Chapter 4: What to do?

35 2 0
                                    

<Patalastas>

Ano na bang nangyayari?

Bakit may mga pagsira sa relo na nagaganap?

Paano ring nabura ang mga detalye sa envelop na dala ni Iya?

Isa lang ang sigurado ako...

May hiwaga pang nagtatago sa likod ng hiwaga.

Paano na ngayon sisimulan ni Alwin ang misyon gayong hindi nya matandaan ang pangalan ng kapareha ni Emam?

Paano sila makakahingi ng saklolo sa kabilang mundo...

PAANO?!

WHAT TO DO?!!

<Pagpapatuloy>

CHAPTER 4
What to do?!

I

Biglang nanlamig ang mga kamay ni Alwin. Parang bata na kinabahan.

Hindi nya alam ang mga dapat gawin.

Susunod lang sya sa mga signal na ibibigay ni Bryan dahil pwedeng may mga bagong instructions mula sa TIMING DEPARTMENT.

Huy! Wag kang ganyan huy! Kinakabahan na tinataktak nya ang relo.

Hala!

Tumayo sya at pumunta sa Ref. Binuksan ito at uminom ng tubig na nasa maliit na mineral water.

Hindi sya makapagisip ng maayos.

Pano na gagawin ko nyan?! Ni hindi ko nga maalala yung pangalan ng babae.

"Lina.........." mahina nyang sabi na pilit inaalala.. "....Rosales?!"

"Lina....Solanez?" dahan dahan syang naglalakad.

"Pano ba?" Pabalik balik ang kanyang lakad.

Anong gagawin ko. Paano ko macocontact si Bryan. Paano ko makakabalik dun.

II

Naglalaro ng video games sa kanyang kwarto si Eman.

Bigla syang nakarinig ng ingay mula sa baba ng kanilang bahay. Sa kanyang palagay ito ay parte sa sala.

Binitawan nya ang joystick at saka lumabas ng kwarto. Kaunting lakad lang ay madudungaw nya ang sala.

There you have it! Pikon na sa sabi nya sa sarili.

May tatlong babae na hindi nya alam kung saan nanaman napulot ng kanyang ama.
Nag-iinuman ang mga ito.

Hindi lang pala tatlo. May lumabas pang dalawang babae galing sa kusina kasama ang isang lalaki.

Maya-maya pa ay may dumating pa na apat na lalaki. Mga nakapormal pa ito. Maraming dalang pagkain. Mga halatang galing sa trabaho.

Ang kanyang ama naman ay nagseset-up ng videoke.

Samantalang sya, nananatili parin nakatayo sa dungawan mula sa secondfloor nila.

"House Party huh?" mahinang sabi nya.

Bago pa sya pumasok sa silid ay pinindot nya ang switch ng power ng kuryente na nagsusupply ng kuryente sa sala.

Dahil nasa gilid ito ng hagdan at malapit sa kwarto nya ay hindi sya makikita. Agad nyang sinara ang pinto.

Nagulat naman ang mga tao sa baba dahil biglang nawalan ng kuryente.

Lovelife ManagersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon