Chapter 7: How to Attract a Man

9 0 0
                                    

CHAPTER 7
How to attract a man...

Hagalpak ng tawa si Hermie sa nabasa sa laptop ni Mira.

"Shotanginabels te! HOW TO ATTRACT A MAN?????!" punong puno ng sarcasm at pamimintas na pang-aasar ni Hermie sa nagpapaantok na si Mira.

"Ano?!" kumunot naman ang noo ni Mira at hindi maintindihan ang sinasabi ni Hermie. Bumangon sya at sumilip sa laptop.

Napalunok naman si Iya habang nagsusuklay ng buhok. Hindi nya naexit ang sinisearch nya kanina. Pasimple syang nagsuot ng earphone at patay malisya.

"Hoy hindi ako yan!" agad namang tanggi ni Mira.

Natatawa pa rin si Hermie. "Wag mo ng ideny! Tanggap pa din kita kahit desperada ka"

Isang malupit na batok naman ang sinagot ni Mira.

"Oh e sino?!"

Nagkaintindihan naman sila at dahan dahan na lumingon kay Iya. Tumaas pareho ang kilay nila na para bang nasagot na ang tanong nila.

"Ahhhh..." pabulong ni Mira.

Hagikhik sila ng tawa.

"Pabayaan na natin si Frend muna... Basahin nalang natin" iniscroll ni Hermie ang mouse..

Pasimple namang nagmamatyag si Iya.

Tawa ng tawa si Hermie at Mira.

"Oh alam mo na mga techniques ah?! Pabango effective yan! Dapat yung nakakaano ha."

"Bastos ka! Bakla ka ba talaga?"

***

Isang umaga, sabay na lumabas si Alwin at Iya ng magkatabing bahay.

Nagulat si Alwin ng mapalingon sya kay Iya.

<Alwin's POV>

Bigla syang kinabahan.

Kamuka ni Iya! Sabi nya sa kanyang isip.

Bigla nyang naalala ang sinabi sakanya ni Bryan noon.. Na ang magiging mukha mo sa lupa ay mukha na mageexist palang hundred years from now.

Hindi nya alam kung magtataka sya o maaamazed. Siguro ay sobrang tagal na ni Iya doon kaya ganun - naisip nya nalang.

Ngayon lang din nya narealized na hindi nya alam kung nagbago ba ang sarili nyang itsura. Wala nga palang salamin doon sa mahiwagang mundo. Wala syang ideya sa itsura nya.

Muli nyang nilingon ang babae pero nakatingin parin ito sakanya. Bigla naman itong parang nagulat ng tumingin sya at umiwas ng tingin.

<Iya's POV>

Hindi sya pwedeng magkamali...

Kamukha ni Alwin ang lalaking nasa kabilang bahay.

Dalawang bagay ang kanyang naisip:

Sa oras na lumapag ka sa lupa, ang mukha mo ay magbabago, mukha na never pang nag-exist.

Naalala nya na inintroduce nya si Eman kay Alwin noon. Iisipin na sana nya na si Alwin ito, pero sa anong dahilan bakit hindi nagbago ang itsura nito?

Nalito sya bigla. Ang alam nya ay maraming mali. Nawalan sya ng koneksyon sa kabilang mundo. Kailangan nyang imbestigahan ito, baka makatulong ito.

Bigla syang natauhan ng muli itong lumingon sakanya. Binaling nya ang mata sa gate na kanina pa nakasara.

Muli nya itong binuksan at saka isinara ulit.

Bumuntong hininga sya at saka naglakas loob na lumapit kay Bryan na pasakay na sana sa kotse.

"Kuya!" tawag nya dito.

Nakangiti naman ito agad sakanya.

"Uy! Hi! May problema ba?" - Bryan

"Ah e.. Ano kakapalan ko lang mukha ko, ginamit kasi ng frend ko yung car ko..."

"Waw ang bait ah. Tara sabay ka na" papunta sya ngayon sa pinto ng passenger's seat para pagbuksan si Iya.

"Ay ano, hanggang dyan lang naman sa labasan! Ayoko kasi maglakad ang init kasi..muka ka naman mabait, saka magkapitbahay naman tayo..." todo paliwanag sya at walang hiyang sumakay sa loob.

"Andami mo namang paliwanag." magandang ngiti na binagsak nya ang pinto. Parang matagal na silang magkaibigan kung magusap.

"Seatbelt." sabi ni Alwin pagkasakay.

Nagsuot naman si Iya ng seatbelt.

"magsseatbelt pa ko talaga? E dyan lang naman ako sa taas." naikabit na nya ang seatbelt.

"sinong may sabing sa taas lang. Ihahatid na kita, san ka ba pupunta?" pinaandar na nito ang kotse. Inayos ang aircon at nagpatugtog.

"Ay grabe ang bait oh! Baka out of way. Sa LRT ako."

"mas mabait ka, pinahiram mo yung kotse mo wala ka tuloy magamit"

Sa totoo lang nagdahilan lang naman talaga si Iya. "Oo nga no. Mas mabait ako" pagsang-ayon nito.

Napangiti naman si Alwin.

"Actually wala naman talaga akong pupuntahan. Nabored lang ako. Alwin nga pala!" naglahad ng kamay habang nagmamaneho.

Biglang nanlamig si Iya. Alwin. Tila ayaw tanggapin ng utak nya ang pangalan nito.

"Hindi mo ba ako kakamayan? Napapahiya ako oh" nakalahad parin ang kamay nito.

"Ay sori!" kinamayan nya ito.

"Ang lamig ng kamay mo, hinaan ko ba erkon?" akmang hihinaan nito ang aircon.

"No. I'm Iya" nakatitig sya sa magiging reaksyon nito.

Biglang nagpreno si Alwin. Iya?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lovelife ManagersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon