Chapter 3
"I'm a Good Person!"I
Dugs dugs dugs dugs! Sabi ng tugtog.
Nasa isang maingay na bar sina Iya, Mira at Hermie. Agad nagkapalagayan ng loob ang mga ito kahit na bagong kilala palang nila si Iya.
"Let's do thiiiiiis!" Sigaw ni Mira dahil malakas ang tugtog.
Nagcheeers ng kanilang mga inumin ang tatlo.
Malikot ang mga makukulay na ilaw. Maganda ang mga pustura nila.
Kung titingin ka sa paligid ay mapapansin mong karamihan ay lasing na.
"Cheers para sa tulad kong maraming jowa!" Sigaw ni Hermie sabay kampay ng baso nya."Cheers para sa tulad kong walang jowa!" Medyo lasing na at itinaas rin ang baso.
Wala naman masabi si Iya. Sya nalang ang kulang. "Cheers para sa tulad kong maganda!" mema lang.
Patuloy sa pag-inom ang mga ito. Tawa ng tawa at halos magkasakitan na rin si Hermie at Mira dahil napapalakas na ang hampas nila sa isa't isa.
Maya-maya pa ay sumasayaw narin sila sa Dance Floor.
Sayaw ng parang mga t*nga.
Dugs! Dugs! Dugs!
Makalipas ang ilang-oras ay lupaypay na si Mira at Hermie. Samantala wala namang tama ang alak kay Iya.
"Oh ano, ang lalakas ng loob nyo magyaya!" Pang-aasar naman ni Iya sa kanila.
II
Ang pagbubuhay milyunaryo ni Alwin.
Sumalampak sya sa kama. Ngayon ay nakatira na sya sa isang bahay.
Tama. Bumili nga sya ng bahay at sasakyan.
May dalawang palapag ito. Bumili rin sya ng mga gamit at hinayaang mag-ayos ang mga binayarang tao."Magsisimula na ko bukas. Promise." Nakatingin sya sa kanyang relo habang nakahiga.
Sinubukan nyang i-locate si Eman. Nasa bahay na ito ayon sa relo.
- - -
III
Patay na ang ilaw ng kwarto. Ang munting liwanag na hatid ng Laptop lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid.
Nagbbrowse ng internet si Emman.
Tulad ng parati nyang ginagawa, ini-istalk nya ang kanyang Great Love.Masakit mang isipin pero may boyfriend na ito. Makikita sa mga litratong tinitignan nya ngayon ang mga mala-Relationship Goals na pictures ng mga ito.
"Hindi naman kayo bagay ang laki ng ilong nyan!" Mahinang boses na panglalait nito.
"Ouch!" napahawak pa sya sa dibdib nya ng sabihin nya ito dahil sa nakitang litrato.
Yung nilalait nyang ilong, hinalikan ng babaeng mahal na mahal nya hanggang ngayon.
IV
BINABASA MO ANG
Lovelife Managers
General FictionHindi sya nakahubad.. Hindi sya baby.. Wala syang pakpak.. At hindi sya nagiisa... Hindi ganun ang tunay na itsura ng KUPIDO. Marami sila... Tulad nating mga tao, Para silang nasa isang malaking opisina... At ang tawag sakanila....... LOVELIFE MANAG...