Chapter 6: Not Interested

17 1 0
                                    

CHAPTER 6
Not Interested

I

Ugali ni Eman ang tumambay sa loob ng kotse. Kaya kahit nasa tapat na sya ng bahay nila ay dito muna sya tumatambay sa loob.

8:00PM, nakaparada ang kanyang kotse sa labas ng bahay. Nasa loob sya nito, nagssoundtrip ng mga kantahan ng Parokya ni Edgar.

*Bakit ko ba pinabayaan mawala ng di inaasahan* Feel na feel pa nya ang pagkanta habang nagbbrowse ng facebook.

II

(Samantala, nagpop-out naman kay Iya na nasa nearby lang si Eman. Kaya agad itong lumabas para magtapon ng basura. Napansin nya kasing nagsstay muna ito sa labas ng bahay bago pumasok. Kaya siguradong nandun pa ito.)

Sumilip muna sya sa bintana at nakita ang kotse ni Eman sa labas.

Ahuh! May naisip naman sya kaagad.

"Mir, patapon naman ng basura sa kusina... nababahuan kasi ako..." Malambing na utos nito kay Mira.

ay.. ang bossy ha? Naisip naman ni Mira. "Aba sya oh.. Porke sya bumili ng bahay ginawa na kami utusan" Prangka na pabirong sabi nito na tumayo naman din agad.

"Uy hindi grabe ka.. may allergy kasi ako beh kaya nga ang lakas ng dating ng amoy sakin te!" depensa naman nito.

Pagpunta ni Mira sa kusina, medyo napangiwi sya ng nakita ang basurahan na puro balat ng snacks lang naman ang laman. "Tignan mo to, napakaarte" mahinang bulong atsaka dinampot ang basura.

"Paanong babaho to hoy?!" hawak nya ang basura.

Natatawa naman si Iya.. "ihhhh sige na patapon.. salamaaaat!" palambing parin na tono nito.

"Pinagtitripan yata ako neto eh" palabas na sya ngayon ng bahay para itapon ang basura sa labas.


III

Patuloy parin sa pagkanta si Eman ng biglang lumabas si Mira sa bahay nila.

Hindi naman nya masyado naaninag ang mukha dahil madilim, pero ng medyo yumuko ito patalikod sa kanya para magtapon ng basura ay bigla nyang naalala ang eksena na nakita nya sa kabilang kwarto noong nakaraang umaga.

"Woah.. is that her?" mahinang sabi nya habang pilit na inaaninag ang babae.

Bigla naman may dumating na lalaki at yumakap dito sa babae.

"Ooopps, yun siguro yung boyfriend nya"


IV

"Anong ganap mo dito friend?" Biglang umakbay si Hermie sakanya. Galing ito sa laktwatsa.

"inutusan ako magtapon ng basura ni Iya.. Kaloka yang ate mo may saltik talaga!" Roll-eyed na sagot nito.

"Wag ka na mabadtrip may topak talaga yan. May dala akong...PIZZA!!!" Pinaamoy nya ang nasa loob pa ng karton na pizza.

"Ow siyet!" takam na takam na sagot naman ni Mira at hinabol ang karton ng pizza para sa amoy...

Patakbo silang pumasok ng bahay na animo mga batang ngayon lang kakain ng pizza.

Talaga tong si Hermie minsan panira sa eksena e! Sabi ni Iya sa isip nya. Hindi nagtagumpay ang balak nya na magkausap si Eman at Mira sa labas.

Lovelife ManagersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon