Chapter 5: The First Time, Their Eyes Met

23 2 1
                                    

CHAPTER 5
The First Time Their Eyes Met

I

Pagod na pagod na sumalampak sa sahig si Mira.

"Nakakapagooood! Nakakalokaaa!" reklamo nito.

Naglipat ng bahay sina Mira, Hermie at Iya. Mas malaki ito. Nakabili ng bahay si Iya kung saan niyaya sila nitong tumira. Pabor na pabor sakanya. Hindi na nya pproblemahin ang upa.

Naisip naman nya na parang hulog ng langit itong si Iya. Sa panahong wala syang trabaho ay dumating ito at parang naging financer pa nya.

"Sa wakas natapos din. Akala ko hindi na tayo matatapos e" sumalampak naman ng padapa si Hermie. Halatang pagod na pagod sila.

Hindi naman nakakaramdam ng pagod si Iya at energetic na energetic parin ito sa pagdidisenyo ng paligid.

Hindi nya pinapakinggan ang reklamo ng dalawa.

This is going to be very exciting!!

Kinikilig pa si Iya sa kanyang mga naiisip. Sinadya nya kasing lumipat dito mismo sa katabing bahay kung saan lumipat si Eman.

Kung paano nya nalaman?
Nang magpost itong si Eman ng status na nagsasabing "Start of Something New" ay nagcomment ang ilan sa mga katrabaho nya at nagsabing "nakalipat ka na?"

Doon naman nya hinagilap ang bagong address nito. Nagtagumpay naman sya dahil nagkataon na wala pang nakatira sa katabing unit nito.

Umakyat si Iya ng kwarto... Tumayo sya sa tapat ng bintana nito at nagpamalas ng magandang ngiti.

"So tapat na tapat pala talaga ng bintana ni Eman..." Tinaas nya ang kamay na parang nag-uunat. "tapos isang umaga, maguunat si Ate girl dito...at nandun naman si Fafa eman!" tila tinatansya nya ang mga pwedeng mangyari.

Bigla syang nagmaktol. "Sana ako nalang si Mira! Type ko kaya si Eman!" Pilyang bulong nito.

***

Dumating na nga ang araw na hinihintay ni Iya.

Isang Umaga. Nagmamadali si Mira. May scheduled interview sya ngayon.

"Nakupo yare!" Biglang bangon nito..

Karipas sa pagligo at pagtoothbrush ang ginawa nito. Nagblower din sya ng buhok. Habang chinarge pa sa saglit ang cellphone.

"Okay, chill may 30 minutes pa ko to prepare" patuloy sya sa pagblower. Narealize nyang matagal pang matutuyo itong buhok nya kung hihintayin nya pa ang blower.

Suot na nya ang white pants. At sinusuot na nya ang 3inches heels nya. Bagay na bagay sa pagka-long-legged nya.

Hindi naman nya malaman kung ano ang isusuot nya. Buklat sya ng buklat sa damitan nya.

"di pa kasi nagprepare kagabi!" pinapagalitan nya ang sarili.

May napili na sya. Ang blue na polo blouse nya.

Kuntento na sana sya ngunit napansin nyang gusot ito.

Baaaadtriiip!!

Dali dali nyang kinuha ang plantsa at saka hinubad ang damit. Dito na lang nya paplantsahin ito sa kama. Yumuko sya para plantsahin ito.

***

Samantala sa kabilang bahay, kagigising lang din ni Eman. Kukunin na sana nya ang nakacharge na phone sa table sa harap ng bintana ngunit nagulat sya sa nakita.

Lovelife ManagersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon