Chapter 5: Start of Something New

25 2 0
                                    

Chapter 5
Start of Something New

...Paglingon nya sa kinaroroonan ng babae na nakabangga ay wala na ito.

Ang bango naman nun. Muling tumuloy sa paglalakad si Eman.

I

Habang nageempake ng kanyang mga gamit si Eman; napansin nya ang kanilang family picture na nakaframe pa, dito nya pala ito itinago sa maleta nya. Bahagya syang nalungkot ng makita ito.

Ang lugar ng litrato ay sa Disney land. Nasa limang taon pa lamang sya dito. Sa pinaka-kanang bahagi ng litrato pasan-pasan sya ng kanyang Tito Jun, nakataas ang kamay nilang dalawa. Samantala maganda naman ang pagkakatawa ng kanyang mga magulang. Ang saya saya nila sa litratong ito.

Nakakadurog ng puso. Yung dating masaya ngayon ay sirang sira na.

Kung sana buo lang sila. Baka palagi silang namamasyal hanggang ngayon. Kung hindi lang naghiwalay ang mga magulang nya, edi sana malapit sya sa kanyang papa. Edi sana mas marami silang naging bonding; edi sana dito sya nagpapaturo manligaw...

Ang mga bagay na iyon na naiisip nya ay naging dahilan para di nya mapigilan ang maiyak.

Nagulat na lamang sya dahil sa sakit na naramdaman nya sa kalooban. Sakit na hindi nya mawari kung saan nanggagaling.

Pinunasan nya ang luha ngunit patuloy parin ito sa pagbagsak, para bang sumabog ang matagal nya ng iniipon na bigat sa dibdib.

Sakit sa kalooban na akala nya ay puno ng galit sakanyang ama. Ngunit ang katotohanan ay sakit na hindi lamang galit, kundi panghihinayang... Pagkamiss... At tinatagong pagmamahal...

Nang bigla syang natauhan, ay kinalas nya ang litrato sa frame. Binuksan nya ito sa likod.

Gamit ang cutter ay pinutol nya ang parte kung saan naroon ang ama.

II

Samantala... Sa kwarto ni Mira, magkakatabi ang tatlo sa kama. Si Iya sa kanan, si Mira sa gitna, at si Hermie sa kaliwa.

Nakaupo sila.

Si Mira ay may hawak na laptop. Kasalukuyan nilang iniistalk ang bagong girlfriend ng Ex ni Mira.

"Move on ka na te, ang ganda nyan o. Mas hot sayo!" pang-uudyok ni Iya. Ang pakay nya ay makamove-on ng tuluyan si Mira dito.

Hinampas naman sya ni Hermie ng hawak nitong earphone.

"hoy! Grabe ka sa frend ko ha!" Pambabara nito kay Iya. "Porke mas may boobs yan hot na yan?!" dinuro nya ang picture sa FB.

"Tignan mo nga ichura mukang chimay!" dagdag na lait pa nito.

Nakakunot parin ang noo ni Mira.

"True love yan! Wala ka ng laban dyan" muling kumento ni Iya.

"Mas maganda ka dyan frend" paglalambing ni Hermie sa kaybigan.

"yung boobs oh, pak na pak" - Iya.

"yung boobs lang talaga e." biglang sang-ayon ni Hermie kay Iya.

Tinapunan ni Mira ng masamang tingin si Hermie.

"Ay hindi. Mukang adik lang yan sa push-up bra!" bawi naman ng bakla.

"hoy ikaw, kaibigan ba talaga kita?!" baling nito kay Iya.

"Oo naman! Kaya nga gusto ko makamoveon ka na dyan" pagpapaliwanag naman ni Iya. Bahagya pa itong natatawa.

"bat kasi iniistalk mo pa yan? Iblock mo na" akmang aagawin nito ang mouse.

Naging maagap naman si Mira. Iniwas nya ito.

"Oy! Oy! Bat ko ibblock?!! Anu ako affected?!" depensa ni Mira. Habang pinapaypay palayo ang kamay ni Iya sa laptop nya.

"Hindi ba?" pang-aasar ni Iya.

"FYI!! Iniistalk ko lang yan pag wala akong magawa. Just to kill the boredom, duh?!" nagroll-eyes pa ito.

"Fine!" kalmadong sabi ni Iya. Tumayo ito. "eh lagi kang walang magawa, so lagi mo iniistalk..." muling pangaasar nito at saka tumakbo papuntang CR dahil babatuhin sya nito ng unan.

"Tignan mo ugali nito." pagsusumbong ni Mira kay Hermie matapos nya batuhin ng unan si Iya.

III

Malakas ang tugtog. Mula sa mala-milyunaryong mansyon ni Alwin, ay narito sya ngayon sa isang maliit na kwarto malapit sa parking ng kanyang bahay.

Matapos nyang ikabit ang surround speakers ay nagpatugtog sya ng malakas.

"Oh yeah!" cool na cool lamang sya.

"sinacrifice ko yung yaman ko para sayo Eman, omy!! Youu so lucky huh?!" mahinang sabi nya ng marealize na eto sya ngayon. Titira sa maliit na silid na ito.

May TV. May maliit na ref. Gaming gadgets. Speaker.

Isa isa nyang tinitignan ang mga gamit habang iniisip kung ano pa bang kulang na kailangan nya.

Hmmm ano pa ba?

Bigla naman tumunog ang doorbell.

***

Makalipas ang ilang araw ay naabutan ni Eman si Alwin na nagluluto sa kusina ng pritong itlog. Cool na cool pa ito.

"Excuse me??" Saway ni Eman dito.

"Oh hi! Ah eh, makikiluto lang ako ha." patuloy parin ito sa pagluluto.

"Bakit parang sharing ang set-up natin?! Akala ko ba dun ka sa garahe?" nagtitimpla ito ng kape.

"Chill.. Eh wala naman akong kusina don. Saka ito naman! Ituring mo nalang akong parang kapatid!"

*Toink!*

Bigla naman nasamid si Eman sa sinabi nitong si Alwin.

Magaan naman ang loob nya kay Alwin. Hindi naman ito mukhang masamang tao.
Medyo weirdo nga lang ito sakanyang paningin.

Lovelife ManagersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon