CHAPTER 2
On DutyI
Sa Train Station:
Lumabas mula sa isang tren si Iya. Dala parin ang envelop na naglalaman ng pangalan ni Mira Gozales.
It's good to be back! Sabi nya sa sarili habang naglalakad na parang modelo.
Gamit ang relo nya ay nakikita nya kung saan naroon si Mira. Agad naman nya itong pinuntahan.
Sa isang mall.
"Mira!" Tawag ng di pamilyar na boses.
Lumingon si Mira. Isang babae ang tumawag sakanya. Lumingon sya muli sa paligid para siguraduhin kung sya nga ang tinatawag nito.
Lumapit si Iya sakanya. Bineso sya nito. "Kamusta ka na? Naku di mo na ko naaalala no?"
"Excuse me?" Nagtatakang tanong ni Mira. Pilit Nyang inaalala kung Kilala ba nya ito.
"So malamang nga hindi mo na ako kilala" tila nagtatampong tono nito at Feeling Close ito na kinabig sya sa braso.
Huli ka balbon! Sabi nya sa sarili. Sa wakas, nakaharap nya rin si Mira.
Niyaya ni Iya si Mira na kumain muna sa paboritong pasta restaurant nito. Kahit nawiwirduhan ay sumama naman si Mira.
Sa Restaurant. Nakaupo silang dalawa, magkaharap. Habang tumitingin ng Menu si Iya ay tinitignan naman ni Mira ang buong pustura nya.
May asul na cutics ang mga kuko nito. Makinis. Maliit lang na babae ngunit di halata dahil sa suot na mamahaling heels. Mamahalin rin ang bag. Minamasdan nya ang bawat detalye.
(Bakit kilalang kilala ako neto? Hindi kaya stalker?!) kinakausap nya ang sarili at biglang lumaki ang dilat ng mga mata sa sumunod na naisip nya. ( Omaygad! Baka budol-budol? Hindi ko sya dapat tignan sa mata.)
Biglang nabasag ang katahimikan ng umorder ng pagkain si Iya.
"Sagot ko to!" Confident naman si Iya.
Gustuhin man maghinala ni Mira ay naniniwala parin sya ng bahagysa sa babaeng ito dahil sa mga kinwento nito sakanya kanina.
"Pano mo nalaman yung paborito ko?" Usisa ni Mira sa kasama. Iniiwasan nyang tignan ito sa mata.
Napalunok naman si Iya. "Pareho kasi tayo ng taste buds! Bata palang tayo" Paliwanag nito. Dahil alam nya ang storya ng buhay ni Mira ay madali naman nya itong napapaniwala.
Usisa pa more ate girl! Sabi nya sa sarili habang nakangiti kay Mira.
"Matanda kasi ako sayo ng 3 years kaya siguro hindi mo ako maalala." Dagdag pa ni Iya at humigop ng fruitshake na inilapag ng waiter. "Kamusta nga pala yung mga hapon na nag-ampon sayo?"
Tama naman si Iya. Lumaki sya sa ampunan. Hindi nya kilala ang mga tunay Nyang magulang. Inampon lamang sya ng mag-asawang Hapon at Pinay nung 5 years old sya. Pero nung magkaanak itong mga ito ay nanirahan ang mga ito sa Japan at iniwan sya sa lola sa probinsya.
Matalino si Mira. Kaya naman ng pumanaw ang kanyang lola na nag-alaga sakanya at makatapos sya ng hayskul ay nakipagsapalaran na sya sa Maynila at nagself-supporting sa pag-aaral.
Matapos magkwento ni Mira ay pasimpleng ginagalaw ni Iya ang kanyang mahiwagang relo dahil tumutunog ito na tanda na ito ay nagkakaproblema.
"excuse me, CR lang ako" Paalam ni Iya kay Mira.
Sa CR ay agad syang pumasok sa isang cubicle at dali-dali nyang chineck ang relo. Napakahalaga nito. Ito lang ang paraan para magkaron sya ng contact sa kabilang mundo.
BINABASA MO ANG
Lovelife Managers
General FictionHindi sya nakahubad.. Hindi sya baby.. Wala syang pakpak.. At hindi sya nagiisa... Hindi ganun ang tunay na itsura ng KUPIDO. Marami sila... Tulad nating mga tao, Para silang nasa isang malaking opisina... At ang tawag sakanila....... LOVELIFE MANAG...