAHAHA!


Pumunta ako agad sa Studios and Facilities Office sa school pagkarating na pagkarating ko.


"Mr. Vienna, do you need anything?" Tanong sakin nung staff na andun

"Please set up the stage on the quadrangle. Kailangan ko yun bago magsimula ang klase." Utos ko tsaka umalis na


Pumunta muna ako sa cafeteria para bumili ng breakfast. Tsk, hindi pa pala ako nakakakain sa sobrang pagmamadali na pumunta dito.


Agad kong nakita si Snow tsaka yung Axzel na yun sa iisang table. Nung isang araw pa tong dalawang to ah! Pinopormahan ba yung Axzel na yung si Snow? Tsk, walang taste.


"One spaghetti with meatballs. Paki serve nalang sa table ko." Tinuro ko yung table sa likod nila Snow pero yung hindi nila ako makikita kasi may poste na nakapagitna.

Let Me BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon