Chapter 2: Transferees

18 2 0
                                    

Shine's POV

"haaay!" napbuntong hininga nanaman ako.kagabi pa ako ganito.tinanong na nga ako ni mama at ni ate kung bakit wala daw ako sa sarili pagdating ko sa bahay. hindi ko lang kasi maiwasan na hindi isipin yung nangyari kagabi.paulit-ulit na nage-echo sa isipan ko yung sinabi ng epal na lalaking yun. ipinagtataka ko rin ang pangalang itinawag niya sa akin
.....Aya.

....Aya

....Aya.

"Huy!!!*PAK!!!* kanina pa kami daldal ng daldal dito hindi mo manlang kami pinapansin!" napapitlag ako ng bigla akong hampasin ni Jazz sa braso.

"Aray naman!!! bakit mo naman ako hinampas?!" nakalabing tanong ko sa kanya.

"tinatanong ka kasi namin kung anong gusto mong kainin para maipasabay na sa pagbili kay Candy, pero hindi mo naman ako sinagot. tapos tinanong ka namin kung okay ka lang ba kasi kanina ka pa walang imik pero hindi mo nanaman kami pinansin kaya hinampas kita ng matauhan ka!!" sabi niya.

"*sigh* wala akong problema, mayroon lang akong iniisip."

"ano naman yun." tanong ni Candy.

"may nangyari kasi kahapon sa akin at----"

"OH.MY.GHAD!!! huwag mo sabihing may nangyari na sa inyo ni Janus?! grabe sobrang agressive niyo pala ha. hindi na nakapag----"

*Booggssshhhh!!!!!!* bigla kong binatukan si Jazz. nakakainis kung ano-anong pinagsasabi ang lakas pa ng boses buti sana kung kaming apat lang ang nandito. napatingin na tuloy sa amin yung ibang student dito sa cafeteria. napatingin naman ako kina Candy at Mara.nanlalaki yung mga mata nila(0_0). naku si Jazz talaga!!!!.

"ha.ha.ha ikaw talaga Jazz kung ano-anong kalokohan ang sinasabi mo.madala ka na nga sa mental mamaya baka nababaliw ka na niyan.."

Humarap Naman ako sa ibang estudyante ".... pasensya na kayo sa kaibigan ko ha sige balik na kayo sa pagkain niyo." sabi ko tapos umupo na kami ni Jazz. buti naman at bumalik na sila sa pagkain.

"masakit ha!!!" angal ni jazz tapos tumingin sa akin ng masama.

"ayaw mo muna kasi akong patapusin sa pagsasalita. kung ano agad yang mga sinsabi mo."

"sorry naman!!! akala ko lang kasi eh.*peace sign* sige tuloy mo na."

pagkasabi niya nun kinuwento ko na yung nangyari. sinabi ko sa kanila ng buong-buo hanggang sa paglalakad ko sa eskinita, tapos yung pagsulpot nung epal at paghatid niya sa akin sa gate pati na ung mga huling sinabi niya sa akin.

"Aya? bakit yun yung tinawag niya sayo eh hindi ka naman niya kilala tsaka naka-drugs ata yun eh. nanghuhula ng pangalan. patukhang na kaya natin yan kay bato. hahahaha!!!" sabi ni jazz sabay hampas sa table. binatukan ko ulit siya. kung ano-ano talaga pinagsasabi!!!

"aray ha!! nakakadalawa ka na!!!"

"pag hindi ka pa tumigil diyan magiging tatlo na yan at hindi na kamay ang ipang-babatok ko sayo itong libro  na!!" banta ko sa kanya.tumahimik siya sa sinabi ko.

"base din dun sa kwento mo parang kilalang-kilala ka niya. hindi mo ba siya natatandaan?" tanong ni Mara.

napaisip ako.maliban kay Ken wala na akong ibang lalaki na kilala o kahit ka-close kaya imposibleng kilala ko siya.

"naku ha!!! baka may balak na masama sayo ang lalaking yun. baka inii-stalk ka nun.magiingat ka ha." sabi ni Candy.

tumango na lang ako. narinig naming parang may tumunog. tiyan pala yun ni jazz. nagtawanan kami tapos bumili na si candy at jazz ng pagkain. nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng dumating si janus. hay! heto na naman itong makulit na 'to.

The Lost Heiress (On Going/Slow Update)Where stories live. Discover now