Simula (Question Mark)

54 3 0
                                    


***

SIMULA (Question Mark)

Madilim ang kalangitan, katatapos lang ng bagyo at wala parin ang mga bitwin, may mga mangilan ngilan ngunit hindi sapat para masabing wala ng darating na ulan. Isa kasi ito sa batayan kung uulan ba sa gabi, kapag wala ang mga bitwin malamang kumbaga sa umaga ngayon ay makulimlim.

Kahit takot na takot sya ay tumalon parin sya; sa pagtalon na ay naramdaman nyang may kahawak-kamay pala sya.Sa paglubog nila sa karagatan, naramdaman parin nya ang init ng palad ng lalaking kasama nya.

Ilang segundo lamang ang lumipas ay nakasagap na sila ng hangin mula sa ibabaw na hatid ng kalangitan. Padyak ng padyak para manatiling nakalutang. Niyakap sya nito. Gusto nya ang init na hatid ng pagkakayakap sakanya ng kasama.


Ngunit parang may mali, unti unting bumibigat ang pakiramdam nya. Dumilat sya, tumingin sa paligid. Magisa nalang sya. Tumingin sya sa itaas at napakaliwanag ng buwan.

Paglingon nya sa kanan ay napakalayo sa kanya ng pangpang.
Bakit parang nahihirapan sya pumadyak? Parang hindi na tama ang tyempo ng kampay pati ng kanyang mga kamay.

Oo nga pala, hindi sya marunong lumangoy. Bakit magisa lang sya? Nasaan yung kasama nya kanina? Unti-unti na syang lumulubog. Ang lalim. Pababa ng pababa sobrang lalim. Bakit parang ang hirap huminga?

 Bakit parang ang hirap huminga?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Lovelife ManagersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon