Chapter 1: Welcome to our World

57 3 0
                                    


Chapter 1
"Welcome to our World"

I

Naalimpungatan si Mira mula sa malalim na pagkakahimbing; nakatagilid siya pakanan at saka pumihit pakaliwa kasama ng tanday nyang unan. Pumikit sya muli at kinapa ang cellphone. Nasilaw sya sa liwanag na hatid ng cellphone. “4:00” alas kwatro pa lamang ayon sa lock screen Nyang orasan. May isang oras pa para matulog sabi nya sa sarili at agad na  nagtalukbong.

Pumihit ang camera mula sa pagkakahimbing ng ating bida, patungo sa bintana kung saan kumislap ang isang napakaliwanag na bituin. Ang pagkinang nito ay naghudyat upang tumungo ang kwentong ito sa kabilang dako; kung saan nagtatago ang kakaibang hiwaga ng mundo.

Maulap at masaya ang paligid. Namumukadkad ang mga bulaklak at tila dito naninirahan at nagtatago ang mga alitaptap tuwing umaga.

Maraming pinto ngunit walang pader, tila mga makakapal na ulap ang nagsisilbing pader sa bawat kwarto.

Pasukin natin ang isang pinto kung saan nakapaskil ang “Cupid Department” Sa pagbukas ng pinto, tumugtog ang piano ng instrumental na love song (Science and Faith by The Script).

Para itong isang malaking opisina kung saan maraming table at computers.

Napalingon ang lahat sa dumating.

“Guys, si Alwin.. ang pinaka-bagong kupido. Kayo na muna ang bahala sakanya.” Sabi ng isang lalaki na nakapormal na puting polo at puting pantalon.

Hindi makagalaw si Alwin, nagmasid lamang sya sa paligid. Nilapitan sya ni Bryan (ang isa sa pinakamatagal na doon, naka shirt ito at shorts na puti)

“Pre, dun ka sa dulo may bakanteng pwesto doon. I’m Bryan” Nilahad nito ang mga palad para makipagkamay.

Napaatras naman si Alwin sa paglapit nito. “Sandali nasaan ako? Ano to?”

Ooopss. (Hindi sya kinamayan nito kaya ipinangtulak nalang nya ng bahagya sa balikat ni Alwin ang kanina ay nakalahad na kamay) “Relax lang!” Tumungo sya sa magiging pwesto ng bagong kupido at sumunod naman sakanya si Alwin.

In-on ni Bryan ang computer at nagopen ng isang database. “Gagawan kita ng access” Cool na cool naman ang pagkakasabi nito. Nginuso nito ang bakanteng upuan sa tabi nya bilang senyas na umupo sya.

Nanatiling nakatayo si Alwin. Inikot ang paningin sa paligid. Lahat ay nakaputi. Parang mga modelo ng sabon panlaba. May matanda, may bata, puro lalaki.

Napansin pa nya ang lalaki sa likod ng inupuan ni Bryan na hume-headbang sa antok habang nagttype na akala mo ay puyat na puyat.

May isang lalaki na lumapit sa gawi nila “Sir Bryan, magfifield lang po ako”.

Niyaya ni Bryan si Alwin para sundan itong nagpaalam sa kanya. “Halika, ipapaliwanag ko sayo.”

Lumabas sila ng pinto at tumungo sa terminal ng eroplano doon at sumasakay ang magilan-ngilan dito. “Pupunta yan sila sa lupa”.

“Cool” Di mapigilan ni Alwin ang mamangha. “Sa mga airport din ba sila bumababa?” Di nya maalis ang tingin sa eroplano.

“May sarili tayong mga nilalandingan, malalaman mo yan pag nagfield ka na” sagot ni Bryan.

“so may chance pa pala na makabalik ako sa lupa?” sabik na tanong nito.

Nangisi naman si Bryan “oo pero ang tanong…” biglang humarap sa kausap “.. Natatandaan mo ba ang pagkatao mo noon?”

Biglang sumakit ang ulo ni Alwin. Wala syang maalala. Kahit ano sa pagkatao nya. May mga pangyayari syang naaalala tulad ng paglalakad nya kung saan, ang tawanan ngunit di nya maaninag ang mga kasama at bigla agad nawawala ang mga pangyayari sa kanyang isip.

Lovelife ManagersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon